Chapter 12:
Tita Lany 3
- Narrator's POV -
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng biglang magsalita si Keira.
"Ahm... Guys.... Napanaginipan ko si Tita kagabi. Gusto nya daw manghingi ng tulong s-satin." Parang wala sa sariling saad ni Keria.
"Ano? Bakit?" Tanong ng kuya nya.
"Hindi ko alam. Basta, sabi nya, gusto nya daw tayong makausap." Saad ni Keira at tumingin sa tito nya. "Lalong lalo na daw po sa inyo, tito." Saad ni Keira na nagbigay ng kakaibang kaba sa tito nila.
"Ano bang pinagsasabi nyo? Matagal ng natahimik ang kaluluwa ng tita nyo! Wag nyo na syang gambalain sa mga kalokohan nyo!" Sigaw ng tito nilang lahat.
"What happened ba? Tell us naman kasi, Keira." Saad ni Thalia.
Bakit parang ngayon mo lang pinagsalita yan, Author?
(A/N: Wala kang paki!)
Whatever
"Sabi nya ay hindi daw aksidente ang nangyari sa kanya at kila Mommy. Pinatay daw po sila. Iyon lang ang sinabi sa akin ni Tita." Saad ni Keira.
"Nasaan na ba ngayon si Tita?" Biglang tanong ni Kalen. Naguguluhang tumayo si Tito Mar.
"Tumigil na kayo! Hindi kayo nakaka---!" Hindi na naituloy ni Tito Mar ang sasabihin nya ng biglang humandusay si Keira sa sahig.
"Keira, ako ito. Ako nang bahala." Saad ni Tita sa isip ni Keira.
"Sige po." Saad naman ni Keira. Biglang natigil sa pagwawala si Keira at naupo ito sa bangko. Binitawan na din sya nila Treyton at Rehan.
"Keira? Sis, are you--- sino ka?" Tanong ni Kalen na nagpagulo sa isipan ng lahat.
"Kalen, what are you talking about? It's Keira, look." Saad ni Thalia at tinuro pa si Keira.
"Hindi sya ang kapatid ko. Masyadong mabigat ang presensya nya. Parang matagal na syang patay na pumasok sa ibang katawan." Saad ni Kalen habang pinakatitigan ang kapatid nya.
"Ako ito." Naghalong boses ni Keira at ni Tita Lany. "Kailangan ko ng tulong nyong lahat! Kailangan ko ang tulong mo, Mahal ko! Kailangan ko ng hustisya! Para sa akin at sa kapatid mo at asawa nya!" Sigaw nila Keira.
"Sino ka?" Tanong ulit ni Kalen.
"Lany. Si tita Lany mo." Saad nila Keira at nagulat ang lahat ng biglang sampalin ni Tito sila Keira.
"Tumigil na kayong lahat! Hindi kayo nakakatuwa!" Sigaw ng tito nila.
"Si Lopez. Sya ang may kasalanan." Biglang saad nila Keira dahilan ng paghinto ni Tito sa paglalakad. "Ginahasa nya ako. Ang mga magulang nila Keira at Kalen ay nakita ang ginagawa nyang kahayupan sakin. Tapos... T-tapos bumangga yung sasakyang gamit namin. Tapos bago sya umalis at makalayo hinagisan nya muna kami ng granada kaya kami na sunog. Mariano, binaboy ako ng kaibigan mo. Mariano, trinatraydor ka lang ng malimaw nayon. Makinig ka sa akin." Umiiyak na saad nila Keira. Dahan-dahan namang humarap si Tito Mar at lumuhod sa harap nila Keira.
"Totoo ba yan?" Tanong ni Tito Mar. Tumango naman sila Keira. Biglang tumayo si Tito Mar at lahat sila ay nataranta. Biglang hinimatay si Keira dahil umalis na si Tita Lany sa katawan nya.
"Dad, saan ka pupunta?" Tanong ni Kenji sa tatay nyang naghahanda ng umalis.
"Tita..." Saad ni Keira at napatingin naman doon ang lahat lahat sila ay nakikita na si tita maliban sa Tito Mar nila.
"May mga ebidensya na akong nakalap. Masyadong malakas iyon lahat at makukulong sya ng panghabang buhay dahil doon." Saad ni Tita sa mga pamangkin nya.
"Tito, sabi ni Tita, may ebidensya na daw po sya para makulong habang-buhay si Lopez." Saad ni Kalen.
"Saan?" Tanong ni Tito.
"Sa Safebox."
"Sa Safebox daw po." Saad ni Saira. Dali-dali umakyat si Tito at kinalap lahat ng ebidensya.
A Few Days Later...
Matapos ang ilang araw ay nagsasaya ang lahat dahil nakuha na nilang lahat ang hustisya sa pagkamatay ni Tita Lany. Natapos na ang lahat ng alalahanin nila.
"Sobrang saya kapag nagagawa natin mapatahimik ang mga kaluluwang ligaw." Saad ni Saira.
"Oo nga, tehh. Masarap pero mas masarap ako." Saad nito at umaktong pinalo ang pwet at napakagat labi pa.
"Yuck! Stop making birong like that. Its make me suka. Eww!" Saad ni Thalia at umaktong parang nasusuka.
"Mas nakakasuka ang pageenglish mo, day." Saad ni Kalen at nagmake face sa harap ni Thalia.
"Hi!" Malakas na sigaw galing sa likod nilang lahat. Isa-isa silang napalingon. "Hi, ako si Cherry Santos." Saad nito. "Isa akong Paranormal Investigator." Saad nito.
"Ata... Kumusta? Maupod ka sa among club, ano?" Saad ni Kalen sa ibang lenggwahe.
"Ata. Natural! Kinanhi hiya ha aton tapos waray la? Diri ka nagiisip, kuya." Saad ni Keira.
"Ahhh... Guys, we don't understand that." Saad ni Thalia.
"Aww. Sorry" saad ni Keira at ng kuya nya.
"Ano ba kasing pinagsasabi nyo?" Saad ni Saira.
"Language iyon, malamang." Saad ni Kalen.
"Kahit kailan pilosopo baklang to." Saad ni Saira sa isip nya.
"Oyy, Paranormal Investigator ka ba talaga?" Tanong ni Niki.
"Oo nga."
"Upo ka." Saad ni Keira.
Sa istorya ngayon ay dapat natutunan nyong magsabi ng katotoohanan bago pa mahuli ang lahat. Sa panahon ngayon, marami sa atin ang nabubuhay sa mga hindi magandang gawain. Dapat lahat ng ginagawa mong desisyon ay alam ng pamilya mo dahil kapag nagkaroon ka ng problema, pamilya mo lang ang makakasama mo.
Sa kabila ng tagumpay ng bidang Club natin ay may mga kaluluwang naghahasik parin ng lagim.
"Wait. May boyfriend ka na?" Biglang tanong ni Treyton. Sinamaan sya ng tingin ni Thalia.
"May asawa na ako." Saad ni Creery na ikinagulat nilang lahat. Shempre, ako din at ni Author.
(A/N: Di ako nagulat. Ako ang nagsulat nyan diba?)
Taray mo, sis. Ako naman nakakabasa ng isip nila kahit walang point of view.
(A/N: Pinagyayabang mo talaga yan, ehh, nohh?)
Malamang! Talent ko ata yan, ehh!
(A/N: Whatever.)
Bars!!
"Tara, layo tayo dyan, baliw ata yan ehh." Bulong ng isang estudyante.
"Tara na. Baka manakit pa yan." Saad ng isa pang estudyante.
Kasalanan mo tohh, author. Nagmumuhka akong tanga dahil sayo!
(A/N: Tanga ka lang talaga. Hindi lang parang.)
Bwesit ka!!
--- To Be Continued ---