Chapter 15:
Raped 3
- Narrator's POV -
Nagising si Keira ginaumahan. Nagpalinga-linga sya at nakahinga ng maluwag ng makitang nandoon ang mga kaibigan nya.
"Hey, Keira, baby. Ok ka na?" Tanong ni Niki. Lumapit ito sa kanya at ginawaran sya ng halik sa noo.
"Ayos lang." Sagot nya at ngumiti rito.
"Sigurado ka?" Tanong nila Thalia at Saira.
"Oo naman." Saad ni Keira at tumayo na. "Nasaan sila?" Tanong nya at nagpalinga-linga.
"Nadoon sa basement." Sagot ni Niki. Bumaba sila ni Niki at nandoon nga ang lahat. Pati si Jason. Bigla namang naging masama ang pakiramdam ni Keira.
"Anong ginagawa nya dito?" Tanong ni Keira.
"Ahm... Sinabi mo sa akin na bukas nalang ako pumunta dito tapos ibigay ko sa kuya mo ang number ko. And yon nga ang ginawa ko." Saad ni Jason.
"Sorry." Saad ni Keira at naupo sa isang tabi.
"Ok ka na ba?" Tanong ni Bryan.
"Anong nangyari?" Tanong ni Vincent.
"Wala ka kasi dito kaya hindi mo alam." Pang-aasar sa kanya ni Bryan. "May nagparamdam sa kanya kagabi. Pero kagaya nga ng sinabi nya, ok na sya." Saad ni Bryan.
"Tumigil nga kayo. Kung gusto nyo ligawan kapatid ko, ako muna." Saad ni Kalen at kinindatan ang dalawa. Napaigtad ang dalawa at parang hindi makagalaw dahil sa pandidiri.
"Hey..." Saad ni Jason at lumapit kay Keira. "Ok ka na ba talaga? Sorry, I don't know."
"It's ok. And you don't have to know." Saad ni Keira at umakyat ng kusina para uminom ng tubig.
"Ayy, ang taray." Saad ni Kalen habang sinundan ng paningin ang kapatid.
"Tingin nyo, ok lang sya?" Tanong ni Jason.
"Oo. Masungit talaga sya pag bagong gising." Saad ni Kalen habang may kinakalikot. Nagulat ang lahat ng biglang tumunog ang GPS na hawak ni Cherry.
"May multo dito?" Tanong ni Cherry sa mga kasama.
"Wala na. Natahimik na si Mommy." Saad ni Kenji habang nakatingin sa din sa mga kasama.
"Si Keira. S-sya lang iyong nasa kusina." Saad ni Saira.
"Sinasabi mo bang patay na ang kapatid ko?" Masungit na saad ni Kalen.
"Hindi. Sya lang ang tao doon. Baka may gawin sa kanya yung---" lahat ay napatingin sa taas ng hagdan dahil may sumigaw. Lahat ay napatakbo ng mabilis paakyat doon at pagakyat nila ay nakahandusay na sa sahig si Keira.
"Keira!" Sigaw nilang lahat. Akmang hahawakan na nila Bryan at Vincent si Keira pero bigla silang napatigil ng biglang yakapin ito ni Kalen. Agad din naman syang binitawan ng kapated.
"Gawd! Pinag-alala mo kami!" Saad ni Kalen ng biglang idilat ni Keira ang mga mata nya. Pero wala itong naging reaksyon. Blangko lang ang ekspresyon nito at parang ealang kumakausap sa kanya.
"Oyy, sis!" Sigaw ni Kalen. "Sis! Oy, sis! Keira! Keira Mikaela Tuckers! Ano ba!" Nawawalan ng pansinsyang sigaw ni Kalen. "Sis... Ano ba..." Mas mahinahong saad ni Kalen habang nakatingin sa kapatid nya. "Sis, oyy. Kinakabahan ako sayo, ano ba. Sumagot ka naman." Saad ni Kalen habng unti-unting namuo ang mga luha sa mata.
"Keira, ano ba!" Sigaw ulit nito at tumulo na ang luha. "Keira naman. Kausapin mo naman si kuya." Saad ni Kalen habang humahagolgol na. Niyakap na sya ni Niki para aluin. "Niki... Yung kapatid ko..." Umiiyak na baling ni Kalen kay Niki.
"Shhh. Ok lang sya. Ok lang sya. Ok lang sya." Pagpaulit-ulit ni Niki habang hinihimas ang likod ni Kalen habang si Kalen ay umiiyak parin. Sa kalagitnaan ng katahimikan at hagolgol lang ni Kalen ang tanging ingay, biglang tumayo si Keira at biglang inambahan ng sakal si Jason.
"Sinungaling ka! Malimaw ka!" Sigaw ng di matukoy na tinig kasabay ng tinig ni Keira.
"Keira, ano ba!"
"Tama na!"
"Sis, tama na!"
Pagpipigil nila kay Keira habang sinasakal parin ni Keira si Jason. Lahat sila ay pinipigilan si Keira pero sadyang malakas ito.
"Umalis ka sa katawan ni Keira, in jesus name!" Sigaw ni Bryan at nagsaboy ng holy water sa katawan ni Keira. Bigla namang binitawan ni Keira si Jason at biglang nagpagulong-gulong na para bang namamalipit.
Parang nasusunog si Keira habang sinasabuyan sya ng holy water. Paglipas ng ilang minuto ay biglang may kung anong itim na usok ang lumabas sa katawan ni Keira. Saka ito nawalan ulit ng malay.
"Keira!" Sigaw ulit ni Kalen at niyakap ulit ang kapatid nyang walang malay. "Keira!" Sigaw ulit ni Kalen habang umiiyak.
"Uhm." Ungol ni Kiera at biglang gumalaw.
"Sis, ok ka na?" Tanong ni Kelan sa kapatid na nakahawak sa ulo.
"Ok lang, ano bang nangyari?" Tanong ni Keira sa kuya nya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Keira at pinunasan ang basang pisnge ng kuya nya.
"Kasi, bigla kang sumigaw kanina. Tapos pagdating namin kanina sa sala, nakahandusay ka na. Tapos bigla kang nagising tapos ilang beses kita kinausap, di ka sumasagot. Kaya n-naiyak na ako." Saad ni Kalen habang unti-unti nanamang humahagolgol. "Tapos bigla mong sinakal si Jason." Saad ni Kalen. Gulat namang napatingin sa kanya ang kapatid nya.
"G-ginawa ko yon?" Tanong ni Keira sa kuya nya.
"Oo. Di mo ba naaalala?" Tnong ni Kalen sa kapatid nya.
"Hindi. Ang huli kong naaalala may babaeng biglang lumitaw sa harap ko. Tapos wala na akong maalala." Saad ni Keira habang nakatingin parin sa kuya nya. Biglang bumaling si Keira kay Jason. "I-im sorry. Di ko alam na ginawa ko pala iyon." Saad ni Keira habang nakatingin kay Jason.
"Ok lang." Saad ni Jason at nginitian si Keira. Pilit na ngiti lang ang ginanti ni Keira. Tapos ay inilalayan syang maglakad ng mga kasama papunta ng kwarto.
"Ayos ka na ba talaga?" Tanong ni Jason at pilit na lumalapit kay Keira at ng makalapit sya ay tinulungan nya si Kalen alalayan si Keira.
"I'm fine. Thank you." Mahinang saad ni Keira. Nagulat ang lahat ng biglang mabuwal sa kinatatayuan si Kalen.
"Kalen!"
"Kuya!"
Sigaw ng lahat tapos mabilis na lumapit si Niki kay Kalen para alalayan ito.
"Ano ba kasing pinaggagagawa mo?!" Saad ni Niki na medyo tumaas ang boses.
"Nadulas kasi ako. Ang haba ng hair ng kapatid ko. Jusko, sis. Taklo yan!" Isa-isa tinuro ni Kalen sila Bryan, Vincent, at Jason. "How to be you, sis?" Tanong ni Kalen.
"Kuya, kahit kelan, napakaOA!" Saad ni Keira at inirapan ang kapatid.
"Echuos lang yon, sis. Calm your tits." Saad ni Kalen. Nakarating na sila sa kwarto at pagkatapos nilang ihatid si Keira ay nahiga na sya. "Sleep ka muna, sis. Kawawa naman ako kapag namatay ka."
"Hoy!" Sabay-sabay nilang sigaw dahil sa pagkaprangka ni Kalen.
"Sorry. Pasmado lang." Saad ni Kalen at hinaplos ang buhok ni Kiera tapos ginawaran nya ito ng halik sa noo. "Pagaling ka. Pagnaulit pa itong nangyayari sayo. Magpapacheck up na tayo." Saad ni Kalen at sinenyasan ang lahat na lumabas.
- Keira's POV -
Nang maisara nila ang pinto ay bumaling ako sa kanang bahagi ko. Doon na ako unti-unting nakatulog.
"Ahhh! Tulong!" Sigaw ng isang babae sa harapan ko. May humahabol sa kanyang lalaki. "Ayoko! Bitawan moko!" Sigaw ulit ng babae ng mahawakan sya nito. Nagulat ako ng biglang suntukin ng lalaki ang tyan nung babae kaya nanghina ito. Isa-isang hinubad ng lalaki ang saplot ng babae at saka nagpakasasa sa katawan ng babae.
"Tulong..." Mahinang saad ng babae habang ang lalaki ay ungol lang ng ungol. Nang matapos ang lalaki sa ginawa nya sa babae ay bigla dinamitan nya ang babae.
Pagkatapos ay sumakay sila ng kotse. May ginawa ang lalaki sa loob at lumabas din. Maya-maya ay biglang umandar ang sasakyan at bumangga sa isang puno. Nagulat ako ng biglang nasa harapan ko na ang babaeng ginahasa kanina.
Marami syang dugo sa buong katawan nya. Pero may malala ang sa ulo, parang gripong may sira iyon na agos lang ng agos. Nagulat ako ng bigla nya akong sakalin at napaatras ako ng napaatras. Hanggang sa umatras ako ay may matulis na bagay ang bumaon sa likoran ko.
Napabalikwas ako ng upo at naghabol ng hininga. Napapikit ako ng maalala ang panaginip ko. Laging ganon ang panaginip ko simula kagabi. Babaeng ginagahasa at nagigising ako dahil sa may kung anong tumatarak sa katawan ko.
Pagmulat ko ay nagpalinga-linga ako. Nagulat ako ng makitang nadoon si Jason sa katabi ng higaan ko. Nakaupo sya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Di ko maiwasang itaas ang isa kong kilay.
"Wala naman. Gusto ko lang bantayan ang pagtulog mo. Sige, aalis na ako matulog ka nalang ulit." Saad ni Jason at lumabas na ng kwarto ko. Ako naman ay may naramdamang takot at kaba na hindi ko alam kung saan nanggaling.
--- To Be Continued ---