"Ano ang iyong iniisip? Sabi 'ko na nga ba'y nakikipag laro ka nanaman saakin, itigil mo na 'yan. Halika at samahan mo ako sa ibaba" sabi ng Juan na kapatid pala ni Juaquin- ang orihinal na Juaquin.
Si Juaquin naman ay gulong g**o parin sa nangyayari, hindi nito alam ang gagawin at nag papanic. Hindi niya maiwasang kabahan dahil nag iisa lamang siya sa 1899, wala siyang makaka usap dito about sa kalagayan niya... 'yung matandang nagdala sa kaniya ay wala naman dito.
"Ano? Halika na."
"T-teka saan?" tanong nito na obvious naman na sinabi na kanina. "Sa ibaba, sa pagsasalo nila ama."
Ngayon ay kabado nanaman ang binata "Ah...."
"A-ano bang meron doon?"
"Diniriwang nila ang pahimakas ni Colonel Corazon dahil ito'y lilipad na sa espanya para sa pagpapakasal nito kay binibining Georgina" 'Pahimakas? Ano 'yun? Hindi 'ko gets the heckkkkk'
Nagsimulang maglakad si Juan at agad sinundan ni Juaquin dahil baka mawala siya. "Po? Anong pahimakas?"
"Hindi na kasi makakabalik si Colonel, kaya ginawa na nila itong pahimakas.." 'ANO MUNA 'YUNG PAHIMAKAS? FAREWELL PARTY?'
Tahimik lamang silang naglalakad."Mukhang tahimik ka? Bakit? Dahil ba'y nahuli kita sa iyong laro? Sinabi 'ko naman sayong huwag mo na akong pinaglalaruan hindi ba?"
'Pinagsasabi niya? Hindi 'ko naman siya pinaglalaruan'
"Oh, Juan... kasama mo si Juaquin?" salubong ng presidente. Ngumiti ng pilit si Juaquin. "Isinama 'ko na, para naman hindi ito laging nasa kaniyang silid at nagkukulong" 'Home buddy pala si org Juaquin?'
"Halika ipapakilala kita sa aking amigo."
'Yari' kinakabahang sabi ni Juaquin sa isip.
"Eto si Heneral Agoncillio, si Colonel Pacheco, ang Gobernador heneral Hidalgo at ang mag e-espanya si Colonel Rodrigo Corazon.." 'Hindi ba kilala ng original Juaquin 'to? AY oo nga pala, sabi kanina ng presidente hindi niya pinapakilala ang anak niya dahil mapanganib daw'
"Hello po." bati nito, hindi alam na hindi ito naiintindihan ng mga kalalakihan doon. "Ah, a-anong lenguwahe ang iyong sinambit?" tanong ng isang hindi katandaan na lalaki, ipinakilala itong si Colonel Pacheco.
Nagulat si Juaquin doon at napatingin sa kaniyang kapatid na si Juan. Si Juan naman ay hindi rin alam ang isasagot dahil hindi niya rin maintindihan ang kapatid. "Ah, pasensya na... marunong kasi mag salita ng ingles ang aking hijo kaya siguro minsa'y napag hahalo niya na ang ingles sa tagalog.." Paliwanag ng presidente.
"Ganun ba? Napaka talino naman kung ganoon ang iyong anak, Senyor Presidente... Kinagagalak kitang makilala ginoo" sabi ng Colonel Corazon. "Hehe, kinagagalak 'ko rin po kayo makilala."
Ngumiti si Juaquin sa mga lalaking bumabati sa kaniya. 'Wow, first time 'to ha feeling 'ko famous ako'
Napatingin ito sa isang lalaki na umiinom habang naka tingin sa kaniya. Napatigil si Quin at napa lunok nang titigan siya nito.
Tumingin tingin siya sa paligid para malibang ang sarili at umupo ito. "Hijo, cuántos años tienes por cierto?" Hijo lang ang naintindihan ni Juauqin sa itinanong ni Gobernador Heneral Hidalgo.
"Ah... ayos lang po" sagot nito. Naka kunot noo silang nakatingin kay Juaquin ngayon. "Ah.. Qué quiere decir? Qué quiere decir con que está bien?" tanong ng gobernador heneral. "Anak, ayos ka lang ba?" bulong ng presidente.
"Opo, k-aka-sabi 'ko lang po kanina.." sabi ni Juaquin. Tumingin ito sa paligid na naguguluhan sa kaniya. Nakatingin siya kay Fuentes na tinititigan lamang siya.
"Masama ata ang pakiramdam ng aking anak, hayaan mo. Marami kasi siyang iniisip ngayong araw" napa tango ang mga sundalo. "Pero siya ay Veinticinco ngayon"
"Oh? Hindi nalalayo sa ating batang heneral.." turo nito kay Heneral Fuentes na tahimik na umiinom. "Tama ka.."
"Ah, senyor presidente kailan magiging sundalo ang iyong anak? Para makilala na rin siya ng lahat" sabi ng isang sundalo katabi ni Heneral Fuentes.
"Gusto ni Juaquin maging sundalo ngunit hindi niya pa nais ngayon, hindi ba hijo?" Napatingin si Jauquin at tumango sa sobrang gulat.
'The fvck'
"O-opo"
"Sabi kasi ng aking kapatid, kailangan niya munang pag-aralan si Ama upang sa gayon ay maging magaling siyang sundalo sa hinaharap." sabi ni Juan. "Maganda iyon sa ganon, hindi basta basta ang iyong anak senyor presidente."
Ngumiti ang presidente na parang sinasabing alam 'ko.
"Sigurado magiging magaling na sundalo ang iyong anak sa hinaharap, gaya ng ama"
Tumawa sila at nakitawa rin si Juaquin. 'Hehe, jusko bakit sa lalaking gusto mag sundalo ako sumapi like what the heck ayoko takot ako sa kamatayan tsaka b***l at digmaan? Tangenaaa ayoko na! ayoko na dito ibalik niyo ako sa 2021!!'
Nagpapanic nanaman si Juaquin at hindi alam ang gagawin, gusto niya na kaagad umalis sa taon na ito.
"Kailan mo uumpisahan mag ensayo bilang sundalo?" tanong ng isa pang heneral. "Ah.. h-hindi 'ko po alam."
"Sana'y maging sundalo kana agad, masiyado nang nahihirapan ang ating bansa sa pananakop ng ibang bansa. Kayo ang pag asa ng bayan, sana'y hindi kayo maging duwag pagdating sa kamatayan." Sabi ng Colonel Corazon. "Siyang tunay, bumibigat na ang laban ngayon.. parami na ng parami ang mga laban na natatalo ang pilipino" sabi naman ni Colonel Pacheco.
Tumango ang lahat. "Maraming laban ang natatalo na ang pilipino?" Tanong ni Juaquin.
"Oo ginoo, sigurado naman ako na narinig mo na ang sunod sunod na pagkamatay ng ating mga Heneral hindi ba? Marami na ngayon ang hinihikayat maging sundalo para ipaglaban ang Pilipinas. Mabuti nga ngayon ay tahimik muna, wala masiyadong nangyayaring trahedya" sabi ng Lieutenant Persio Vergarra.
"Ngunit hindi dapat tayo magpakampante roon, lalo na ngayon na kamamatay lamang ni Luna at Agila" sabi ng isa pang sundalo, si Heneral Nicholas Javier.
'Luna? Heneral Luna? Oh shiiiit 1899 nga pala ngayon! Year na namatay si Heneral Antonio Luna pero teka sino 'yung agila?'
"Sino pong agila?"
"Si Goyo" Parang naging statue si Juaquin sa narinig, naririnig niya ang heneral na 'yun noon.
"Kaya pag igihan mo ang pagiging sundalo sa hinaharap, Ginoo. Kailangan namin ng katulad mo na handang lumaban sa Pilipinas. Ngunit sa mga nangyayari ngayon mukhang dadami ang mga kalalakihang aatras sa laban dahil sa takot sa kamatayan" sabi ng isa pang Heneral na hindi na niya kilala ngunit isa ring Colonel.
"Ngunit hindi naman duwag sa kamatayan nag aking anak, handa siyang ipag laban ang bayan na kaniyang sinilangan." tumingin ang Presidente sa anak.
Napa tahimik si Juaquin, naka ramdam siya ng kakaiba... parang lungkot. Hindi niya alam na ang hirap pala sa sinaunang panahon dahil sa pananakop ng mga ibang bansa... sa taon na ito, Amerikano ang sumasalakay sa Pilipinas.
At ang mga kaharap niya ngayon ay mga sundalong lumalaban para sa kanilang bansa- na sa 2021 ay hindi na pinapahalagahan ng mga kabataan.
Aaminin ni Quin na duwag ito sa kamatayan, kaya ayaw niya rito dahil may mga gera na nangyayari sa 1899 at minsan katabi mo lang ang kamatayan. Nakakatakot dito, 'yun ang kaniyang iniisip.
"P-paano niyo po ipinagpapatuloy ang pagiging sundalo.. nang hindi natatakot sa kamatayan?" nagulat ang mga sundalo sa tanong ni Juaquin, maging si Heneral Fuentes na nakatitig lamang kanina.
"Kapag mahal mo ang bayan mo, at alam mo ang ipinaglalaban mo.. hinding hindi ka matatakot itaya ang buhay mo para doon.." lalong nadagdagan ang lungkot ni Juaquin, guilty narin siguro 'to dahil hindi siya minsang nagka interes sa history noon ng Pilipinas.
Puro pasaway lamang siya noon sa kaniyang Ina hanggang sa namatay na ito.
"Wala po ba kayong pamilya na kailangan niyo protektahan? Paano po kung mamatay kayo.. sino na po poprotekta sa kanila?"
"Ginagawa namin ito para sa kanila, at kung mamamatay man kami.. sisiguraduhin naming mamamatay kaming pinoprotektahan ang pamilya namin" sabi ni Tiniente Vergara. Wala ng nasabi si Juaquin.
Iniba na nila ang usapan dahil ayaw ng mga sundalo ang malungkot na usapan, ito ay selebrasyon at kailangan masaya lang. "Ayos ka lang ba?"
Tumango si Juaquin kay Juan. "Gusto mo bang ihatid na kita sa iyong silid?" tumango nalang si Juaquin. Gusto niya rin malaman ang kuwarto niya dahil kanina niya pa ito hinahanap.
Tahimik lang ang dalawang binata habang naglalakad. "Ganoon talaga, Juaquin. Kapag magiging sundalo ka, kailangan mong itaya ang buhay mo. 'Wag kang matakot, bata ka pa."
Napatingin si Juaquin kay Juan. "Alam 'kong, nababahala ka kung magsusundalo ka pa ba. Natatakot ka bang mamatay?"
Kinakabahan si Juaquin, hindi nito alam ang isasagot sa nakakatandang kapatid ng orihinal na Juauqin.
"Alamin mo lang ang iyong pinaglalaban, sa ngayon magpahinga kana. Baka bukas ay maging maayos kana, magandang gabi muli aking kapatid" Ngumiti si Juan at umalis na.
Napa buntong hininga siya nang makitang nasa harap niya na ang kanina niya pang hinahanap, ang kaniyang silid- ang silid ng orihinal na Juaquin.
Pumasok siya roon at namangha sa ganda at linis ng kuwarto, puro libro at pang sulat ang nakikita niya. Maraming halaman at buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa kuwarto at ang lampara nito sa isang lamesa.
Linibot niya ang kuwarto at isa lang ang masasabi niya, napaka ganta. Sa 2021 tatawagin itong vintage, retro or kahit ano pa. Hindi niya alam na ganito pala ang mga kuwarto sa sinaunang panahon.
Nakakatakot nga lang raw ang aparador, pero nang makita niya ang loob nito ay nagandahan siya sa mga naka lagay roon pero tingin niya hindi bagay ang mga sapatos at damit na meron doon. Alam ni Quin na ito ang sinusuot ni Juaquin Marcelo pero para sa kaniya hindi ito bagay.
Nakita niya rin ang mga litrato ni Juaquin Hernandez at masasabi niyang magkamukhang magkamukha nga sila, mas guwapo nga lang daw si Juaquin... sabi niya.
Habang naka tingin sa mga picture frames ay nakarinig ito nang katok sa pinto na ikinagulat niya. "Kulto? Multo?" tumawa si Quin. "Jusko Juaquin, mga babae lang 'yan."
Pumunta siya sa pintuan binuksan ito at napanganga sa nakita niya kung sino ito. Dala ng isang lalaki ang bag ni Juaquin, naka tingin ito sa kaniya. "Nakalimutan mo" nilapit ng lalaki ang bag ni Juaquin dito habang si Juaquin at tulala parin at gulat.
"Heneral Fuentes?"
ANG ISTORYANG ITO AY PAWANG KATHANG-ISIP LAMANG. ANG MGA PANGALAN, TAUHAN, LUGAR AT PANGYAYARI AY BAHAGI LAMANG NG IMAHINASYON NG MAY AKDA. ANG TAGPUAN AT PANAHON SA ISTORYANG ITO AY PANAHON PA NG PANANAKOP NG MGA KASTILA SA PILIPINAS. ANG ILAN SA MGA MAKASAYSAYANG LUGAR AY NABANGGIT DIN SA ISTORYANG ITO UPANG MAGBALIK TANAW SA MGA POOK NA NAGING BAHAGI NA NG ATING KASAYSAYAN. MULI, ANG MGA KAGANAPAN, PANGYAYARI AT TRAHEDYA SA KUWENTONG ITO AY WALANG KINALAMAN AT WALANG KATOTOHANAN. HINDI ITO NASUSULAT SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS.
[Disclaimer] This story was inspired by a movie titled GOYO: THE YOUNG GENERAL and Scarlet Heart Ryeo.
Thank You!