R*pe 1

1005 Words
Chapter 13: R*pe 1 - Narrator's POV - "Hi, may ginawa ako. Tiyak na matutuwa kayo dito." Saad ni Tito Mar. Nagkatinginan naman ang buong Club. Naputol ang katahimikan sa kanila may biglang kumatok. Naglakad si Manang at binuksan ang pinto. "Good morning!" Malakas na saad ni Cherry. "Cherry, ikaw pala." "Yes naman. Pinapunta nyo ako dito, diba?" Tanong ni Cherry. Nagtanguan naman silang lahat. "Oww. Tito, si Cherry po, bagong member namin." Saad ni Keira. "Kumusta po!" "Ano ba yan, teh! Pwede ka namang hindi sumigaw diba?" Masungit na saad ni Kalen. "Hehehe. Sorry na, ser." Saad ni Cherry at nagpeace sign kay Kalen. "Ayy, jusko ka, ha! Muhka ba akong ser sa ikli ng short at kapal ng make-up na to?! Sampalin kita dyan ehh." "Hoy!" Sabay-sabay na saad nilang lahat. "Shempre, etchos lang. Kayo muna sasampalin ko. Lalo na tong Niki na to! Namumuro ka na sakin!" Saad ni Kalen at kunwaring sasampalin si Niki. "Halikan kita dyan, ehh. Bwesit ka!" Saad ni Kalen sa isip nya. "Tsk. Ikaw kaya tong nangunguna. Ikaw nga tong bigla-biglang nanghahampas hindi nama--- Aray!" Biglang sigaw ni Niki ng bigla syang hampasin ni Kalen. "Ang daldal mo, girl! Ihagis kita sa labas, eh!" Sigaw ulit ni Kalen. "Tumigil na nga kayo! Baka langgamin kami dahil sa inyo." Pang-aasar ni Thalia habang maganda ang pagkakangiti kila Kalen at Niki. "Alam nyo bagay kayo." Dagdag pa nya. "Tsk!" Singhal ni Kalen at pumande kwatro. Ayy, magaling! Hindi umangal ang dalawa! (A/N: Gaga, tumahimik ka! Baka marinig ka ng mga yan.) Wala akong paki. Sila Kenji at Kendric lang ang makakarinig sa akin, nohh. Kasi hindi ko naman pinaparamdam sa kanila ang presences ko. (A/N: Bahala ka!) "Tara, ipapakita ko na sa inyo yung ginawa ko." Masiglang saad ni Tito. Masigla syang naglakad at sinundan naman sya ng buong Club. Nagtaka ang lahat ng may buksang pinto si Tito. "Dad? Anong gagawin natin sa basement?" Tanong ni Kenji. Sinenyasan lang sya ng ama nyang tumahimik. Naunang bumaba ng hagdan si Tito at sumunod sa kanya ang buong club. Namangha ang lahat dahil sa itsura ng basement. Para itong naging hideout nila. May nakalagay na 'PARANORMAL CLUB' sa dingding at may mga gadgets na kung ano-ano. "G-grabe. Ang mamahal po ng mga gadgets na to. Tapos nabili nyo lahat?! Ang yaman nyo masyado!" Namamanghang saad ni Cherry habang isa-isang tinitignan ang mga gadgets na nasa ibabaw ng lamesa. "Ano yang mga yan, ate Cherry?" Tanong ni Saira at lumapit kay Cherry. "Mga gadgets ito para sa panghuhuli ng mga ghosts. Mahal itong lahat. Tinatayang nasa isang daang libo ang isang gadget na ganito, tapos... Nabili nyo lahat, Mr. Tuckers?! This is unbelievable!" Saad ni Cherry at parang hindi padin makapaniwala. "Alam mo ba kung pano gamitin ang mga iyan?" Tanong ni Bryan. "Oo naman. Napag-aralan ko ang mga iyan. Hindi ba't paranormal investigator ako?" Saad ni Cherry. "Oo nga pala. Sorry nakalimutan lang." Saad ni Niki at napakamot sa ulo nya. "Sige na. Una na ako, feel at home pala, hija." Paalam ni Tito tapos ay umakyat na ulit sa itaas. Nagpaturo sila kay Cherry kung paano gamitin iyon at tanging si Saira lang ang di makakuha. "Alam mo, ang katangahan laging isinasantabi yan!" Saad ni Rehan na pikon na pikon na. "Kaya nga lagi kang nasa tabi ko diba?" Saad ni Saira at ang lahat ay nagpipigil ng tawa. "Kung hindi lang kita gusto, baka sinapak na kita." Saad ni Rehan sa isip nya. "Guys, i have a problem." Saad ni Thalia. "Ano naman iyon, girl?" Tanong ni Niki. "Kasi, when i was in a relationship, I always see happy singles. But we i was single, i always see happy couples. What the f**k is happening in world?" "Ewan ko sayo, tehh. Ang landi mo kasi!" "Hoy!" Sabay-sabay nilang saway. "Ikaw napakabastos ng bunganga mo!" Sigaw ni Niki at kunwaring hahampasin ang labi ni Kalen. "Halikan ko yang labi mo, ehh." Saad ni Niki sa isip nya. "Sige na, pagpatuloy na natin ang pag-eensayo natin." Saad ni Cherry. Napatigil ang lahat ng biglang may yabag na pababa ng hagdan. Ang atensyon ng lahat ay napunta doon sa taong pababa. "Ohh, sorry ngayon lang kami." Saad ni Vincent at kumamot ng ulo. "Ok lang." Saad ni Keira at ngumiti kay Vincent. Sakabilang banda ay nakasimangot naman si Bryan, pinanlakihan sya ng mata ni Vincent na para bang magmamalaki. "Oyy, ang ingay nyo!" Saad ni Saira. "Bakit, nung ikaw ba ang nag-ingay, pinakialaman ka ba namin?" Sakrastikong tanong ni Kalen. "Kalen, ano ba!?" Inis na sigaw ni Niki. Inismiran lang sya ni Kalen. "Pwede bang wag nalang kayong kumontra sa ganda ko? Nakakainis na kasi pagiging pakialamera nyo ehh!" Saad ni Kalen at umirap sa hangin. "My gawd, Kalen! Please, wake up! You're having a nightmare!" Saad ni Thalia, inirapan lang sya ni Kalen. "Tumigil na nga kayo! Para kayong mga bata. Hindi ba kayo nagsasawang laitin ang isa't isa?" Saad ni Sandy. "Hindi, tehh. Gusto mo ikaw naman laitin namin?" Pilosopong saad ni Kalen sabay irap kay Sandy. "Wag nyo nalang pansinin si kuya, may regla kasi kaya masungit." Saad ni Keira at nginisihan ang kuya nya. "Kapatid ba talaga kita? Parang hindi, ehh." Sakrastikong saad ni Kalen at umastang ibabato kay Keira ang hawak nya. "Sige na, tama na." Saad ni Cherry habang nakaharap sa gps tracker. Sumunod naman ang lahat sa kanya. Biglang nagpalinga-linga si Rehan at biglang hinalikan si Saira. Nagulat si Saira ay biglang nagpalinga-linga. "Ano ba, Rehan?" Inis na bulong ni Saira. "You're mine." Saad ni Rehan at ninakawan ulit ng halik si Saira. Ang landi naman ng dalawang yan! Hindi na nahiya?! (A/N: Inggit ka lang. Wala ka kasing bebe.) Bigyan mo ko. (A/N: Ayoko.) Sige na, Author! (A/N: Ayoko nga!) Please?! (A/N: Just s**t your mouth, will you?) Wow, english?! Pwede pasapak? Namumuro ka na sakin, ehh. (A/N: Wala akong paki.) "Sinong nandyan?" Biglang tanong ni Kenji at nagpalinga-linga. (A/N: Hala, patay ka! Narinig ka ni Kenji!) Whatever. --- To Be Continued ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD