Deimos pov
Andito ako ngayon sa balconahe ng kwarto ko hawak ang baso na may red wine. Lakad pabalik ang style ko ngayon dito. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nasabi oo sa harapan niya ang salitang yun? Ni hindi ko nga alam kung totoo eh. Nababadtrip kasi ako sa pagmumukha ng lalaking bumisita.
Napatingala ako sa buwan napakalaki ng buwan, halos tumapat sa mukha ko ang liwanag niya.
" ikaw buwan... kapag ikaw ay ako...ano ba dapat ang gagawin mo para malaman mo kung ano siya sa buhay mo?... bakit sila alam nila kung ano ko siya...? Bakit ako hindi? Alam ko nagkaamnesia ako pero bakit lahat sila natatandaan ko... siya lang ang hindi?.... ano na buwan sumagot ka.! kasi ako gulong gulo na utak ko....! " patak ng luha ang tumulo sa kopitang hawak ko.
Umiiyak ako?? Pagtataka ko sa sarili ko. Matagal na akong hindi umiiyak, ni lumuha ay hindi na ata ulit nangyari mula noong namatay ang mga magulang ko.
" Gusto ko ng kasagutan sa tanong ko....! " sabi ko at tumingala ulit sa buwan.
Kinabukasan bumaba ako dahil maaga kaming aalis ni Dexter
" Manang kayo ng bahala dito, bukas ng gabi pa ang balik namin ni Dexter." bilin ko kay Manang
Ngunit ang mga mata ko ay hinahanap si Gaia. At mukhang nahalata niya ako.
" Hinahanap mo ba si Gaia? Pumunta ito sa grocery para bumili ng Gatas niya. Yung kasi ang nireseta sa kanya. "
" Hindi ko siya hinahanap Manang... "
" Sus magdedeny ka pa ba? Mismong mata mo na nagsasabi...."
" Manang talaga.... kayo na po ang bahala dito.. "
" Ano bang oras ang alis niyo? "
" mga 10 siguro Manang. Hindi naman kami nagmamadali. " sabi ko habang kumakain.
Gatas para sa kanya?? Meron palang ganun? Akala ko para sa bata lang ang gatas...
" Manang.... " gusto ko kasing itanong kung kelan ang susunod na check up nito
" Bakit? " nag aayos ito ng bulaklak sa side table.
" Manang kailan ang susunod na check up niya?" tanong ko pero hindi nakatingin kay Manang.
" Gusto mo ba siyang samahan? "
Doon na ako napahinto sa pagngunguya.
" Baka hindi niya ako gustong maka----
" pwede kang sumama.. " napalingon ako ng may nagsalita sa likuran ko.
Shit! Nakakahiya..
" andito na pala si Gaia siya nalang tanungin mo Deimos...."
Para akong na stiff neck sa kinauupuan ko.
" Gusto mo bang sumama saakin sa sunod kong check up? "
Parang slow motion ko pang nilunok ang kinakain ko kanina.
" If it's okay with you... " mahina kong sabi. Halos mapapikit ako sa sinabi ko.
Ano ba naman itong puso ko,l parang hinahabol ng kabayo sa bilis nito
" Oo naman.... " napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin.
Nakita ko ang nilapag niyang mga supot.
" saan yung gatas mo dyan?" napakunot ako sa dala dala niya mga prutas at tinapay lang kasi ang nakikita ko.
" Wala akong mahanap na gatas eh... siguro ito muna kainin ko."
Napataas ako ng Kilay.
Saktong dumating si Dexter. Nakita ko naman ang nilapag niyang papel sa mesa. Alam kong reseta ito.
" Goodmorning Master... Yun sakto pakain ako hehehe" Aakmang uupo ito pero pinigilan ko.
" May pupuntahan tayo Dexter... Now na!" pabagsak kong nilapag ang kutsara at tinidor sa mesa pasimpleng kinuha ang reseta sa mesa. Tumayo ako biglang umalis sa harapan niya.
Bakit ba kasi ang tamad niyang hanapin ang gatas niya.? Tsk... diba nireseta sa kanya ito.
Agad kong binasa ang reseta.
??????
ANMUM??? ano ito??
" Master aalis na ba tayo? Di pa kasi ako kumakain eh.." reklamo ni Dexter.
" Tara... Hanapin natin itong gatas niya bago tayo umalis." sumakay na ako sa sasakyan. Hindi ako sa likod umuupo dahil ayoko namang ipahalata na may driver ako... Well meron nga pero mas ok kasi kapag nasa front sit ko katabi ang driver.
" Naks Master... gatas ni Mam Gaia ba yan? Natuwa naman ako.... Kahit gutom hehehe" binigyan ko ito ng tiger look.
" hehehe joke lang Master... Sa Drug store natin itanong Master baka meron sa kanila."
Hindi nalang ako umimik.
Pero nakailang drug store na kaming pinuntahan pero wala pa rin.
" Last nalang Master sa Mall sa Groceries store may Drug store din sa loob "
Napatingin ako sa relo ko. 9am na... Ang hirap palang hanapin.
Mall: Nakatingin ako sa reseta habang hinahanap ang gatas na ito. Para kaning tanga ni Dexter na iniisa isa namin lahat ng mga gatas.
" Master gutom na akoooooo! " Dexter.
" Magtanong ka kasi...paano natin mahahanap kung di mo itanong..." galit kong sabi. Paano para na kaming ewan na lahat ng shelves dito iniisa isa namin. Hinanap naman ni Dexter ang isang sales lady para magtanong.
May isang Babae akong nakita na namimili din ng gatas. Makapagtanong na nga lang din.
" Excuse Miss.. pwede bang magpatulong if Ok lang..?"
" Misis na po Ako..." sagot niya.
" Sorry... Where can I find this kind of Milk?" pinabasa ko sa kanya ang reseta.
" ay... naku sa kabilang shelves lang nito... dito kasi gatas ng mga babies.. halika.. " sinundan ko naman siya.
Sa wakas nahanap ko din. Dito lang pala ito...
" Salamat Misis... "
" Wala yun...para sa asawa mo ba yang gatas? Naku kailangan niya yan para mabigyan ng nutrition ng baby niyo.... parati mong painumin araw araw yan. " masayang sabi ng babae.
" kaya nga po...." nahihiya kong sagot.
" Oh ikaw na bahala dyan ha... congrats sa magiging anak niyo. "
Pagkaalis ng babae dumating naman si Dexter.
" Master nahanap mo na pala... sabi ng cashier dito daw. "
" Oo... nagtanong na din ako.."
Sabay kaming napatingin sa mga gatas na nakadisplay.
Pero ang problema..
May mga flavors pala ang gatas na ito. Mukha kaming batang nakatingala sa kawalan ni Dexter.
" Ah Master...? Anong flavor ba ang kukunin natin?? "
Bakit ako tinatanong nito ako ba ang iinum?
"..... " Dexter
".... " Ako
" Anmum Plain, Anmum Choco, Anmum Mocha Latte o Anmum Concentrate Vanilla Master??? " Pagpipili niya saakin.
" tsk bakit kasi walang flavors nakalagay sa reseta niya."
Hinablot naman ni Dexter saakin ang reseta.
" Patingin nga Master.... Ay... Oo nga wala.. Paano ito Master? Baka yung kukunin natin ayaw ni Mam Gaia. "
Namumuo na ang inis ko kanina pa... ang hirap na nga hanapi... ang hirap pang magdesisyon sa flavors.
" Kumuha ka ng tig iisang lata ng flavors... " utos ko.
" ha? Master lahat ng flavors?? "
Tinignan ko siya ng masama.
~_^
" sabi ko nga Master tig iisa..."
Habang kumukuha si Dexter ng may isa ulit babae medyo patanda na ang itsura ang nakapansin saamin.
" aba iho.. ke dami naman yang kinuha niyo... Para sa asawa niyo ba mga yan?" Nanang
" Ah Nanang wala pa po akong asawa... Si Master lang... " sabay turo sa akin..
" nakakatuwa naman kayong tignan... para kang si Anselmo ko. Ganyan din ito noong unang pagbubuntis ko... Halos hakutin niya lahat ng gatas noon hahaha"
Nanang ano pong nakakatawa???
" ingatan mo lang ang asawa mo ha... lalo na pag unang buntis niya... maselan ang buntis. Moody at sensitive sa lahat ng bagay... kaya iho wag mong bibigyan ng sama ng loob ang asawa mo... baka mawala ang anak niyo." sa pagkakasabi palang ni Nanang na mawala ang anak ko, may kung anong takot akong naramdaman.
" Kailangan kapag naglilihi siya ay nasa tabi ka lang niya... " dagdag pa nito.
" Lagot ka Master.... " Singit na naman ni Dexter.
Again... Tiger look activated!
" Hehehe una na ako sa cashier Master. Bahala ka na dyan makipagtsikahan.." tsaka niya ako iniwan. Hindi naman ako bastos para iwan basta basta si Nanang.
" Ah... Nanang... ano pa po pwedeng gawin para mapasaya siya... I mean ang asawa ko?"
Napatawa naman ito.
" Gawin mo lang ang tama iho... wag mo siyang bigyan ng hinanakit... Alagaan mo ito....samahan mo sa mga check up niya."
Tama... Sasamahan ko siya..
" ah Nanang huling tanong..... Kelan po malalaman fully develop na ang baby at kung kailan malalaman na babae or lalaki ang baby?"
" 5 to 6 months ay develop na ito...pwede na din malaman ang kasarian niya... ilan buwan na ba ang tiyan ng misis mo?"
Ilang buwan na ba??? Nakalimutan ko na...
" Ah hindi ko po matandaan.. eh pero hindi pa gaano malaki ang tiyan niya... parang flat pa din.."
" Jusme... yan ang pinakamaselan na trimester niya... yan ang pinakadelikado. Kaya hindi siya pwedeng magbuhat ng mabibigat at nadudulas."
Delikado??
" bakit po? " tanong ko.
" Baka kasi makunan siya.... "
Makunan??
Makunan....
Makunan...
Makunan...
Makunan....