Chapter 5:Honeymoon

1663 Words
Gaia pov Dumeretso ako sa sinasabi niyang walk in closet ko daw.. At bumilog ang mata ko sa nakita ko. Sobrang laki ng walk in closet ko... mas malaki pa ata ito kesa bahay ni Tita... Lumapit ako sa mga damit,.. " wow... Ang gaganda naman..." Napatingin ako sa mga sapatos.. Heels?? Saan ko naman gagamitin ang mga heels?? everyday pa may kasalan?? O kaya birthday.... hindi kaya binyag...debut?? " ang dami naman nito....daig ko pa nagbebenta ng damit..." ".... OMG... Totoo ba ito..? Mga bag na Hermes , Chanel , Louis Vuitton, Dior, Prada, Gucci, Balenciaga, Bottega Veneta. Saint Laurent, Loewe... syete saan niya pinagnanakaw ang mga ito?? tapos mga original pa... " Hinawakan ko ang Louis Vuitton na bag... " Online sale ko kaya ang mga ito... patok ako nito... Makakapagpatayo ako ng bahay... o kaya ay... ---pero sayang naman.. akin kaya ang mga ito?? ano naman kaya ilalagay ko sa loob?? Tissue? At isang pirasong candy...." " Hoy babae!." " Ay palakang malaki! .. Ano ba naman kookie ginugulat mo ako... " Paano bigla bigla itong susulpot. " hanggang ngayon hindi ka pa bihis... baka naman gusto mo ako pa magbihis sayo... " " Oo na.. Magbibihis na ako... tinitignan ko lang mga damit kasi di pa rin ako makapaniwala na saakin ang mga yan.. " " tsk... tsaka mo na yan pagmasdan dahil kakain na tayo...10 minutes kapag wala ka pa sa baba... Ako na kakaladkad sayo.. " Inirapan ko ito. " AREGLADO KOOKIE" Pinili ko ang simpleng damit... hindi din naman ako sanay sa sosyal na pananamit. Buti nga may simpleng damit akong nakita.. Nag empake ako ng mga cute na damit.. teka ilang araw kaya kami doon?? Bahala na... basta cute ang mga damit ko. Hahaha Pagbaba ko nakakunot ang noo ni Kookie.. " Muntik na akong susugod babae... tsaka ano yang damit mo para kang grade 3 sa suot mo.." puna niya saakin. " Eh ganito gustong kong isuot eh... bakit ba? Ikaw nga para kang makiki birthday sa suot mo..." Aba siya lang ba ang mapang lait...kaya ko din naman ah.. " Dexter ibigay mo na ang phone niya... at kakain na tayo. " pumunta na ito sa dinning area. Inabot saakin ni Dexter ang phone na Iphone?? " wow ang ganda naman nito... sandali Dexter... Picture mo naman ako.. Hahaha sige na.." " Sure Mam Gaia...sige mag pose ka na... "  " Oh Mam Gaia... tapos na halika na baka magalit na naman si Master..." Tinignan ko ang kuha niya. Ya.. Ang ganda ko pala... Hehehe Kumain muna daw kami ng breakfast dahil malayo ang pupuntahan namin. " Sana sinama nalang natin sina Manang para masaya... " " Makulit ka talaga.... hindi nga pwede.. " kookie " Ayos lang Gaia... Hindi na din kaya ng katawan ko ang magbiyahe ng malayo..." Manang. " eh si Dexter...." " Ako muna kasing bahala sa mga transaction ng companya. " Sagot ni Dexter. " transaction?? " " Ah eh hahaha...mga meeting ang ibig sabihin ko Mam Gaia. " Tinignan ko si Kookie.. " Kookie...ilang araw tayo doon?" " 3 days..." tipid nitong sagot. " 3days tayong maghohoneymoon? " gulat kong tanong. " Ah hehehe Gaia... hindi naman sa lahat ng oras... mamamasyal naman kayo sa ibang view sa amanpulo.. kaya pasalubungan mo ako ng mga nakuha mong picture sa lugar na yun. " singit ni Manang. " Dexter.... naayos mo ba reservation doon?" tanong ni Kookie kay Dexter. " Yes Master... Ok na po ang lahat... ok na din po ang safety niyo doon. " " bakit pati safety namin inaayos mo Dexter?? Anong meron?? " Nagkatinginan silang tatlo. " Just finish your food... marami ka na namang tanong... Manang ikaw na muna bahala kay kookoo... " Pati nalang niyang sinasabi na.. Finish your food... Tsk Nagpaalam na kami kina Manang, hinatid kami ni Dexter sa Airport.. Private Plane ang gagamitin namin. Dahil sa pandemic ngayon... Kinakailangan muna naming magcheck ng Temperature, mag sanitize para iwas covid hahaha tatablan pa ba kaya ako noon. " Hala ang cute ng bata..." Nakita ko ang isang bata na may dala dalang bear at nilapitan ko ito.. " Hi... anong pangalan mo?" tanong ko sa bata. " My name is Cassia Valentina... You can call me Valen... How bout you?" masiyahing bata kaso nakakadugo ng ilong " Ako si Gaia Earth... Gaia nalang tawag mo saakin... " " Magbabakasyon din kayo?" tanong niya saakin. " Maghahoneymoon kami ng asawa ko... alam mo ba ang honeymoon? " " A holiday or trip taken by a newly married couple." biglang sagot ng kasama niyang bata. Kamukha niya.. " by the way Ate Gaia... This my 5 seconds older sister.. Carisma Lucy... " " wow kambal mo... ang galing naman... " " are you sure na may asawa ka na?? Mukha kang grade 6..." Lucy.. Ay maldita pala ito... " Lucy wag mong malditahan si Ate Gaia... she's pretty just like me... " " Hi... I'm Casfear Light... " biglang sulpot ng batang lalaki... " Triplets kayo?" " yep..."Valen. " sana magkaroon din ako ng triplets na kagaya niyo... " " Can I have your number... "Valen. " Oo naman textmate tayo... " Natawa naman ang dalawang kambal niya. " Kids let's go... " tawag ng Nanay ata nila. " Ok mom... " sabay sabay nilang sagot. " we have to go... see you around Ate Gaia.... " Valen " hoy babae... bakit pati mga bata nakikipagtsismisan ka... Tara na andyan na ang private plane natin.. " " Kids alis na din kami ng asawa ko... BYE BYE! " Nagbyebye naman saakin ang dalawa maliban sa malditang kapatid nila. ( Cassia Valentina, Casfear light and Carisma Lucy ay mga triplets nina Vana Pearl at Bright..paki basa nalang po ang Oh! My Doctor.. may chapter po sila doon sa huli ? thank you) Sumakay kami sa private plane na sinasabi ni Kookie. " Kookie gawa din tayo ng triplets gaya ng mga batang nakilala ko kanina" sabi ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Namumula ito... nagalit ata " Alam mo bang ang mga nakilala mo ay hindi purong tao...." " bwahahaha pinagsasabi mo kookie... ano sila Zombie? Hahahah" " Anak sila ng mga human healing pero mga mababait sila... Kaya wag kang gagawa ng ano mang moves na ikakapahamak nila lalo na't nagkuhanan kayo ng number ng anak nila Bright." " kilala mo ang ama nila?" " classmate ko ang ama nila noon sa America... Bago siya naging Modelo" " tanungin mo kaya siya Kookie kung paano gumawa ng triplets... baka kaya din natin" Ako " Mahihirapan tayo...hindi ako siya" " grabe ka naman... iniismol mo ba kakayahan natin gumawa ng triplets kookie?" Tinapunan niya ako ng maaamang tingin ? " ang sinasabi ko...hindi natin alam kung mabibigyan tayo ng triplets... matulog ka nga muna... madaldal ka na naman..." Hindi na ako nagsalita pa... ayokong matulog...nilabas ko ang phone ko at kumuha ng mga pictures salabas... Ang ganda ng view... Nagselfie selfie na din ako. Dahil hindi ko pa alam gamitin ang ibang application na sinasabi ni Dexter kanina... pagkuha ng selfie nalang inatupag ko hanggang makalapag kami.. Kumuha ako ng chocolate sa bag ko.. Nagpaalam ako kay Manang kanina na magbaon ng mga chocolate... paborito ko kasi ito. Kahit anong chocolate ay gustong gusto ko " Gaia... ano ba? Bababa ka ba dyan o ano?" Nagsusungit na naman ang asawa ko hahaha Bumaba na ako... " Halika na... Andyan na yung sundo natin.." Sumakay ulit kami. " Kaya pala nakapadaldal mo at walang kapaguran ay chocolate pala ang pinapapak mo... no wonder ganyan ka ka-hyper " Kung ano ano nalang napapansin niya saakin. Hindi ko siya pinansin. Nakarating kami sa Hotel.. Hinatid kami ng isang electric vehicle... sa aming magiging kwarto. Parang bahay... cottage ba tawag... Ah basta ewab ko hahaha... Wala kaming kapitbahay... kaya pala kailangan ng vehicle ay malayo ang susunod na cottage... kaya pala dito sinasabing Honeymoon spot. Hahaha galing talaga ni Dexter. Pagkatapos kaming iguide ng taga bantay ay iniwan na niya kami. " Wow ang ganda naman dito... Tignan mo kookie sa labas... malapit lang tayo sa dagat..." tuwang tuwa kong nililibot ang kwarto namin. Maski ang banyo ay triple sa ganda kesa mga hotel sa Manila. Nakakabilid sa kagandahan... Tahimik ang lugar... " Hoy Gaia... para kang bata na takbo ng takbo... magtigil ka nga... para ka talagang bata..." " Kookie... ang ganda dito... hindi ko alam na may mas maganda pa sa boracay... Sa Pilipinas pa ba tayo?" Inaayos niya ang mga gamit namin. " tsk... ano sa tingin mo?.. " " yaaaaaahhhhh sa Pilipinas pa nga tayo... Ang ganda dito... dito nalang kaya tayo tumira Kookie? " Inirapan lang niya ako. Tumunog ang phone ko. " Babae yung phone mo may tumatawag... tsaka sino ba yan?" " hindi ko alam eh... " pagtingin ko ay number lang ang nakalagay. Pinindot ko ang green. " Hello? "sagot ko " Oh ikaw pala Valen... tinakot mo naman ako... Oo ba... dito din kayo? Sure pasyal tayo... Sunbathing??? Hahaha wala akong bathing eh... Ah swim suit ba tawag doon hahaha...sige itetext kita... Salamat... " Napamewang si kookie sa harapan ko. " Anong pinag uusapan niyo? " " ah si Valen... sabi niya swimming daw kami.." " Tsk ako ang kasama mo... pero mukhang siya ang gusto mong makasama.... "pagtatampo nito. " Nagtatampo ka ba kookie?? " Namula naman siya sa tanong ko. " Magpahinga ka muna at mamaya ay kakain---" hindi ko na tinapos ang sasabihin niya. " Kain na tayo... Kanina pa ako gutom" " Anong gutom... Kanina ka pa nga kain ng kain ng chocolate tapos sasabihin mong gutom ka na..." Lumapit ako sa kanya at nagpapakawa.. "sige na kookie... Gutom na ako.." Binaba niya ang mga damit na inaayos. " Fine... Tara na sa Restaurant at kakain muna tayo bago tayo mamasyal.." Doon ako natuwa sa sinabi niya. Masaya na ako sa pagkain... At sasaya pa ako kapag masarap na masarap ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD