Chapter 10:
Tita Lany(la-ni)
- Narrator's POV -
Nasa klase ngayon ang buong club. Narito tayo ngayon sa Seniors. Nandito sila ngayon sa sa English Subject nila. Sisilipin natin sila saglit.
"Use anyone's name 4 times in a sentence." Saad ni Papa Paul.
Aww! Ang pogi!! Nakakatunaw sya! Ehem! Ehem! Sorry, malandot din ang narrator nyo.
Biglang nagtaas ng kamay si Treyton.
"Kanino, Mr. Gomez?"
"Sa inyo po" sagot ni Treyton sabay ngiti ng nakakaloko.
Muhkang may balak ang bruha.
"Go ahead."
"Paul. Be cafePaul. You might Paul in the swimming Paul. Hihihi" saad nito sabay hagikgik. Bigla itong umupo ng bigla syang batohin ng eraser.
"Trantado ka talaga, Mr. Gomez! Hahaha!" Sigaw ni Papa Paul habang tumatawa.
Bakit pati tawa nya ang pogi nya? Tumatawa din naman ako, ahh? Pero bakit hindi ganyan kapogi?
Nagtawanan sila hanggang matapos ang oras ni Papa Paul. Kasunod naman ang terrior teacher nila.
"Ano ba? Bakit kayo nagtatawanan? Dapat ba palaging masaya?" Punong-puno ng bitterness nitong saad.
Iww, No to Mr. Santiago.
"Mr. Santiago, wala ka lang jowa kaya ka ganyan. Try mo maghanap." Sagot ni Kalen.
"Hoy, bading. Don't you dare talk to me like that. Im your professor here." Puno ng kayabangang saad nito.
"And im beautiful. Makabakla ka naman, sir. Parang hindi tayo iisa ng lahi." Sagot nya sa guro nya sabay taray nya dito.
Yan! Kalen namin yan!
Pikong nagsimulang magturo si Baklang ulikba este Mr. Santiago pala. Kahit sa pagtuturo nito ay may bitterness at lagi nyang pinagsasalitaan ang mga estudyante nya pero lagi syang tinatabla ni Kalen.
"Hoy, bakit nandito ka sa labas? Nagkakacutting ka, nohh?!" Sigaw galing sa likod ko. Lumingon ako sa nagsalita. Nang makita ko na ang muhka nya ay kumaripas ako ng takbo.
Tangina, bakit di sinabi ni Author na nakikita pala ako ng mga tao? Kutungan ko kaya to?
Maya-maya lang ay natapos na ang oras ng klase. Nag-uusap-usap ngayon ang myembro ng Paranormal Club.
"Nagpost na ako sa f*******: para may makakita na rin." Saad ni Rehan.
"Gumawa ako ng page. Isinama ko kayo don sa moderators para pag hindi nakita ng isa sa atin ang message requests at comments makikita ng iba." Saad ni Sandy.
"Mabuti narin yan, nohh. Para may magawa tayo. Im so bored na kasi!" Saad ni Thalia.
"Buti nakakasalita ka na ng medyo straight na tagalog." Saad ni Treyton habang nakatingin kay Thalia.
Oyy... I smell something fishy.
"Oo nga, ehh. Salamat kay Bakla." Saad ni Thalia at sumulyap kay Kalen na nakatingin din sa kanya. Makikita mo namang parang nalungkot si Treyton.
Tsk! Kailangan ko ng makita ang point of view ng tatlong ito. Pero shempre.... Ako lang. Duh?!! Bakit ko papakita sa inyo? Edi wala na, finish na? Sige chika ko nalang sa inyo.
"Trey... Are you okay?" Biglang tanong ni Saira. Lahat ay nagulat pati ako at si Author.
(A/N: Tangina.... Manahimik ka!)
Sorry na, author. Hahahaha! Nakalimutan kong pikonin pala sya. HAHAHAHA!
(A/N: Ang jejemon mo, girl. Caplocks tawa. Hahahaha!)
Paki mo? Edi, gayahin mo din! Hahahaha! Tama na nga yan! Muhka akong tanga. Iisa lang naman ang narrator at author. Tsk!
"Im okay." Sagot ni Treyton sabay ngiti ng pilit.
Ayy. I smell something talaga.
"Believe me, pag ganyan sya. Ok lang sya." Bulong ni Rehan kay Saira.
"Hindi... Hindi sya ok. Kasi kung ok lang sya, maingay sya." Malungkot na saad ni Saira. "Tingin ko ay may gusto sya kay Thalia. Pano na ako?" Saad ni Saira sa isip nya.
Teka?! Bakit ko ba pinakita sainyo yan? Tangina! Baka pagkaguluhan nyo pa yan!
Habang naglalakad ang Paranormal Club ay may nakatingin sa kanila sa kalayuan.
"Malapit na akong matahimik. Sisiguraduhin kong makukulong ka, Lopez!" Sigaw ng ginang sa sobrang galit. Nataranta sya bigla dahil muhkang narinig sya ng magkakaibigan.
"Narinig nyo ba yon?" Tanong ni Bryan.
"Parang boses ni Tita Lany." Komento ni Keira habang nakatingin silang lahat sa gawi ni Lany kanina.
"Wag na nating pansinin. Baka guni-guni lang natin yon." Saad ni Rehan. "Tara na." Saad nito at hinawakan na sa balikat si Saira para akayin maglakad. Naglakad na silang lahat palabas ng campus at sa gate na sila naghiwa-hiwalay. Sumabay si Vincent kila Sandy, Mika, at Mia. Habang ang magpipinsan at ang mga kaibigan nila Kalen at Keira ay kasama nila sa iisang sasakyan.
Nasa bahay na ngayon ang magkakaibigan ngunit wala pa ang tito nila. Maya-maya lang ay dumating na ito tapos ay sabay-sabay silang naghapunan. Hanggang hapunan ay nagtatawanan sila. Wala kasing sawa ang bunganga ni Kalen, hindi nauubusan ng biro si Treyton, hindi naman nagsawang magtawanan ang mga kasama nila.
Nakamasid sa kanila si Lany dahil nga may plano na sya ay bigla syang lumapit sa mga picture frame at itinulak ang litrato nyang naroon. Natigil sa pagtawa ang lahat at napatingin doon sa litratong nabasag.
Nakakapagtaka dahil hindi sya nakikita ng mga ito. Lahat sila, kahit si Bryan. Walang nakakaramdam ng presensya nya.
"Sino ka?" Biglang tanong ni Bryan pero hindi parin sya nito nakikita.
"Di nyo ko kilala." Bulong nya at napalingon naman sa kanya ang mga anak nya.
"May narinig kaming nagsalita, doon banda sa may tabi ni Daddy." Natatakot na saad ni Kenji.
"Anong nangyari sa mga third eye nyo?" Takang tanong ni Lany habang isa-isang tinitignan ang mga batang nasa harapan nya.
"Pano mo nalamang may third eye kami?" Tanong ni Kendric.
"Wala kayong pakialam." Sagot nya saka sya umalis na puno ng panghihinayang. Akala nya ay makakahingi na sya ng tulong sa mga ito pero hindi pa pala.
Nakakaawa naman si tita Lany.
"Wag mo kong ma-tita tita. Di kita pamangkin." Saad nito sa ako sinamaan ng tingin.
Nakikita din ako ng multo? Tangina, author ano ba yan? Akala ko boses ko lang ang kailangan mo? Bakit mo pa ako nilagyan ng katawan?
Nanatiling nakatayo silang lahat doon sa loob ng dalawang minuto saka nila tinapos ang pagkain at umakyat na sa mga kwarto nila. Mabilis silang nakatulog lahat dahil sa pag-iisip sa nangyari kanina.
Paggising nila ay nakalimutan na nila ang nangyari kagabi. Kumain sila ng payapa at masaya. Habang sa kabilang banda naman ay naroon si Lany. Nakatingin sa kanila habang nag-aamok.
"Anong problema mo?" Tanong ko.
"Naiinis ako. Akala ko mabibigyang hustisya ko na ang pagkamatay ko, hindi pa pala." Malungkot na saad ni Lany.
"Ok lang yan, sis. Cheer up!"
"Salamat. At bakit ganyan mo ako kausapin, aber?" Mataray nitong saad. "Mas matanda ako sayo, diba?" Mataray na tanong nito.
"Mas matanda ka nga, ako naman ang narrator dito. Baka nakakalimutan mong tauhan ka lang dito. Gusto mo magdissapear agad ng wala pang hustisya pagkamatay mo?" Mataray kong saad, natameme naman sya. "Ano palag?" Saad ko at kunyaring aambahan sya pero bigla akong napaatras ng bigla syang tumayo.
"Takot ka pala, ehh." Natatawang saad nito habang nakatingin sa akin. Humarapa nalang ulit ako sa magkakaibigan at sinundan sila.
Attitude ng babaeng yon, ahh? Author burahin mo na nga yon!
(A/N: Baka unahin pa kita)
Sabi ko nga joke lang
Ngayon ay bumabyahe na ang magkakaibigan. Kahit nasa byahe sila ay maingay sila. Walang pinagbago, sila Treyton at Kalen parin ang pinakamaingay. Nang makababa sila ay nakasalubong agad ang apat pa nilang kaibigan.
"Kumusta tulog?" Tanong ni Keira kay Vincent. Napasimangot naman si Bryan sa likod.
"Ayos lang, ikaw?" Tanong nito pabalik.
"Ano ba yan, Sandy? Lagi nalang bang pagmaaabutan ka namin, may hawak kang libro?" Maarteng tanong ni Kalen.
"Ayoko namang abutan nyoko na walang ginagawa. Ayokong sabihan nyo akong tamad." Pilosopong sagot ni Sandy. Tinarayan lang sya ni Kalen.
"Whatever." Masungit na saad ni Kalen.
" Tama na nga yan. Pumasok na lang tayo, baka mag-away pa ang dalawang yan." Turo ni Keira kay Sandy at sa kuya nya, natawa pa ng bahagya. Ganon nga ang ginawa ng mga kasama nila. Lahat sila ay sumunod kay Keira at Vincent na nagkwe-kwentuhan habang nakamasid lang sa kanilang dalawa sila Rehan at Bryan.
"Ang torpe kasi. Naunahan ka na tuloy." Pang-aasar ni Rehan kay Bryan. Parang wala namang pake si Bryan na nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy na sila hanggang sa matapos ang limang subjects at naglunch break na.
"Anong ulam mo?" Tanong ni Saira kay Kalen. Tinignan sila ng lahat.
"Basta may chop sa dulo." Saad ni Kalen.
" Porkchop?" Inosenteng tanong ni Saira. May itinaas naman si Kalen.
"Ketchop. Ok ka na? Kain ka na." Pilosopong saad nito habang ang lahat ng kasama nila ay napangiwi.
"Ito, Saira, sayo nalang." Saad ni Rehan pero akmang inanabot nya na ito kay Saira ay pinigilan sya ni Treyton. Si Treyton ang nag-abot ng ulam kay Saira at tinignan ni Treyton si Rehan.
"Di nya na kailangan ng ulam mo. Kaya wag ka nang pakialamero." May diing saad ni Treyton. Nagtitigan naman ng matagal sila Treyton at Rehan.
"Akin na lang yan, Rehan." Sabat ni Keira.
"S-sige." Saad ni Rehan at inabot ang ulam na ibibigay nya sana kay Saira. Pero nagulat sya at ang lahat ng makitang punong puno iyon ng ulam. Taka namang tumingin sa kanya ang lahat.
"Opss. Di ako ang may gawa. Sila." Turo ni Keira sa dalawang katabi nyang nakatingin sa kanya. Parang nagulat din ang mga ito dahil parang hindi nila namalayang ang dami ng ulam sa plato ni Kiera.
"Ang takaw mo talaga, sis!" Saad ni Kalen. Tinarayan lang sya ni Keira. Nagpatuloy lang sila sa pagkain, nandoon parin ang tensyon sa pagitan nilang lahat. Maya-maya ay nabigla ang lahat ng biglang mahimatay si Keira at biglang nangisay sa sahig.
"Keira!" Sabay-sabay nilang tawag at inaalalayan ang dalaga at pilit na itinatayo pero sadyang malakas ito. Nagwawala na ito ngayon. Umupo sa tabi nya si Bryan at may binulong ito.
"Umalis ka sa katawan nya!" Sigaw ni Bryan at maya-maya lang ay parang may usok na parang sinunog ang loob ng katawan ni Keira at biglang nawalan ng malay.
Kawawa naman si Bebe Keira. Ano ang mangyayari sa kanila ngayon? Ano ang susunod na mangyayari? Meron akong alam na paraan.....
Basahin mo ang sususnod na chapter. Hehe. Thank me later!
--- To Be Continued ---