Chapter 11:
Tita Lany 2
- Narrator's POV -
Nagtataka ata kayo kung bakit puro point of view ko nalang. Hahaha! Love kasi ako ni Author. At wala kayong paki! Tsk!
Nandito ngayon ang buong squad sa bahay ng mga Tuckers. Weekend kasi ngayon. Kaya magkakasama silang lahat. Kahapon di lang isang beses hinimatay at nagwala si Keira, limang beses pa. Sa school lahat ng nangyari at yung iba sa loob ng klase nila.
Ngayon ay dumako tayo kay Mariano. Nasa trabaho sya ngayon kahit sabado. Sobrang importante kasi ng meeting na ito kaya pinaglalaanan nya ng pansin. Makalipas ng ilang minuto ay natapos na ang meeting na iyon.
"Pare, sabay na tayong umuwi?" Tanong ni Mr. Lopez.
"Hindi na, mas masaya na sa bahay. Marami na akong kasama." Masayang saad ni Mariano. Tumango-tango naman si Mr. Lopez. "Jayson. Mauuna na ako." Paalam ni Mar. Tinanaw ni Jayson ang kaibigan nyang paalis na.
"Hanggang ngayon ay wala paring nagbabago sa atin. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sa asawa mo. Di ko naman sinasadya." Bulong ni Lopez sa sarili nya. Maluha-luha syang naglakad at sumakay ng kotse. Pag-uwi nya ng bahay ay nandoon ang anak nya sa sala.
"Hi, Dad. Musta?" Tanong ng anak nya.
"I'm good. How about you? Gusto mo bang lumabas? Kain tayo sa labas?" Tanong nya.
" Sige ba! Tara na!" Excited na sagot ng anak nya. Ganon nga ang ginawa ng mag-ama. Nagpunta sila sa restaurant na malapit at doon kumain. Tapos ay pumunta sila sa parke. Pag-uwi nila ay pagod na sila pareho kaya pagkatapos nilang kumain ay nakatulog na sila sa pagod.
Habang natutulog si Lopez ay may nakamasid sa kanya. Punong-puno ng galit, at puot. Naglakad sya papalapit doon at walang sabi-sabing pinasok ang panaginip ni Lopez.
"Nasaan ako?" Tanong ni Lopez. Nagpalinga-linga ito at parang hindi alam kong anong gagawin. Dahan-dahan parin itong palinga-linga at tumigil ang mga mata nito sa isang aninong di alam na may ilaw pala roon.
Tiningnan nya kong saan nanggagaling ang anino at ng makita kong kanino ito galing ay parang tinakasan ng bait si Lopez. Bahagya syang napaatras ng dahan-dahang humakbang ang babae habang nakatingin sa kanya.
"S-sino ka? N-nasa'n ako?" Tanong ni Lopez sa babaeng nakalapit na sa kanya. "A-ano ba ang kailangan mo?" Dagdag pa nya. Nagulat sya ng bigla syang sakalin ng babae. "A-ahh! T-tulong!" Hirap na hirap nyang sigaw.
"Walang hiya ka! Ang lakas din ng loob mo! Matapos mo akong gawing hayop, wala ka paring takot lapitan ang asawa ko!" Sigaw ng babae. Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Lopez.
"I-ikaw?! B-bitawan mo a-ako!" Hirap na hirap paring sigaw nya. Habang pilit na kumakalas sa pagkakasakal sa kanya ng babae.
"Tapos na ang maliligayang araw mo, Lopez. Sisiguraduhin kong masisira ang buhay mo!" Sigaw nito. Kahit hirap na hirap huminga ay nagawa paring ngumisi ni Lopez.
"P-paano mo a-ako masusumbong? P-patay ka n-na, w-wala ka n-ng malalap-pitan." Hirap na hirap paring sigaw nya. Nagulat sya ng bigla humugot ng patalim ang babae at itinarak iyon sa tagiliran nya.
Biglang napabalikwas ng upo si Lopez, naghahabol ng hininga at halatang galing sa isang masamang panaginip. Nagpalinga-linga sya upang makita kong naroon pa ang babaeng iyon pero nakahinga sya ng maluwag ng wala syang makitang presensya ng babaeng nasa panaginip nya. Hindi na sya nakatulog dahil doon.
Bumalik ng bahay nila ang babae at itinungo ang kwarto ng pamangkin nya. Lumuluha syang pumasok sa panaginip nito. Nakatingin sya sa pamangkin nyang nagpalinga-linga ngayon. Humahangos nyang tinawag ito.
"Keira!" Tawag nya sa pamangkin. Humarap naman ito sa kanya ng dahan-dahan at nagulat ng makita sya nitong umiiyak.
"Tita..." Mahinang tawag sa kanya ni Keira. Dali-dali syang humakbang at yumakap sa pamangkin nya.
"Kailangan ko ng tulong nyo! Please! Huhuhu! Tulungan nyo ako!" Di na nya mapigilan ang hagolgol habang sinasabi iyon sa pamangkin nya. Nanatili namang nakayakap sa kanya ang pamangkin nya at hinahagod ang likod nya.
"Ano po bang maitutulong ko?" Tanong ni Keira. Kumalas naman si Lany sa pagkakayakap at tumingin sa muhka ng pamangkin nya.
"Gusto kong tulungan nyo akong bigyang hustisya ang pagkamatay ko...." Sinadya nyang bitinin ang sinasabi nya. " At ng mga magulang nyo..." Saad nya na ikinalaki ng mata ni Keira.
"A-ano po?" Tanong ni Keira.
"Hindi aksidente ang nangyari sa mga magulang nyo. Pinatay sila katulad ko." Saad ni Lany habang nakatingin sa pamangkin nya.
"Tita... Ano po bang gagawin namin. Tutulong po kami para mapakulong ang may gawa noon." Puno ng galit na saad ni Keira.
"Hindi madali ang gagawin nyong ito. Bukas kausapin nyo ako. Kailangan natin ang tulong ng tito Mariano mo." Saad nya at tinanguan lang sya ng pamangkin nya. Niyakap nya ulit ito at hinalikan sa noo. "Matulog ka ng mahimbing. Bukas natin pag-uusapan ang mga bagay na gagawin natin... " Saad sya at umalis na sa panaginip ni Keira.
Nakamasid sya kay Keira habang nagpapalinga-linga ito. Nang makatulog ulit si Keira ay kinalabit ko si Tita Lany.
"Oyy, Tita. Nakarami ka kanina, ahh? Di ka na naawa kay Keira. Limang bese mong sinapian pero nagwala ka lang?" Pang-aasar ko.
"Hindi ako ang may kasalanan kong bakit sya nagwawala. Si Kiera ang may kasalanan non. Malakas sya. Nakukontrol nya ang katawan nya kahit naroon ako sa loob. Kaya parang nagwawala ang katawan nya pagparehas kaming naroon ay dahil kinakalaban nya ako." Paliwanag nya, napatango-tango naman ako.
"Ehh, bakit mo nga ba ginagawa yon?" Tanong ko.
"Para magkaroon na ng hustisya ang pagkamatay ko at ng bayaw ko pati ng asawa nya." Sagot nito. Tumango-tango naman ako.
"Sigurado ka bang makukuha mo ang hustisyang gusto mong makuha?" Tanong ko.
"Oo." Puno ng pagmamalaki nyang sagot.
"Pano kung di ka payagan ni Author?" Tanong ko ulit.
"Tsk! Lagot sya sa akin!" Sigaw ni Tita Lany.
(A/N: Tangina! Dinamay po pa talaga ako! Ang kapal talaga ng muhka mo?! Ikaw kaya tanggalin ko dito?! Wala ka namang silbe!)
Wag ka nga dyan, Author! Tandaan mo, ako lang ang nakakabasa ng isip ng lahat ng karakter dito. Ikaw, kailangan mo pa ng point of view!
(A/N: Ewan ko sayo! Bahala ka!)
Tsk! Totoo naman kasi, ehh!
Naglakad na si Lany habang nakatingin sa kung saan. Napatingin ako sa tinitingnan nya at wala naman akong nakitang kakaiba doon.
May sapak ata ang babaeng to, ehh!
"Naririnig kita, gaga!"
"Ahh!" Napasigaw naman ako sa gulat. "Sorry nakalimutan lang." Napapahiya kong saad.
Tsk! Oo nga pala! Naririnig ako ng babaeng to!
--- To Be Continued ---