Highlight 2

1131 Words
Chapter 9: Highlight 2 - Narrator's POV - Nasa hapag na ang magkakaibigan ngunit tahimik silang kumakain. "Ahh... Guys, napanaginipan nyo ba sila Justine at Ivy?" Tanong ni Keira at tumango ang lahat. Maliban sa tito nilang takang tinignan sila isa-isa. "Sino sila Justine at Ivy?" Tanong ng tito nila. "Sila Justine at Ivy po... Mga kaluluwa po silang natulungan namin kagabi." Saad ni Bryan. "Kaluluwa? Niloloko nyo ba ako?" "Hindi po!" Sabay-sabay nilang sagot. "Umayos kayong lahat. Baka may ginagawa na kayong hindi maganda. Gusto kong makapagtapos kayong lahat. At tyaka para hindi naman masayang ang pinapadalang pero sa akin ng mga magulang nyo. Niki, Saira, Bryan, Rehan, Treyton, Thalia. Nagtitiwala ako sa inyo. Pati narin sa inyong magkapatid. Sa dalawang tohh," turo nya sa mga anak nya. " Wala na." Biro nya sabay halakhak ng malakas. "Daddy, hindi nakakatawa ang biro mo." Pikong saad ng kambal. Lalo namang natawa ang ama nila. Sa di kalayuan ay may nakamasid sa kanila. "Masaya akong nakikitang nakakangiti ka na, mahal ko. Ngayong nandito na ang mga pamangkin natin ay lalo kang nagiging masaya, di katulad noong yung kambal lang ang kasama mo. Sana ay magtutuloy-tuloy na yan..." Saglit syang natahimik at napabuntong-hininga. Muhkang nakaamoy ang pamangkin nyang babae at napatingin sa gawi nya pero dahil alisto sya at mabilis syang nakapagpalit ng pwesto. Muli syang tumingin sa mga taong kumakain sa hapag. Nakangiti parin ang mahal nyang asawa habang nakikipagkwentuhan sa mga batang kasama nito. "Ngayong may makakatulong na sa akin. Magbibigay na ako ng mga pangitain. Malalaman mo na ang totoong nangyari sakin, mahal." Malungkot nyang saad habang nakamasid parin sa magndang ngiti ng mahal nyang asawa. - Keira's POV - Nagtatawanan kami ngayon habang nag-aasaran ang mga kaibigan ko. Nandito ngayon sila Vincent sa bahay. Napanaginipan daw nila sila Ivy kagabi. Ganon din kami. At nagkayayaan na dito nalang sila magpabreakfast. "Nahiya naman ako sayo! Ikaw nga tong wala pang boyfriend ehh!" Pagkatyaw ni Kuya kay Niki. "Hindi lang naman ako ang NBSB dito! Silang dalawa din!" Turo sa amin ni Niki. "Hahaha! Bakit nyoko dinadamay?" Natatawa kong tanong. "Ayy! Pa-Maria Clara pa sya! Ganda ka, teh? Ganda ka?! Hahaha!" Pang-aasar nanaman ni Kuya sakin. Nagtawanan naman kaming lahat. "Ang pangit mo kasi, kaya walang nagkakagusto sayo!" Pang-aasar ulit nya sabay hagalpak sa tawa. Natawa nalang din ako. Naputol ang pagtawa namin ng biglang tumikim sila Vincent at Bryan. Gulat naman kaming tumingin sa kanila. "Anong problema? Bigla kayong nasamid?" Tanong ko habang nagpapapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa. "Wala lang!" Sabay na saad ng dalawa. Pagkatapos ay nagkatinginan sila. "Ginagaya mo ba ako?!" Sabay na sigaw nila. " Tumigil ka nga!" Sabat ulit na sigaw nila. "Ano bang problema mo?" Sabay ulit na tanong nila. Natahimik silang pareho at parang nag-iisip ng kung anong sasabihin. "Ang pogi ko." Saad ni Vincent. "May multo kang katabi" saad ni Bryan. Bigla kaming napatingin sa tabi ni Vincent at wala naman kaming nakita. "Tinakakot mo kami, papa Bryan." Saad ni Kuya. Natawa lang si Bryan. "May tanong ako sa inyong lahat." Biglang saad ni Saira. " Wow! Ano yun, te?" Saad ni Kuya. "How many women do you believe must a man marry?" Tanong nito. "Isa lang." Mabilis na sagot ng lahat. "Kasi kung alam mong sya na talaga, di ka na maghahanap ng iba. If you love that woman more than the world. I praise you, dude." Saad ni Rehan. "For me, 16." Biglang sagot ni Kuya. Napatingin naman kaming lahat sa kanya, puno ng pagtataka. "Bakit?!" Sabay-sabay naming tanong. "Because they always say that, it's 4 richer, 4 poorer, 4 better, and 4 worse. 4+4=8+4=12+4=16. So, every man must marry 14 woman. Hahaha!" Saad ni Kuya. Napailing naman kaming lahat. Iba talaga ang katarantadohan sa utak ng kuya ko. Buti nalang di ko nakuha yang ganyang ugali ni Daddy. - Narrator's POV - Napabuntong-hininga si Keira sa naisip. Nakatingin sya sa pagkaing nakahain sa harapan nya ngayon. Habang ang dalawang binata ay nakatingin sa kanya. Masyadong magulo ang mangyayari. Dahil ma-iinlove sa kanya si.... Hop! Bakit ko sasabihin sa inyo? Hindi ko kayo iispoil, duh?! Hahaha! Makalipas ilang minuto ay sabay-sabay silang umalis ng bahay nila. Kahit na nasa loob na sila ng sasakyan ay nagtatawanan parin silang lahat. Dumako naman tayo sa tito Mar nila. Ngayon ay papasok na ito sa kanyang traboho. Nasa byahe na sya ng biglang tumunog ang kanyang telepono. "Oh, pare? Napatawag ka?" Tanong nito sa kumpare nya na business partner nya rin. "Napatawag lang ako para sabihing may Emergency Meeting tayo ngayong araw. Very urgent talaga, to, pare. Kailangang kailangan tayo doon kasi malaking investment ang nakasalalay doon. Sige, pare... Mag-ingat ka." Saad ng kaibigan nya sa kabilang linya. "Sige... Salamat, pare. Ingat." Sagot ni Mariano sabay patay ng tawag. Sino naman kaya ang kumpare na yon ni Mr. Tuckres? Ano ang magiging papel nya sa istoryang ito? Ano ang nangyari sa asawa ni Mariano? Ano ang nangyari sa mga magulang nila Keira at Kalen? Bakit di binanggit ng Author? Bakit kulang-kulang ang istoryang, to? Bakit ang dami kong tanong? Ako din naman ang sasagot. Tsk! Ok, See you in next chapter! Shempre, charot lang! Ngayon ay bumalik tayo sa magkakaibigan. Nasa Canteen sila ngayon and they're having their lunch break. Wow, english! Hahahahaha! Burger! Burger! Burger....! Letse! Habang kumakain sila ay biglang may sumigaw. "Hoy! Kalen Tuckers! Nasa akin ang phone mo. Mangako kang bibigyan moko ng two thousand pesos para maibalik ang cellphone mo! Kung hindi ka tutupad ay sisirain ko ang phone mong ito!" Biglang tumayo si Kalen at tumingin sa sumigaw. "Di ko maipapangako pero sana tuparin mo ang sayo! May gawd! Alam mo bang masisira na yang phone nayan?! Sige! Go ahead! Sirain mo na!" Saad nya na puno ng tuwa. Lumapit pa sya sa kumuha ay kinamayan ito. "Salamat! Maraming salamat! Please! Kung ayaw mong sirain yan, sayo nalang! Gusto mo sirain mo nalang kasi wala na yang kwenta sakin, ehh!" Tuwang-tuwa saad nya habang kinakamayan parin ang lalaki. Bigla itong nagpumiglas kaya nabitawan nya ang lalaki. "Baliw ka! Ako si Jetson Lopez! Anak ng pinakamayamang negosyante! Aanhin ko ang bulok mong cellphone kung kaya kong bumili ng isang daang ganito?" Mayabang na sigaw ni Jetson kuno. "Ako!" Turo ni Kalen sa sarili nya. "Anak ako ng nanay at tatay ko! Kaya manahimik ka!" Sigaw ni Kalen at tinalikuran ang lalaking mayabang. "Tsk! Mayabang." Parehong bulong nila habang si Kalen ay naglalakad papalapit sa mga kaibigan nya at si Jetson naman ay nandoon parin sa kinatatayuan nya. Sino si Jetson? Ano ang magiging papel nya katulad ng kumpare ni Mariano? Bakit sila nabanggit dito? May kinalaman ba sila sa kaso ni Lany? Kung ano man ang sagot.... Shempre, si Author lang makakasagot! Haha! --- To Be Continued ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD