Deimos pov
? Hindi ko alam kung asawa ba ang kasama ko o grade 3 na bata. Akalain mo halos maubos na niya ang pagkaing inorder namin tapos nag order pa siya ng chocolate... pagkabigay sa kanya ng chocolate nagtatalon siya kasama pa mga waiteress.
Ngayon sabihin niyong asawa ko siya.. ?
" Kookie saan tayo ngayon?..." tanong niya habang nilalantakan ang chocolate bar na hawak nito.
" Balik tayo sa cottage and let's change... masyado ka ng madugis.."
" sobra ka naman.... Pero sige, change outfit.. Hehehe"
Nagpalit nga siya ng pang pasyal niya..
Tinext ko si Dexter kung ok yung pinagawa ko sa kanya mamaya. Hindi ko alam kung ano basta ang sinabi ko romantic for a honeymooners. Wag niyong asahan na ako makakaisip niyan dahil ni maski ako ay wala naman idea sa Honeymoon na ito.
" Kookie picture mo ako doon oh..." nagtatakbong pumunta sa malapit sa tubig.
" Akina yang phone mo..." sigaw ko..
" yang phone mo nalang... Damot ka masyado. Ipasa mo nalang dito... Lalayo ka masyado para iabot ko itong phone ko."
Wala akong choice kundi kuhanan nalang. siya.
" isa pa Kookie..."
Nagpose ito na nakatingin sa taas.
" oh ayan tapos na... doon naman tayo" turo ko sa may mga puno ng niyog.
" di ka man lang nagbilang naman.... pindot ka nalang ng pindot..."
Kinuha ko ang kamay niya at hinatak papunta sa dulo.
I know all of you are confused why I chose her, I have a reason why, Five years ago I saw her in the cemetery, as I always visit it, one day I went to the grave she was visiting. I was shocked who they were,
Magulang pala niya ang mga nakabangga nila Mom noon. I also found out that it was Dad's fault that the accident happened. I was not angry back then with them but I felt sorry for their Daughter who was left behind because she had nowhere to go. I looked for her then I didn't know what happened to her after . Even our staff could not find her.
" Kookie.... pwede bang magtanong?" hawak ko ang kamay niya. Hindi dahil gusto ko...kundi para hindi na ito magtatakbo.
Nakatingin lang ako ng deretso...
" ano yun?"
" bakit ang bait bait mo saakin? Wala naman akong alam na dahilan..."
Hindi ko siya agad sinagot.
" ---bakit trinatrato mo ako ng ganito kahit alam kong hindi mo naman ako gusto."
Napatigil ako sa sinabi niya.
" tsaka ko lang yang sasagutin kapag hindi na ako tinatamad... Honeymoon natin ito ayokong masira... "
Hindi na din ito nagsalita pa.. Hanggang nakita namin ang isang spot na makikita mo dito ang view ng isla.
Doon bumalik ang sigla ng makita ang kulay asul na dagat. Para nga talaga siyang bata kung matuwa.
" Alam mo Kookie....nangako sina Papa at Mama noon na kapag kasali ako sa top sa school pupunta kami ng Beach.... yun din ang wish ko noon pagdating ng birthday ko..." naging pilit nalang ang ngiti niya habang binibigkas niya ito.
Alam ko.....
Tinignan ko lang siya...at palihim na kunuhanan siya ng picture.

" Nagpapasalamat ako sayo dahil hindi man kita kaano ano, hindi kita kilala.... Ikaw pa ang naggrand ng wish ko.... Hahaha Asawa na pala kita..."...
Hinayaan ko lang itong magkwento.
" alam mo din ba kung bakit nag iisang anak lang ako?? Hahaha kasi ilang beses nakunan si mama.... siguro grinand ni Papa God na ako lang talaga magiging anak nila.... Kaso naiinggit ako sa mga iba na may tinatawag na ate... Kuya...hehehe hindi na nga ako nabigyan ng kapatid wala pa akong naging kaibigan.... ang saklap ng life ko ano hahaha"
"..... noon si Yaya Mildred lang nakakalaro ko,... nakakwekwentuhan ko kapag wala sina Papa at Mama. Kaso nakipagtanan si Yaya sa boyfriend niya at sabay silang nag abroad... iniwan din niya ako...noong nawala mga magulang ko, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. May isang pinsan si Mama na kumupkop saakin, kaya lang pala niya ako kinupkop ay para maibenta ang ari arian ni Mama... Yung bahay na nakapangalan kay Papa ay sinangla din niya. Akala ko kusang loob niya akong pinapakain, nang malustay niya yung nagbentahan ng lupain ni Mama...pinagtrabahuan ko na ang kinakain ko. " Naiiyak na niyang sabi.
Hindi ko alam ang kwento mo.... pero Pinapangako ko sayo na hindi ka na mahihirap pa Gaia.
"... dahil hindi naman ako nakapag college,, ni hindi marunong magluto, maglinis at maglaba... Kaya bugbug ang natatanggap ko kay tita. Nakailang trabaho na ako pero hindi ako nakakapagtagal dahil bobo ako, lampa... kaya halos matulog na ako sa puntod nila Mama noon kapag napapagalitan ni Tita eh.. Wala naman nagbabalak mangrape saakin... sa pangit kong ito. Hahaha... "
Hindi ko namalayan na kinabig nalang ito at niyakap
" No one can hurt you... I will not allowed anyone can touch you.... Gaia, for know on. I'll protect you no matter what. "
" Deimos..."
" Shhhhh..... You're safe....I'm your husband now."
Humiwalay ako sa kanya at hinalikan ang noo nito.
" Thank you for doing this.... I maybe not your perfect wife.... but I'll be the one makes you happy in every single day... "
Ngumiti ako sa kanya.
" Gusto mo magpose... kukuhanan kita. " sabi ko. Ayoko kasing maging malungkot siya.
Dahil nga sinabi ko na kuhanan ko siya, wala akong choice.... pero hindi ko naman akalain na lahat ng sulok ng island na ito ay magpapapicture siya.
Tandaan: Wag niyong icheer up ang mga asawa niyo sa ganitong paraan.... mapapagod lang kayo. Try some other way... not just like this...
Nasa cottage na kami dahil hapon na... 5:30PM and the dinner date na sinet ni Dexter ay 6pm
" Kookie ang sakit ng panga ko..." reklamo nito pagkalabas ng banyo.
Trinatransfer ko sa phone niya ang mga picture niya... utos niya? isa akong Mafia boss pero inuutusan lang ng asawa...
" paanong di sasakit yan... Ang dami mong picture kanina... todo ngiti ka.. nakakailang take pa.... malamang sasakit yan."
" Kookie naman eh... First time nga lang ako nakapasyal at nagkaroon ng ganyang view... kinokontra mo pa..."
Binaba ko ang phone at nilapitan siya.
" Halika ka nga... Patingin ako.. "
Lumapit ito... at tumiklay para maabot niya ang level ng mukha ko ( sorry hindi ko alam tagalog?)
Ok tumingkayad-daw sa tagalog???
Sa sobrang liit nito mangangalay talaga siya kaya hinawakan ko ang bewang niya at inagat paupo sa mesa.
" Parang naglolock jaw... . "
" Hindi ka na kasi nag tigil kakangiti... Kakatawa..."
" Ok na nga kasi ngayon may kausap at kasama na ako... Dati kasi sa banyo at salas lang ako nakakatawa kapag wala si tita."
Tsk
" sa kwarto mo ganun ka din?"
" wala naman akong kwarto... ang higaan ko ay sa sofa... "
Damn..... ganoon talaga ang pagpapahirap sa kanya??
" Teka nga pala... paano niyo naayos ang mga gamit ko noon? "
" anong inayos... Sabi ng mga tauhan ko ay naka karton at sako daw ang mga damit at mga ibang gamit mo... wala nga silang ginalaw. "
" Sabagay yung kasi ang lagayan ko... Wala akong kabinet... "
" what!? Karton at sako ang lagayan mo ng gamit mo??? So sa mismong bodega ng tita mo talaga nakalagay ang mga gamit mo ganun ba?? "
" Oo... Doon nga.. bakit saan ba nila nakuha? "
Naningkit ang mata ko sa nalaman ko.
" Sa bodega...tsk... magbihis ka na... kakain na tayo. "
" Yehey! "
Oh diba nagchange mood agad ito. Lihim akong napangiti sa asta nito.
" Kookie magpapalit pa ba ako ng damit? " sumilip ito...
" yes... any dress that you're comfortable..."
" bakit di mo nalang sabihing sexy dress hahaha nahiya ka pa... "
Napalingon ako sa kanyang na nakangisi.
" What!?"
Agad itong pumasok sa kwarto. Habang hinihintay ko siyang hinarap ko ang laptop at tinignan ang email ko. Isang unknown ang napansin ko. Nang buksan ko ito.
Laking gulat ko na picture namin ni Gaia na nag uusap kanina...
Agad kong tinawagan si Dexter para ipaalam ito...
" Dexter may nagsend ng picture namin ni Gaia, paki locate kung sino.. ayokong madamay si Gaia dito."
Dexter : may nagpasabog ng building sa parte ng Norte Master... inaasikaso na namin. Ayon sa sources ko. Hindi tayo ang puntirya ng mga Ibang grupo kundi ang mga Human Healing. Nalaman kasi nila sila ang Co-business natin ang mga ito ay gusto nilang idamay dahil tayo ang isa sa mga Malalakas na company maliban sa Takenshin at Zero Orga.
" kung ganun ay nadadamay tayo... ang mahirap pa... andito din ang pamilya nila Bright at Vana Pearl..."
Dexter: nalaman din namin yan Master... Kaya on the way na ang mga tauhan natin para bantayan kayo....
" Just make it sure na hindi sila makikita at hindi malalaman ni Gaia...
Dexter: Yes Master....
" alin ang hindi ko malalaman Kookie?" biglang tanong nito sa likod ko.
Nagulat ako dahil hindi ko napansin na nasa likuran ko na ito.
" Wala Gaia... let's go palubog na ang araw mas magandang kumain habang pinagmamasdan ito."
Hindi nalang niya pinansin ang reaction ko kaya hinawakan ko na ang kamay niya at pumunta sa dalampasigan.
Inassist kami ng mga waiters papunta doon.

" wow Kookie ang ganda naman..... idea mo ba ito para sa honeymoon natin?? Ang sweet mo talaga Kookie..."
Masaya ako at nagustuhan niya.... hindi ko idea ito... kundi si Dexter... Ngayon ko palang kasi magagawa ang mga ganito.
NGSB kasi ako...
" Mam upo na po kayo at iseserve na pi ang mga pagkain. "
" Thank you Kuya Waiter.... Kookie picture tayo dito... Kuya papicture muna kami...Kookie tingin ka kay Kuya... Daliiiii!!"
Click!
" Isa Mam.. Sir..."
Click!
" Sir tingin kay Misis..." utos ni Kuya..
Pero pagkatingin ko ay nagkatinginan naman kami..
" Naks ang sweet niyo po... Mam eto na po phone niyo.... "
" salamat kuya... later ulit ha... after namin dito..
" No problem mo mam.. ibell niyo lang po ito... Enjoy po Mam.. Sir.. "
Pagkaalis ng mga waiter para iserve ang pagkain ay agad kong itong tinanong.
" Gaia...."
Napatingin naman siya saakin dahil iniiscan niya ang kuha sa phone nito.
" Yes Kookie bakit? "
Gusto ko sanang sabihin sa kanya kung ano ako bilang asawa niya.
" Anong masasabi mo sa mga Mafia?"
Napatigil ito at nag iisip kunyare...
" Mafia? Ang alam ko lang sa kanila.. Bad guy... mga mukhang pera"
Aray ko... Mukhang pera ba ako??
" Base kasi sa Pinapanood ko noon... mamamatay tayo sila... bad attitude meron sila... minsan na din kasing kaming naholdap noon., medyo bata pa ako... saakin tinutok ng baril ang holdaper, kaya sa sobrang takot ko... iyak ako ng iyak.. nakarinig nalang ako ng putok ng baril sa paligid. Nadaplisan si papa sa balikat niya. Nasa hospital na daw kami pero tulala pa din ako at umiiyak bigla bigla... kaya everytime na nakakapanood ako ng barilan.. Umiiyak ako at natutulala... nanginginig ang katawan... ewan ko ba... Sinasadya ata ni tita na manood ng probinsyano puro barilan para takutin ako. Hahaha"
Kaya pala nagka phobia na ito... Paano ko sasabihin sa kanya kung ganun niya inilalarawan ang isang kagaya ko.