R*pe 4

1382 Words
Chapter 16: Rape 4 - Narrator's POV - Lumipas ang mga araw at hindi na naulit ang mga pangyayaring hinihimatay si Keira. Pero nagpapatuloy parin ang mga panaginip na nagaganap sa kanya. Ngayon ay nandito silang lahat sa basement. Lahat ay may kanya-kanyang bulungan kaya medyo maingay. "A-ahh, Jason. May kilala kabang Yumi?" Biglang tanong ni Keira kaya napatingin sa kanya ang lahat. Ganon din si Jason tapos ay nginitian nya si Keira. "Sya yung girlfriend ko.... Dati..." Saad ni Jason habang mapait na nakangiti. "S-Sorry. Di ko alam." Saad ni Keira at nagbaba ng tingin. "Namatay sya kasi may gumahasa sa kanya. Hindi naman sya pinatay nung gumasaha sa kanya, pero nagpakamatay sya nung nalaman nyang nagbunga yung ginawa sa kanya nung rapist." Nagsimula ng humikbi si Jason habang nakatungo. "S-sabi ko, "Ok lang yan. W-wag mong ipalaglag. W-wala namang kasalanan ang bata, ehh." P-pero hindi sya nakinig. H-hindi nga nya p-pinalaglag, p-pinatay nya naman ang s-sarili nya." Humihikbing saad ni Jason. Ang lahat ay natahimik para makiramay sa pagdadalamhati ni Jason. Lahat ay ealang kibo dahil sa kanilang nalaman. Walang nagsalita kahit na si Treyton na hindi kayang pigilan ang kanyang bibig. "S-Sorry, Jason." Saad ni Keira habang nakatingin parin sa sahig. "O-ok lang. Wag nyo nang alalahanin yon." Saad ni Jadon habang pinupunasan ang mga basa nyang pisnge at pilit na ngumingiti. Lahat ay natahimik hanggang sa magpasya na ang lahat umuwi. Kinabukasan ay sabay-sabay silang pumasok ng school. Walang pinagbago ikaw parin gusto ko. (A/N: Lande!) Ikaw kaya nagsulat nyan. (A/N: Whatever ─.─) Psh. Pikon ka naman pala, ehh. Buong araw tahimik si Keira. Walang kibo, parang laging may iniisip. Wala syang kinakausap na kahit sino. Kung may kakausap sa kanya ay nginingitian nya lang. Kahit ang mga lecturers nila ay hindi sanay dahil masyadong masigla si Keira. Kaya ang lahat ay naninibago. "Ano kayang problema ng baby natin?" Saad ni Niki kay Kalen. "Wala pa tayong anak, Niki. Wag excited, magtatrabaho pa ako." Panlalaking saad ni Kalen. "Hindi yon. Si Keira." Saad ni Niki. Buti nalang ay silang dalawa lang nandoon kaya walang nakarinig sa kanila. Nagulat si Niki ng bigla syang halikan ni Kalen. Gulat syang tumingin sa bina--- sa bakla--- sa lala--- puta! Kay Kalen! "Ano ba..." Wala sa sariling saad nya. Nagulat ulit sya ng hawakan ni Kalen ang isang kamay nya at haplos-haplosin iyon. "Wag kang mag-alala. Dadating ang oras na sisigaw ka sa bahay at sisigaw ka ng... "Kalen! Wala kang kwentang bakla ka! Ang sakit!"" Saad ni Kalen habang bumubulong ng pasigaw. "Ang bastos mo naman." Saad ni Niki. "Ang ibig kong sabihin doon. Kaya ka sisigaw ng ganon dahil manganganak ka na." Saad ni Kalen at hinawi ang bangs nyang nahaharangan ang mga mata nya. "Bastos lang talaga ang naisip mo." Saad ni Kalen tapos humalakhak. Inis syang hinampas ni Niki sa balikat. "Nakakainis ka!" Saad ni Niki at nagpatuloy sa pagkain. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang mga kaibigan nilang um-order. "Sis, ok ka lang ba?" Tanong ni Kalen sa kapatid nya pero sa pambabaeng boses na. "Ok lang. May iniisip lang ako." Saad ni Keira. Napatingin ang lahat kay Kalen dahil bigla itong napahawak sa bibig nya. "Omg! Buntis ka?!" Saad ni Kalen at malakas kaya napatingin sa kanila ang ilang estudyante. "Ano ba, hindi noh! Basta, ako din kasi hindi ko maintindihan." Saad ni Keira. Pinandilatan nya si Kalen habang sinasabi iyon. Napatingin ulit sya sa kawalan. "Ano ba yon, Keira? Sabihin mo samin, para matulungan ka namin." Saad ni Bryan. "Kasi may napapanaginipan nanaman ako. Babaeng laging hinahabol ng lalaki. Minsan binubugbog, minsan ginagasaha. Yumi ang nakita kong pangalan sa I.D. kaya tinanong ko si Jason kung kilala nya ba si Yumi kasi lagi nyang sinasabi yong pangalang Jason." Saad ni Keira. Natahimik naman ako lahat. "Hindi kaya iyon si Yumi. Nakikita mo iyong ginawang kahalayan sakanya." Saad ni Rehan. "Pero bakit si Jason ang lagi nyang sinasabi?" Tanong ni Keira. "Diba sabi ni Jason, girlfriend nya daw si ate girl? Baka ng mga oras nayon, nanghihingi ng tulong si ate girl kay Jason." Saad ni Kalen. "Tama. Pwedeng ganon." Saad ni Bryan. "Diba, nanghihingi sya ng tulong. Baka yung Yumi nanghihingi ng hustisya at ginugulo si Jason. Kaya nanghihingi ng tulong si Jason." Saad ni Rehan. "Bakit narinig ko ang pangalan ko?" Saad ni Jason galing sa likod nila. Lahat sila napalingon sa likod nila, isa-isa silang tiningnan ni Jason at nang tumama ang mata nya si Keira ay may kakaibang kabang naramdaman si Keira. "Hi, Keira." Saad ni Jason at pasimpleng tinignan angmga binti ni Keira. "Sorry, di tayo nagkita-kita kanina. Busy lang ako kanina." Masayang saad ni Jason at naupo sa tabi ni Keira. "Ok lang. Di ka naman namin kailangan." Prangkang saad ni Bryan. "Ano pala pinag-uusapan nyo?" Tanong ni Jason. "Pinag-uusapan namin yung tungkol sa hinihingi mong tulong." Saad ni Keira. "Ok. Anong meron doon?" Tanong ni Jason habang ngumunguya ng fries. "Wala naman." Saad ni Keira at kumain na ng tahimik. Hanggang sa matapos silang kumain ay walang nagsalita sa kanila. Lahat sila ay binabantayan ang mga kilos ni Jason. Parang may hinuhuli, parang may binibisto. Nang matapos sila ay dumiretso ng mansion sila Sandy, Vincent, Mika, at Mia nungit wala na si Jason. Magkakasama sila at kasama na din nila si Investigator Cherry. Habang nasa byahe sila ay tahimik ang lahat. Nang makarating sila sa basement ay doon lang nagsalita si Kalen. "Nakikita nyo ba yung pagtingin ni Jason kay baby girl ko?" Saad ni Kalen sa seryoso pero pambabae parin. "Oo. Ako nga na tatanga-tanga napapansin, kayo pa kaya." Seryosong saad din ni Saira habang umiiling. "Tsk! Hindi naman kasama yan! Ang tinatanong kung napapansin?! Bakit mo sinisingit?!" Pasigaw na saad ni Rehan. "Oo nga. Hindi yan ang issue dito, Saira." Seryosong saad ni Treyton. "Tingin ko, may nagpaparamdam kay Keira pero hindi nya lang sinasabi sa atin." Biglang sabat ni Cherry kaya napatingin sa kanya ang lahat. "Anong ibig mong sabihin, ate Cherry?" Tanong ni Niki. "Tingin ko, isa kila Keira at Jason ang nagsisinungaling." Saad ni Cherry at napahawak sa sariling baba, animong nag-iisip. "Baka may kinalaman ito sa hinihingin tulong ni Jason." Saad ni Niki. "I think it's all about that Jason. Because right from the start, Keira have doubts to him, right?" Saad ni Thalia at tumango-tango naman ang mga kasama nya. "Oo nga. Pero mag-ingat tayo dahil hindi tayo pwede maghusga basta-basta." Seryosong saad ni Kalen. Lahat naman sila natahimik. Walang nagsalita sa kanilang lahat hanggang sa biglang tumunog ang GPS. Napatingin silang lahat doon, pinag-aaralan. "S-sa kwarto ni Keira. O-oyy bilis!" Natatarantang saad nila at nagsitakbo naman silang lahat doon. Nagulat sila ng makitang walang nalaman kakaiba doon. Pero hindi parin matatahimik ang GPS. Biglang tumunog ang tracker na hawak ni Kalen at nagkatinginan silang lahat. "Nasaan ka?" Tanong ni Bryan. "Inuulit ko! Nasaan ka?!" Pasigaw na saad ni Bryan. Nagulat ang lahat ng biglang umupo si Keira. "Sis, may multo dito sa kwarto mo." Saad ni Kalen. Dahan-dahan namang humarap si Keira at parang wala sa sarili. "Jason... Sinungaling... Jason... Baliw... Jason... Jason... Jason... Rapist... Tulong!" Biglang sigaw ni Keira at nagpagulong-gulong sa kama, para bang namimilipit sa sakin. "Tulong! Tulongan nyo ako!" Sigaw ulit at sila naman ay natataran, hindi alam kung anong gagawin. "Keira!" Natatarantang sigaw nila habang hindi alam kong ano ang gagawin. "Si Jason! Sya ang may kasalanan!" Sigaw ni Keira. "Ano bang sinasabi mo?! Ano bang ginawa ni Jason?!" Sigaw ni Kalen habang hawak ang magkabilang balikat ni Keira. "Sya! Sya ang may kasalanan! r****t sya! May sakit sya sa utak!" Sigaw ulit ni Keira. Ngunit hindi si Keira ang komukontrol sa katawan nya. Si Yumi. Nagulat ang lahat ng biglang mawalan ng malay si Keira. Nalabanan nya sa wakas si Yumi. "Sis!" Sigaw ni Kalen habang niyoyogyog ang magkabilang balikat ng kapatid. "Sis! Gising! Oyy!" Sigaw parin ni Kalen habang niyoyogyog parin si Keira. Maya-maya ay nagmulat na ito at dali-dali syang niyakap ni Kalen. "My gawd, sissy! Akala ko kung ano ng nangyari sayo..." Mahinang bulong ni Kalen sa kapatid habang yakap-yakap ito. "Ano bang nangyari? Bakit parang takot na takot kayo?" Inosenteng tanong ni Keira. "Sinapian ka." Sagot ni Bryan. Napatingin naman sa kanya ang lahat. --- To Be Continued ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD