Chapter 17: Father?

1228 Words
Gaia pov Dalawang araw na mula ng makalabas ako ng hospital, todo bantay na ako kay Manang. Hindi daw ako pwedeng lumabas sabi ni Deimos. Nagtataka ako bakit bigla siyang bumait saakin. " Gaia tumawag si Deimos ano daw gusto mong kainin?" Nagpalingon ako kay Manang... " bakit daw Manang?" Hindi kasi ako makapaniwala " eh baka bibilhan ka niya. Sige na alam mo na naman yung asawa mo, kapag napapahiya nagtatampo. Magsusungit naman ng buong linggo. " Nagdidilig kasi ako ng mga halaman dito sa garden malapit sa pool. " Kwek kwek kasi ang gusto ko Manang.." " kwek kwek?? " Tumango ako. Noong isang araw ko pa gustong kumain. Sabi kasi ni Gelo ay gagawan niya ako...pero hanggang ngayon ay wala pa. Hindi ko na nilingon si Manang dahil impossible kasing bibili si Kookie ng kwek kwek. Pumanhik sa loob si Manang at iniwan niya ako nagdidilig ng tumunog ang phone ko. ANGELO'S CALLING " hello Gelo,.. Kamusta ka?.. Ok naman ako, hindi naman bakit?... Hahaha ikaw talaga. Magpapaalam ako kay Manang kung pwede ka pumunta dito.... Hmm sige basta sabi mo yan ha hehehe.... Oo naman kapag off ko ay payag ako. Basta meron akong pagkain na luto mo... Sus pakipot ka pa... Hahaha sige na... Hmm nagdidilig ako... Wala naman akong magawa.. Hahaha Oo na po... bakit naman ni Best friend. Hahaha sige bye... " Hindi ko alam pero nagiging ok ako kapag naririnig ko ang boses ni Gelo. Sabi nga ni Manang ay baka siya ang pinaglilihian ko. Hahaha ok lang naman saakin dahil gwapo naman si Bestfriend. Mga luto niya simot na simot ko kapag dinadalhan niya ako. Kakain na kami ni Manang ng biglang umuwi si Deimos. Hindi ko nalang ito pinansin ng dumaan sa gawi ko. Dahil nga busy ako kumakain hindi ko na din pinansin ang dala dala nito. " Manang paki bigay sa kanya" napaangat ako ng ulo sabay tongin sa kanila. Ano naman yung inabot niya kay Manang na tupperware? " Manang paakyat ako mamaya ng kape..." sabi nito sabay alis.. " oh sayo daw sabi ng asawa mo" Inabot naman saakin ni Manang ang tupperware. " Ano naman ito Manang?" " Buksan mo para malaman mo.. Hihihi" parang ewan naman si Manang. ? Nang buksan ko? Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kwek kwek at mainit init pa. " Manang binigay niya ito saakin?" tanong ko "Binili niya yan para sayo... nakakatuwa dahil unti unti na itong nakakaramdam." Hindi ko maipaliwanag ang saya ng nararamdan ko ngayon. Binigyan ko din si Manang dahil sobrang dami naman kasi yung binili niya. " Oo nga pala yung kape niya..." aakmang tatayo si Manang ng pinigilan ko ito. " Ako na magdadala Manang. " " sigurado ka?" " Opo.. Magpapasalamat na din ako." Pagkatimpla ako ay umakyat ba ako at kumatang sa kwarto namin... Este kwarto niya. Pagkapasok ko busy ito sa kanyang laptop. Napatingin naman ito sa akin. " Ah dinala ko pala itong kape mo... " medyo nahihiya akong makipagtitigan sa kanya. " Ok..." binalik nito ang tingin sa laptop niya. Binaba ko naman sa table nito. " Ah Dei--- Master.. Salamat pala sa kwek kwek." halos mabali na ang leeg ko kakatingin sa taas. " Ok... You may go! " Bwisit na ito. Yung lang sinabi niya? Tsk Padabog akong lumabas. Nakakawalang gana naman kausap ng damuhong yun. Nagpapasalamat na nga lang., wala man lang Your welcome!. Tsk bahala ka dyan. After kong tinupi ang mga nilabhan,. hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa higaan ko. " Why you so important to me? Why do I get annoyed when I hurt you? Why I get choky if you roll your eyes on me? Do I really love you? ." May kung anong boses akong naririnig, panaginip ba kaya ito? o totoong nandito ito at tinitignan niya ako natutulog.? " I'm I the FATHER? " Dahil inaantok nga ako, hindi ko nagawang dumilat. Nagising nalang ako ay hapon na. Bumangon ako at pinuntahan si Manang sa kusina para samahang magluto. " Nagising ka na pala... kamusta pakiramdam mo?" Manang " Mabuti naman Manang, medyo gumaan ang pakiramdam kong nakapagpahinga. Ano ulam Manang?" " Tinola na maraming malunggay.... request ng asawa mo sabi ay nakakabuti daw ito sayo para madagdagan ng gatas yang ano mo hihihi" yung tawa ni Manang parang kinikilig. " Manang talaga kung ano ano pa sinasabi.. para gumaan ang loob ko. Hindi mo na yan kailangan sabihin Manang. Sanay na ako na wala naman pakealam si Kookie saakin." " Hindi ah...Kanina nga pinuntahan pa niya ako sa likod para sabihin. Hinanap ka nga din niya, ang sabi ko'y natutulog ka. " Hala di kaya siya talaga yung naririnig kong nagsasalita kanina? Tinulungan kong mag prepare ng lulutuin ni Manang. " Natutuwa ako dahil----" Blag! " Ay anak ka ng putakte! ---ano ba yun!? " pareho kaming nagulat ni Manang sa narinig naming kalabog ng pinto. " May saltik na naman ang alaga mo Manang tsk tsk tsk" At lalo kaming nagulat ng bumungad saamin si Deimos na may maitim na mahika sa kanyak mukha. Hahaha " Manang may bisita.... Mukhang manliligaw ata!" Deimos Nagkatinginan kami ni Manang sa sinabi niya. " Ha? Manliligaw?.... Jaske kang bata ka... Matanda na ako para---" " Hindi ikaw Manang......siya!" turo niya saakin. At tinuro ko naman ang sarili ko. Sino naman manliligaw saakin eh wala nga nagkakagusto saakin...maski nga tikbalanga ay ayaw saakin. " Naku Gaia baka si Angelo ang tinutukoy ng damulag na ito. " Pagkakasabi nito ay agad kong pinuntahan si Angelo at nilampasan lang si Deimos sa pintuan. " Angelo!" " Good afternoon Earth... may dala pala akong tokneneng ako mismong nagluto niyan. " proud nitong sabi. " Maupo ka... Salamat Angelo nag abala ka pa." " Hindi ko alam na pwede na palang mag entertain ng suitor ang mga maid sa mismong pamamahay ng amo!? " nagulat kaming pareho ng biglang nagsalita ito. " Tapos na man na ang work time ni Earth....kaya nga hapon akong dumalaw. " Sagot ni Angelo. " nakakain na siya ng kwek kwek... kaya hindi na niya kakainin yang tokneneng mo" " Earth, kumain ka na ba?" baling niya saakin. " Ah Oo... binigyan kasi niya ako ng kwek kwek... Pero kakainin ko pa don naman ito. Salamat..." " Mas masarap ang kwek kwek ko." sumbat naman nito. Jusko mag aaway pa ata sila dahil sa kwek kwek at tokneneng " Mas masarap naman ang tokneneng ko... mas malaki. " " Maliit man ang kwek kwek ko... mas malinamnam naman ito. " Deimos " Mas gusto naman ni Earth ang tokneneng ko. " Angelo " Mas mahal naman niya ang kwek kwek ko.... Kesa dyan sa tokneneng mo." " tumigil na nga kayo... pareho ko kayong gusto. Ok!?" pumagitna na ako baka kasi kung saan pa mapunta ang pagsasagutan nila. " Ako lang ang gusto mo! " Deimos Jusme naman Kookie... iba tuloy ang meaning ng mga sinasabi mo. " Mas gusto niya ako." sagot naman ni Angelo " Ako! " Deimos " Ako sabi eh" Angelo " Ako dahil Amo niya ako." Deimos " Ako dahil kaibigan niya ako!" Angelo " Ako dahil..... Im the Father of her baby!" Napatigil ako sa pag aawat sa kanilang dalawa sa sinabi ni Kookie. I'm the father of her baby! Nag eecho pa sa tenga ko ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD