Napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang cellphone ni Latrelle. Nilagay ni Marcus ang hita niya sa katawan ko kaya hindi ako makabangon. Pilit kong inaabot ang cellphone ni Latrelle na patuloy sa pag-ring.
Wala manlang naalimputangan sa kanilang tatlo. Dala na rin siguro ng puyat at kalasingan. Halos alas-kwatro na silang nakatulog habang ako naman ay umuna sa higaan.
Kung 'di pa ko nagising para uminom ng tubig ay walang sasaway sa kanila na matulog na. Hindi rin kasi ako maayos na nakatulog agad dahil puro tawa ang naririnig ko at biglang may sisigaw.
Para silang mga bata dahil may pagkakataon na tinatawag nina Latrelle at Marcus ang pangalan ko. Kasabay din nito ang takbo nilang paghakbang sa labas. Idagdag pa ang pagsaway ni Jez sa kanilang dalawa.
Nang kusang bumaling sa kabilang anggulo si Marcus para ipatong ang binti niya kay Latrelle ay bumangon ako. Umupo ako sa side nang kama at tinignan kong sino tumawag.
Manager Mac Du Calling…
Nagdalawang-isip akong sagutin. Inalog ko si Latrelle. "Manager mo natawag." Imbis na bumangon ay para siyang batang ngumutngot.
Sa isang pagkakataon na pagtawag ay sinagot ko iyon. Sigaw ang agad niyang ibinungad. "Hoy! Latrelle! Ano bang pinaggagawa mong bata ka! May dating scandal ka na naman!"
Napakamot ako sa ulo at tinignan si Latrelle na ngayon ay humagok. Nakayakap siya kay Jez samantalang si Marcus ay nakayakap na sa aking unan.
"Tulog pa po si Latrelle."
"Ah. Gano'n ba. Sige, mamaya na lang ako tatawag. Pinapataas kasi ng kaibigan mo ang blood pressure ko. Kaloka!" Natawa lang ako sa tono ng boses nito at kusa niyang binaba ang tawag.
Sandali akong nag-shower at nagpalit ng damit ng damit na kinuha ko sa drawer na nakareserba para sa aming tatlo. Kumunot ang noo ko at dinama ang aircon. Kaya pala mainit, nakalimutan nilang i-on iyon.
Matapos magbihis ay pumunta ako sa kusina para maghanda ng pagkain. Nagpasya akong magluto ng tinola dahil request iyon ni Jez kahapon sa akin. Nang nakapagluto ay naglinis ako nang condo ni Latrelle.
Napangiti ako nang makita ang picture nilang dalawa ni Kaoree. First year college pa sila rito. Napakaganda ni Kaoree lalo na nang sumali siya sa pageant.
Nu'ng isang linggo lang ay nagkita kaming dalawa para ihatid siya. Ang sabi niya ay kikitain niya raw 'yung kaibigan niya nu'ng highschool matapos nito ay wala na kong balita sa nangyari.
Umupo ako sa coach para magpahinga.
Tendery Calling…
"O, Kuya?" Panimula ko.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga.
"Samahan mo raw si Ania kay Lola. Napakakulit. Hindi ako pwede eh."
Hindi ako nakasagot."Kapag di mo to' sinamahan patay ka kay Mama."
Parang bata pa rin si Kuya. Alam niya kasi na balak ko nang tumigil sa pag a-aral ng Master's Degree. Naging dahilan ko lang iyon para makawala ako sa pagpapari.
"Kailan ba?"
"Kahit mamayang hapon. Nakagayak na ang damit ng batang to'."
"Kuya! Kuya Wyn! Excited na ko! Uwi ka na sunduin mo ko!" Sambit ng batang si Ania mula sa kabilang linya. Rinig ko rin ang tunog ng tsinelas niya dahil sa pagtalon nito.
"O, akin na 'yang cellphone ko. Mamaya susunduin ka ni Kuya Wyn mo. Tama ba, Wyn?" May halong panunukso ang huling sinabi ni Kuya Ten.
"Oo, Tama 'yun. Sinong tatanggihan ang cute na si Ania." Umismid na lang ako sa sarili kong sinabi.
Hindi ko akalain na magiging baby sitter ako nang pinsan ko. Kasalukuyang wala ang mga magulang niya para maghanap-buhay sa ibang bansa. Kaya naiwan sa amin si Ania ngayong wala siyang pasok.
Mayroong nag a-aalaga sa kanya pero kasalukuyang nasa bakasyon at umuwi ng probinsya.
"Kuya Wyn! Bilhan mo kong donuts ha!" Maliit ang boses niya. Naisip kong nakalabi siya para magpa-cute. Kapag magpapabili siya nang kung ano ay gano'n ang ginagawa nito.
"Oo naman. Teka, bakit hindi na lang tayo umalis nang mas maaga? Kahit ngayon na." Tinignan ko ang wrist watch ko mag a-alas dose pasado palang naman.
Tamang-tama at hindi gaanong traffic nang ganitong oras. Kumpara sa hapon dahil oras iyon nang uwian.
"May ballet dance class pang tatapusin si Ania. Last class niya na mamaya kaya nga inunahan tayong mag-ayos ng mga gamit niya." Rinig ko ang palihim na pagtawag ni Ania.
"Sige, mamaya lang ay nandyan na ko." Binaba ko na ang tawag. Nanonood lang ako nang TV hanggang sa makatulog. Gumising ako nang alas-dos para uminom ng tubig.
Sakto naman na kumakain ang tatlo nang naabutan ko sila sa kusina. Mukat-mukat ang mga mata nila at gulo ang kanilang buhok. Nagkukulitan sina Latrelle at Marcus habang kumakain. Si Jez ay abala sa pag-browse sa kanyang cellphone.
Nang napansin ako ng dalawa ay tumigil sila sa pagsuntok sa braso nang isa't-isa. "Kain, Wyn." Alok ni Latrelle at mistulang isusubo sa akin ang hawak nitong kutsarang may kanin.
"Hindi ba sumakit ang ulo mo kagabi?" Pagsaad ni Marcus. Sa dami nang iinom nila hindi malabobg magka-hang over sila.
Pangdalawang linggo sana ni Latrelle ang ilang alak na binili ko. Sa rason na umiinom siyang mag-isa kapag masyado siyang stress sa trabaho. Pero mukhang wala na siyang iinumin.
Nang naglinis ako kanina ang napansin kong ang lahat ng bote ay wala nang laman.
"Hindi. Hindi naman ako uminom." Tumango-tango si Marcus sa sagot ko.
"Magtitimpla lang akong kape pampawala ng hang over." Akmang tatayo si Marcus kaso hinawakan ni Latrelle ang braso nito.
"Wala nang kahit ano dyan. Bumili ka na lang sa labas o kaya gamot pampawala nang hang-over." Tamad na suhestisyon ni Latrelle.
"Wyn, baka naman o." Nag-puppy eyes si Marcus kasabay nang pag-cross fingers niya.
Hindi ako tumanggi lalo pa minuwestra ni Marcus na nakain siya. Ano pa bang magagawa ko?
Lumakad ako palabas para bumili sa convenient store kung saan ako nanggaling kagabi. Nakasalubong ko ang dalawang pusa sa daan at mukhang gano'n pa rin ang siste nila. Naghahabulan at patuloy sa pag a-away.
Nang makarating ako sa convenient store ay bumili akong rice meal para sa matanda at sa apo nito. Nagbakasali akong makikita ko ang dalawa kaya tinanaw ko sila sa kahabaan kalsada.
Muli akong pumasok sa loob at lumapit sa kahera. Ibang kahera na ang nasa harap ko. Pero wala naman masama sa pagbabakasali.
"Miss pwedeng magtanong?" Tumango siya habang inaayos ang juice ng vape.
"Sige po, Sir."
"May napansin ka bang matandang babae na may kasamang bata?"
"Naku, Sir! H'wag mo nang pansinin 'yun." Kumunot ang noo ko.
"Gusto ko sanang bigyan silang pagkain. Sabihin mo sana kung nasaan sila. Ibibigay ko, o." Pinakita ko ang binili kong pagkain.
"Sir, pasensya na po patay na sila—na hit and run." Nanigas ang buo kong katawan at nanlamig ang aking mga palad.