Chapter 17:
Rape 5
- Narrator's POV -
Habang busy sila sa pag-aaral sa mga kagamitang binili sa kanila ni Tito Mar. Biglang bumaba si Keira sa basement at niyaya ang mga kaibigan nya.
"Guys... Pwede ba tayong pumunta sa crime scene noong namatay ang girlfriend ni Jason. Tyaka gusto ko din makausap ang parents ni Yumi." Saad ni Keira. Nagkatinginan muna ang lahat bago sila pumayag sa gusto ni Keira.
Habang nasa byahe ay tahimik lang si Keira at hindi kumikibo pero hindi maiwasang magtanong ng mga kaibigan ni Keira sa kanya.
"Keira, anong gagawin natin doon?" Tanong ni Saira.
"Gusto kong makakuha ng ebidensya. Sa tingin ko kasi ay nagsisinungaling lang si Jason. Tingin ko ay hindi totoong may gumasaha kay Yumi." Saad ni Keira habang nasa malayo ang tingin. Nagkatinginan ulit ang lahat at hindi nalang sumagot. Nandoon silang lahat maliban lang kay Jason.
Nang makarating sila ay hindi sila kumilos hanggat walang ginagawa si Keira. Lahat sila ay nakamasid sa mga kilos ng dalaga.
"Tulungan nyo ko. Maghanap kayo ng kwintas na may pendant na Yumi at may mga heart." Saad ni Keira habang nasa lupa ang tingin. Lahat sila ay kumilos at tumulong sa paghahanap ni Keira. Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagsalita si Mika.
"Ate Keira. Ito ba yon?" Tanong ni Mika. Lahat ay lumingon sa kanya at biglang nagliwanag ang muhka ni Keira.
"Ayan nga iyon. Salamat!" Saad ni Keira at magkukumahog na lumapit kay Mika para kunin ang kwintas.
"Kaninong kwintas yan?" Tanong ni Niki.
"Guys, it's obvious, right. That necklace is Yumi's." Mataray na saad ni Thalia.
"Pero bakit nandito yan?" Tanong ni Treyton.
"Tsk! It's obvious too. Natanggal yan sa neck nya when she got raped." Saad ni Thalia habang nakatingin sa kwintas na hawak ni Keira.
"Pumunta na tayo sa bahay nila Yumi." Saad ni Keira at naglakad papunta sa van. Walang nagawa ang karamihan dahil kinakain na din sila ng kanilang kyuryosidad.
"Anong gagawin natin sa bahay nila Yumi?" Tanong ni Rehan.
"Maghahanap tayo ng ebidensyang makakapagpatunay na hindi si Jason ang may gawa ng kahayupang iyon kay Yumi. For sure naman, hindi magsisinungaling satin si Jason kung wlaa talaga syang tinatago." Makahulugang saad ni Keira habang nasa malayo parin ang tingin. Tahimik naman sila buong byahe hanggang sa makarating na sila sa bahay ng mga Roxas.
"Magandang umaga po." Bati nila noong pagbukasan sila.
"Magandang umaga. Anong kailangan nyo?" Tanong ng ginang.
"Ahm... Gusto po namin kayong makausap... Tungkol kay... Yumi po..." Nahihiyang saad ni Keira.
"Ano bang kailangan nyo? Bakit ba hinahalungkat nyo pa ang dapat nakalibing na?" Matalinhagang saad ng ginang.
"Meron lang po akong gustong ma claro. Gusto ko pong malaman kung hindi po si Jason ang pumatay sa anak nyo..." Saad ni Keira na ikinatigil ng lahat. Kasama ako at si Author
(A/N: Di ka talaga nabubuhay pag di ako inaasar, nohh?)
Sorna!
Sandali silang tahimik lahat at niluwagan ng ginang ang pinto. Nang makapasok sila ay pinaupo agad sila ng ginang saka nagsalita ulit si Keira.
"Noong nagpakamay po sya? May iniwang sulat po ba sya?" Tanong ni Keira.
"Meron pero hindi namin maintindihan. Sandali kukunin ko lang." Saad ng ginang at iniwan sila sa sala. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ang ginang.
"Ito ohh. Ito iyon. Nakita namin sa ibabaw ng lamesa nya." Saad ng ginang at ibinigay kay Keira ang isang kapirasong papel.
"Ss...kr?" Pagbasa ni Niki sa sulat.
"Sige po... Salamat. Mauna na po kami." Paalam ni Keira at nauna nang lumabas. Wala namang nagawa ang mga kasama nya kung hindi ang sumunod. Hanggang sa makarating sila ng bahay ay tahimik si Keira. Umakyat ng kwarto si Keira at hindi na sumama pa sa kanila sa basement.
"Tingin ko may alam si Keira at tinatago nya satin." Saad ni Cherry.
"Bakit naman? Paano mo nasabi." Tanong ni Treyton.
"Ugh! It's obvious, she wouldn't act like that if wala syang knows." Sabat ni Thalia. Asar namang tumingin sa kanya ang lahat. "Im just saying what's on my mind. Ugh!" Maarteng saad ni Thalia sabay irap.
"Pero... Oo nga naman. Tyaka hindi din kikilos si Keira kung wala syang alam." Saad ni Rehan.
"Hindi nyo ba naiintindihan yung sinabi nya? Sya din naman ang nagsabi na hindi nya din maintindihan ang mga nangyayari diba? Kaya wag na muna natin sya pakialaman." Saad ni Bryan na nagpatahimik sa lahat. Nagulat ang lahat ng dali-daling bumaba si Keira.
"Guys.... Makikipagkita ako kay Jason sa baba. Pagnagtext ako or tumawag umakyat agad kayo." Saad ni Keira. Nagkatinginan naman silang lahat.
- Keira's POV -
"Anong gagawin mo? Gabi na, hindi ba kami pwedeng sumama?" Nag-aalalang tanong ni Bryan.
"Oo nga. Bakit ba pinapunta mo pa sya dito?" Tanong ni Vincent.
"Basta. Umakyat kayo sa sala. Doon nyo antayin yung response ko." Saad ko at umakyat na. Makalipas ang ilang minuto ay nandoon na kaming lahat.
"Doon lang kami sa may garden. I-ready nyo mga phone nyo. Isa sainyo c-contact-in ko." Saad ko at tinalikuran na sila. Naglakad na ako papunta ng garden at pagdating ko doon ay naroon na si Jason. Nakasuot ito ng itim na pants at t-shirt at nakasuot din ng leather jacket.
"Ano ba kasing kailangan mo?" Panimula ko dito. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin.
"Wala naman." Sagot nito ng makalapit na ako sa kanya. Ngayon ay magkatabi kami habang nakaupo sa upuan dito sa garden. "Gusto ko lang magpainit." Malaswang saad nito at malagkit akong tiningnan. Bahagya naman akong napaatras.
"A-ano ba." Saad ko habang nagpupumiglas dahil pilit nyang hinahawakan ang balikat ko. Tumayo ako at dali-daling lumayo sa kanya.
"Keira... Matagal na kitang gusto. At gusto ko na din tikman ang maganda mong katawan. Halika na dito wag ka nang magpakipot." Malaswang saad ulit nito habang patuloy parin ako sa pag-atras. Dahan-dahan naman syang humahakbang papalapit sa akin.
"Ano ba? Tara na kasi... Naiinip na ako..." Nakangiti at mahinahon nitong saad. Makalipas ang ilang hakbang ay biglang nagbago ang ekspresyon ng muhka ni Jason. Kung kanina isa itong mahinahon, ngayon ay para itong mananakit ng tao.
Hindi na ako magugulat kapag nalaman kong ikaw ang pumatay kay Yumi.
Pasimple akong nagdial ng number at pinindot iyon. "Ikaw ba ang pumatay kay Yumi?" Tanong ko kay Jason.
"Oo. At ikaw na ang isusunod ko." Saad nito at nagmamadaling lumapit sa akin. Ako naman ay patakbong naglakad pa punta sa gilid.
--- To Be Continued ---