Deimos pov
Napansin kong lumalakas na ang ulan sa labas.
Nahanap na kaya niya?
Tsk! Kailangan ko yun para bukas., hindi pwedeng mawala yun.
Bumaba ako para kumuha ng tubig. Nakita kong umiiyak na nakatanaw sa labas si Manang.
" Manang" tawag ko ngunit hindi niya ako pinansin.
Pinakalma ko ang sarili ko para hindi ulit umatake ang init ng ulo ko.
" Deimos bakit ganun nalang trato mo kay Gaia?, hindi ba pwedeng magtanong ng mahinahon?"
Natamaan naman ako sa sinabi ni Manang. Alam ko namang below the belt ang nagawa ko sa katulong pero ayoko lang kasing pinapakealam ang mga gamit ko lalo't importanteng bagay ang nawawala.
" Jusme Deimos si Gaia! " napatakbo si Manang palabas ng bahay.
Sumunod naman ako para tignan sila.
Parang huminto ang mundo ko ng makitang nawalan ng malay ang katulong. Agad akong lumapit sa kanila.
" Jusme Gaia... Gumising ka!" iyak na sabi ni Manang
Wala sa isip ko ng bigla ko itong buhatin papasok sa bahay
Nilapag ko ito sa kanyang kama.. Nag hihisterical na si Manang.
" Deimos dalhin na natin ito sa hospital... baka ano pang mangyari sa kanya pati ang baby nito. "
Napaangat ang ng ulo sa sinabi ni Manang.
" Baby?? Anong baby?"
Pero hindi ako sinagot ni Manang. Agad itong kumuha ng tuwalya para mahubaran ito.
" Lumabas ka muna Deimos... hindi nakakatulong ang nandito ka" giit nito saakin
Nasaktan ako sa sinabi ni Manang. Alam kong galit na ito sa kanyang tono.
Bumalik ako sa kwarto. Iniisip pa din ang sinabi ni Manang.
Buntis ang katulong??
Napalingon ako sa Rose na nakalagay sa Vase. Doon ko pansamantalang nilagay ang rose para hindi ito malanta.
" Deimos! Deimos!..." tawag saakin ni Manang mula sa baba.
Patakbo akong lumapit.
" Bakit Manang...?"
Nilongon ko ito.
" Deimos si Gaia... nanginginig na siya sa lamig. Please dalhin na natin siya sa hospital."
Hindi pa ito nabihis.. dahil nakatapis parin ito ng tuwalya.
" Manang get her clothes.. dadalhin na natin siya sa Hospital... Magmadali ka!"
Binalot ko nalang ito ng kumot, dahil halos makita ko na ang kabuuan ng katawan niya.
Binuhat ko papasok ng sasakyan. Si Manang ang nakaalalay sa kanya sa likod.
HOSPITAL
Hindi ko halos maisip bakit bigla akong natakot ng makita itong nanginginig ang katulong ko. Bakit bigla nalang akong kinabahan?
Si Manang todo bantay sa kanya mula ng mailipat na ito sa kwarto.
Bumukas ang pinto.
" Doc, kamusta ang kalagayan niya?" Tanong ni Manang sa Doc.
" Ilang beses ko ng sabihin sa kanya na hindi siya pwedeng mastress dahil nakakasama ito sa bata. And now she's habing a fever na hindi dapat.. Kahapon lang ay andito siya, ngayon ay nagkasakit na. "
Napatayo naman ako.
" Doc I want to ask if ilang buwan na ang baby." napalingon naman saakin ang dalawa.
" Are you the father of the baby? " tanong ng Doc.
Hindi ako nakapag salita.
" 3 weeks and 5 days na ang baby... she's in first trimester kaya napakadelikado sa kanya ang mastress, if you're the father. Please take care of your them specially the mother, underweight ito, hindi ito kumakain ng tama."
" katulong ko siya Doc." sagot ko.
" Oh I'm sorry.. maybe the guy whos with her yesterday maybe the father. Kahit itanggi nila ay parang siya ata ang ama. Naibigay ko na sakanya kahapon ang mga gamot at vitamins na kailangan niya.. "
" AH Doc sino po yung lalaki? " tanong ni Manang
" I remembered she's mention the name Gelo... yeah Gelo ang name. "
Napatingin saakin si Manang.
" Salamat po Doc. "
Pagkaalis ng Doc. hindi na ako pinansin ni Manang kaya nagpaalam nalang ako.
Sa parking lot ko binuhos ang inis ko. Naiinos ako ng walang dahilan.
Nagagalit ako ng walang rason kung bakit.
Kinuha ko ang phone para tawagan si Dexter
" bumili ka ng pagkain pwede sa buntis at dahil dito sa Hospital dito sa timog....uuwi na ako. Kayo ng bahala ni Manang sa katulong"
Pagkauwi napadaan ako sa kwarto ng katulong ng may naririnig akong tunog.
?Hey girl you know you drive me crazy
One look puts the rhythm in my hand
Still I'll never understand why you hang around
I see what's going down
Cover up with make up in the mirror
Tell yourself it's never gonna happen again?
Hinanap ko ang tunog na yun...
Cellphone pala nito..
Napatingin ako sa screen ng phone nito.
^_^ cute_Gelo's Calling
So ito pala yung Gelo na sinasabi ng Doc.
Sinagot ko ang tawag..
" Earth kamusta na pakiramdam ko...kita naman tayo. Pinagluto kita ng bakemac.., pwede ito sa buntis."
" She's not here.!"
" hello sino ito? Bakit nasa sayo phone ni Earth?"
" nasa hospital ang Girlfriend mo..." tsaka ko pinatay.
Wala ako sa hulog kaya hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko. Binuksan ko ang laptop ko at nagsearch ng pagkain para sa buntis.
F*ck what am I doing!?
" Dairy products. ..Legumes. ... Sweetpotatoes. ...Salmon. ... Eggs. ... Broccoli and dark, leafy greens. ... Lean meat and proteins. ... Berries.... Damn! Ano ba itong ginagawa mo?"
Dahil na konsensya naman ako sa ginawa ko kinuha ko ulit ang susi para bumalik sa hospital.
Dumaan ang sa fruit Stan para bumili ng mga prutas.
" Ah Sir para sa buntis po ba niyong asawa? Eto ang maganda sa kanya. Mangga at mga prutas na mafiber.. mainam ito sa mga buntis." sabi ng tindera.
" sige po bibilhin ko.."
Isang basket ang bitbit ko paakyat sa kwarto ng katulong
.... I mean si Gaia.
Papasok na sana ako ng may narinig akong boses ng lalaki at hindi ito si Dexter.
Binuksan ko ng konti para marinig ko ang usapan nila.
" Earth tama naman si Manang,. hindi nakakabuti sayo ang magtrabaho. Kung gusto mo saakin ka muna tumira... hindi naman kita pababayaan gaya ng ginagawa niya."
" Napakabait mo Gelo.."
Gelo na naman...!
" Bakit ka pa kasi nagtitiis sa kanya? Para namang hindi ka niya mahal. "
" Mahal niya ako....alam kong mahal niya ako. " Gaia
" Earth alam mo ba na kapag nawalan ng ala ala ang isang tao... sa bawat pintig ng puso nakakaalala kung sino ang totoong mahal nito. Diba nga sabi nila.. Gamitin ang puso kasama ang isip... Earth, kung mahal ka niya talaga mararamdaman niya kahit wala siyang maalala... kapag hindi man... Hindi ka niya totoong mahal. "
Anong inig niyang sabihin?
" Earth... ako ang tatayong ama ng baby mo"
Sa sinabi nito ay napatadyak ko ng malakas ang pintuan.
" what the hell are you doing here?"
Napatayo naman sina Manang at Dexter.
" Master/ Deimos" Dexter at Manang
" Deimos." banggit niya sa pangalan ko.
" Hindi ba sinabi mo sa phone na nasa Hospital siya.. Kaya andito ako para bantayan siya."
Napatingin naman sila aa hawak kong basket. At maski ako ay napatingin sa hawak ko.
" I brought this for you... but I think you don't need this already."
Hinagis ko sa sulok ang basket. Mukha namang natakot si Gaia sa ginawa ko. Kaya napakapot ito sa lalaki niya.
Shit!..
" Deimos ano ka ba!? Natatakot si Gaia sayo!" Manang
" Let's go Dexter... marami pa tatong gagawin. "
Tumalikod na lang ako at nagsimulang umalis.
Napatigil ako ng banggitin ni Gaia ang...
" Kookie...." may kasamang hikbi ito.
Umiiyak na naman siya. Tsk kasalanan ko na naman...
Gaia pov
Nagising ako na puto puti na naman ang nakikita ko. Dahan dahan akong bumangon.
" Earth... wag ka munang bumangon.."
" Gelo? Anong ginagawa mo dito? "
Nakita ko si Manang na naglalagay ng pagkain sa plato.
" Tumawag ako sayo kanina at iba ang nakasagot sabi niya ay nandito ka daw sa hospital kaya napatakbo ako dito. Kamusta pakiramdam ko? "
" ok na ako Gelo Manang? Dexter? Si Deimos? "
Inaasahan ko kasi na makikita ko ito.
" Nasa bahay ang damuho Gaia... Wag mo muna siyang alalahanin sabi ng Doc ay hindi ka pwedeng ma stress. " Manang
" Mam Gaia... Nagugutom ka na ba? May dala akong mga prutas at pagkain. "
" May dala din akong bake mac.. pwede sayo ito. Niluto ko para sayo. " Gelo
Napakabait naman nila.
" Salamat sa inyo... "
" Mam Gaia...don't worry yung hinahanap ni Master ay nahanap ko na. Pasensya ka na sa ugali ni Master naging halimaw na naman." Dexter
" Wala yun Dexter... "
" Anong wala yun Gaia... Aba'y pinakaba mo ako. Halos nag chill ka na ng sobra... natakot kaya sinigod ka namin ni Deimos dito. "
Napangiti naman ako dahil ang asawa ko pa pala magdala saakin.
" Earth... ok ka pa ba sa bahay ng amo mo? " Gelo
" Gelo... si Deimos ang ama ng pinagbubuntis ni Gaia.... Pero mukhang hindi siya safe sa bahay...nagtratrabaho ka pa bilang katulong, Gusto sana naming sa dati niyang bahay siya umuwi para---"
" Manang ayos lang po ako."
" Earth tama naman si Manang,. hindi nakakabuti sayo ang magtrabaho. Kung gusto mo saakin ka muna tumira... hindi naman kita pababayaan gaya ng ginagawa niya."
" Napakabait mo Gelo.."
" Bakit ka pa kasi nagtitiis sa kanya? Para namang hindi ka niya mahal. " Gelo
" Mahal niya ako....alam kong mahal niya ako. "
" Earth alam mo ba na kapag nawalan ng ala ala ang isang tao... sa bawat pintig ng puso nakakaalala kung sino ang totoong mahal nito. Diba nga sabi nila.. Gamitin ang puso kasama ang isip... Earth, kung mahal ka niya talaga mararamdaman niya kahit wala siyang maalala... kapag hindi man... Hindi ka niya totoong mahal. "
Hindi.. Mahal ako ni kookie..
Naiiyak habang iniisip na hindi ako mahal ng ama ng anak ko.
" Earth... ako ang tatayong ama ng baby mo"
Napatingin naman ako sa kanya.
Ngunit mas lalo kaming nagulat sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan.
" what the hell are you doing here?"
Halos mapatayo sina Manang ay Dexter ng makita si Deimos
" Master/ Deimos" Dexter at Manang
" Deimos." tawag ko sa kanya.
" Hindi ba sinabi mo sa phone na nasa Hospital siya.. Kaya andito ako para bantayan siya." sagot naman nito. Siya ang nakausap ni Gelo?
Napatingin kami sa hawak niyang basket. Binilhan niya ako ng prutas?
" I brought this for you... but I think you don't need this already."
Ngunit hindi ko aasahan na ihahagis lang nito sa gilid.
Natakot ako sa nakita kong mukha ni Deimos.
" Deimos ano ka ba!? Natatakot si Gaia sayo!" Manang
" Let's go Dexter... marami pa tatong gagawin. "
Bakit ka ba ganyan Deimos? Tama kaya sila na hindi mo talaga ako mahal?
" Kookie...." wala sa isip ko ng tawagin ko ito.
Napayakap ako kay Gelo sa sobrang takot. Masakit para saakin ang nakita ko.
" Hindi ko na alam gagawin ko sa batang yan... Gaia.. wag ka ng umiyak nakakasama sa bata. Hayaan mo at pagagalitan ko ito."
" Shhh tahana na Earth..,wag ka ng umiyak. Hindi kita pababayaan ok. Nandito lang kami para sayo." Gelo
Hindi umuwi si Gelo gaya ng sinabi niya saakin kanina. Umuwi si Manang para kumuha ng damit para makauwi na ako.
Nagpapasalamat talaga ako dahil pinapatawa ako ni Gelo nabawasan ng lungkot ang sarili ko.
Pagdating ni Manang ay nagpaalam si Gelo at nangakong babalik bukas para siya ang susundo para iuwi ako.
Nagdebatehan pa namin kung saan ba talaga ako uuwi. Sina Manang at Gelo ay gusto nilang sa kanya ako uuwi,pero pinili ko pa rin mag stay sa bahay ni Deimos.
Pagdating namin.
Nasa Pool area ito at may kausap sa cellphone.
" Earth aalis na ako baka magalit na naman ang asawa mo."
Alam na ni Gelo na asawa ko si Deimos.
"Salamat Gelo."
" Ihahatid ko lang si Gelo... Gaia ha., magpahinga ka muna sa kwarto mo."
" Sige po Manang.. Bye Gelo."
Minabuti ko nalang na pumasok ako sa kwarto para makapag pahinga ng mabuti. Nagulat ako ng may nakita akong Rose sa aking higaan.
Rose? Kanino galing ito?
Inamoy ko ang rose...
Napangiti ako dahil naamoy ko ang pabango ni Deimos
Ikaw ang nagbigay nito saakin kookie?