Chapter 18:
Rape 6
- Keira's POV -
"Hayop ka! Nagtawag ka pa talaga?! Haha! Mas maganda nga yon, ehh! Para isahan nalang! Di na ako mag-aabalang hanapin at isa-isahin kayong lahat!" Maladenyong saad ni Jason habang halakhak.
"Demonyo ka! Hindi ka pa patay pero malamang ay sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!" Sigaw ko habang patuloy parin sa pagtakbo habang sya naman ay habol lang ng habol sa akin. Paikot lang ng paikot sa buong bahay.
"Wag ka nang tumakbo! Mamamatay ka lang din naman sa huli!" Sigaw ni Jason at mas binilisan ang kilos. Ganon din ang ginawa ko, mas binilisan ko pa ang pagkilos at naghahanap ng pinakamalapit na kaibigan. Naririnig kong sumisigaw sila kaya sumigaw ako.
"Nandito kami! Magdala kayo ng armas! Wala syang dala!" Sigaw ko at kumalat sa buong paligid ang sigaw ko. Nagpatuloy naman ako sa pagtakbo habang ganon din ang ginagawa ni Jason.
"Wag ka nang tumakbo! Paikot-ikot lang tayo dito, ohh! Di ka ba napapagod?!" Galit na saad ni Jason at tumigil pero ako ay nagpatuloy lang at pumasok sa loob ng mansion.
"Keira!" Tawag ni kuya at may hawak na powerbat.
"Kuya! Si Jason! Sya ang pumatay kay Yumi!" Saad ko at tumango si kuya. Maya-maya ay biglang dumating ang iba.
"Nasaan na kaya sila?.." natatarantang saad ni kuya.
"Nandoon pa sila. Anong gagawin natin? Baka mapatay tayo ni Jason." Natatakot na saad ni Saira. Nilapitan naman sya ni Rehan para aluin sya. Wala sa sariling tumakbo ako at lumabas kung nasaan kami kanina.
Nagtatatakbo ako ng nagtatatakbo hanggang sa biglang may humawak sa kamay ko.
"Huli ka!" Malakas na saad ni Jason sabay tawa. Nagpupumiglas ako ng nagpupumiglas hanggang sa bigla nya akong sikmurahan. Bigla akong nanghina at hindi maigalaw ang buong katawan ko.
Napatumba ako at parang tinakasan ako ng lakas at walang nagawa kung hindi ang humandusay sa lupa.
"Tulong..." Mahinang saad ko. "Tulong..." Saad ko pa ulit habang nakahawak sa tyan ko. Kinilabutan ako ng halik-halikan nya ang leeg ko pababa sa collarbone at itaas ng dibdib ko. Lalo akong kinilabutan ng bigla nyang hawakan ang mga hita ko.
"Ang sarap mo, Keira." Mahinang halinghing ni Jason habang ako ay nagsisimula ng lumuha. "Hindi na ako makapaghintay angkinin ka." Malaswang saad nito habang hinahalik-halikan ang buong katawan ko.
"Tulong..." Umiiyak kong saad. "Kuya... Tulong..." Humihikbing saad ko, natawa naman si Jason.
"Tingin mo matutulungan ka nila? Wala na silang magagawa." Nakangising saad nito. "Akin ka na, Keira." Saad ni Jason at akmang huhubarin na nya ang pang-itaas kong damit ng biglang may humampas sa kanya.
"Gago ka ba? Anong sayo? Akin lang ang asawa ko!" Angot ni Kuya. At tinulungan akong tumayo. Nagulat ako ng bigla nyang tadyakan ang tyan ni Jason. "Para yan sa panununtok sa kapatid ko!" Sigaw nito at ibinigay ako kay Bryan at bumalik kay Jason.
Naluluha akong tumingin sa kanilang lahat. "Salamat! Akala ko magagahasa na din ako ng lalaking yan!" Sigaw ko habng nakayakap kay Bryan. Makalipas ang ilang segundo kong pagyakap sa kanya ay ako din ang bumitaw at muling humarap kay kuya.
"Tangina mo! Hindi nga pinapalo nila Mommy yon kasi prinsesa nga namin yon tapos ikaw sinuntok mo lang sa tyan?!" Inis na sigaw nito sabay suntok kay Jason. "Gusto mo bang patayin kita!?" Sumuntok nanaman sya habang sinasabi iyon. "Di ako kriminal na tulad mo! Pero papatayin kita dahil sa ginawa mo sa kapatid ko!" Saad ni kuya at sumuntok nanaman.
"Kalen! Tama na! Nandito na ang mga pulis!" Saad ni Tito galing sa likod namin. Ganon nga, may mga pulis na lumapit kay kuya at pinigilan syang makalapit kay Jason dahil bugbog na ito.
"Mabuti po ay napagbigay alam nyo samin agad." Saad ng isang pulis. "Matagal ng wanted ang lalaking yan. Madami na syang ginahasa at pinatay. Salamat, dahil sa inyo ay nahuli ang lalaking yon." Pagtukoy ng pulis kay Jason.
"Salamat din po at dumating kayo. Dahil kung hindi, baka nagahasa na din ako ng lalaking yon." Saad ko at nagpagaya kay Bryan. Dinala nya ako sa loob at makalipas ang ilang sandali ay sumunod na samin ang lahat.
"Pano mo nalamang si Jason ang pumatay kay Yumi?" Tanong ni Cherry.
"Ganito kasi iyon. Nung makilala natin si Jason ay nagsimula na akong managinip ng babaeng binubogbog at ginagahasa. Tapos doon ko nakita ang mga bagay na konektado kay Yumi at Jason. Magkasintahan talaga silang dalawa pero dahil may pangarap si Yumi ay hindi nya muna ibinibigay kay Jason ang gusto nito. Hanggang sa gahasain na sya nito at ng mabuntis sya ay pinatay sya nito ng walang kalaban-laban. At pinalabas pang pagpapatiwakal ang dahilan." Malungkot kong kwento.
"Keira..." Tawag sa akin ng isang boses galing sa likod namin. Nang humarap ako ay naroon si Yumi at may hawak na sanggol.
"Yumi..." Saad ko at lumapit sa kanya. Nang makalapit ako ay ngumiti sya at tiningnan ang anak nya.
"Masaya na ako ngayon dahil magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay namin ng anak ko. Mag-iingat ka... Hindi ko makakalimutan ang tulong na ibinigay mo." Saad ni Yumi at nginitian ako. Ngumiti din ako at saka sya naglakad papalabas hanggang sa maglaho sya.
"Pano yung sulat? Pano mo naiintindihan?" Tanong ni Saira.
"Ganito iyon." Saad ko at inilagay ang sulat sa ibabaw ng lamesa. "Code ang ginamit nya dito sa sulat nya."
SSKR IOI
JAL ANL SGE
Turlong! Si Jarson rang gurmarhasar sarkirn! Parpartayin nya arko. Plerase, turlong!
"Saunang paragraph ay nahirapan ako. Dahil kailangan mo pa syang isulat pahalang. Magiging ganito sya."
S S R K
I O I
J A L
A N L
S G E
"Pagbinasa mo, unang letter lang dapat hanggang sa pangalawa at tuloy-tuloy na. Ang magiging kalabasan nya ay SI JASON ANG KILLER... Sa pangalawa naman ay kailangan mo lang tanggalin lahat ng letter R para mabasa iyon." Saad ko ay tumango-tango naman silang lahat.
"Ang talino mo talaga." Papuri ni Saira.
"Talaga! Kapatid ko ata yan!" Mayabang na saad ni kuya. Natatawang umiling naman ako.
"Sige na. Umakyat na kayong lahat. Wag na kayong mag-alala, makakatulog din kayo ng mahimbing. Wala nang mananakit sa inyo." Saad ni Tito at sumunod nalang sila. Pagkaakyat nila ay kanya kanya silang pasok sa kwarto nila. At makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na ako.
--- To Be Continued ---