02.
Year 1899..
"Saglit lang bago niyo ako ibigti, nasaan ako? anong araw ngayon? anong taon? sino kayo? s-sino ako?"
Tumigil ang mga kalalakihan para tignan si Juaquin. "Ginoo, hindi namin alam kung ikaw ba ay hibang. "hoy es el primero de julio de dieciocho noventa y nueve"
Ano?
"What? Can you say-"
'Teka, kung nasa 1899 ako.. ibig sabihin purong tagalog at espanyol lang sila dito? hindi nakakaintindi ng ingles?' sabi nito sa kaniyang isip.
"P-paki ulit, hindi 'ko naintindihan."
"Hindi niya naintindihan kapitan, kung pilipino iyan ay marunong dapat siya sa mag-espanyol. Confirmado, isa siyang Amerikano." Linagyan ang mga kamay ni Juaquin ng tali. "Bitawan niyo ako! Tanggalin niyo 'yung tali saakin! Anong gagawin niyo hindi nga ako kalaban!"
Muli siyang hinila ng mga kalalakihan na 'yun. Hindi na naka-palag si Juaquin dahil nasa malalim siyang pag iisip. Bakit parang nag teleport siya? Kanina lamang ay nasa simbahan pa siya.
Bakit nasa luma siyang daanan na may lumang kalendaryo na nagsasabing nasa 1899 siya? Oh baka vintage style lang talaga ang bahay na 'to.
Pero nag sasalita ng espanyol, tsaka kapitan ang tawag sa isang lalaki.
'Nananaginip ba ako? O nababaliw? Ganito ba epekto ng makita ang girlfriend mo na may kasamang iba? Eh?'
"A-anong gagawin niyo sakin? Sino ba kayo?" pagpupumiglas nito ngunit huli na dahil nasa harap na siya ng maraming tao sa isang hindi kalakihang kuwarto.
Ang iba ay nakasuot pang sundalo, ang tatlo naman ay nakasuot na parang.... pang heneral?
'Hindi, gumising ka. Baka nag ro-role play lang 'yan'
"Sino 'yan?" malamig na tanong ng lalaking nasa gitna. "Nakita namin siya sa labas ng campo, tila'y nagmamasid. Ang sabi niya ay nagsisimba lamang siya ngunit napaka layo niya sa simbahan" sabi ng lalaki na tinatawag nilang kapitan.
"Isa pa, Heneral.. Nagsasalita ang ginoo na ito ng Ingles."
"Amerikano?"
"Pero nagsasalita rin ng Tagalog."
"Pilipino?"
"H-hindi namin alam, Heneral." gulong g**o na tinitignan ni Juaquin ang mga tao sa paligid niya.
Ang tinatawag nilang Heneral ay nasa likod ang dalawang kamay habang lumalapit kay Juaquin. "S-sino ka? Lumayo ka! Kayo, sino ba kayo? 'Wag niyo nga ako lapitan! Lumayo kayo sakin."
"Ano ang iyong ngalan?" tanong nito na parang hinid naman interesado. "Bakit 'ko sasabihin sayo?" tumaas ang kilay ng heneral.
"Anong ginagawa mo sa labas ng campo namin?"
"Nagsisimba nga! Nagsisimba lang ako tapos bigla akong hinila ng mga lintek na siraulong lalaki na 'yan. Kapitan kapitan ano ka si spongebob? Tss" iritang sabi ni Juaquin.
"Mag-iingat ka sa pananalita mo, bata. Ang sabi ay nag sasalita ka ng ingles, ikaw ba'y Amerikano?" tanong ng isang lalaki sa likod ng heneral na nasa harap ni Juaquin.
"Mukha ba akong Amerikano ha?" tinaas ng Heneral ang kilay nito. "Bakit pabalang ka sumagot? Hindi mo ata kilala ang mga kinakausap mo"
"Hindi talaga, sino ka ba? Hindi 'ko nga alam kung anong klaseng nilalang kayo. Ano ba kayo? Role players? Ikaw sino rino-role play mo si lapu lapu?" nagtawanan ang mga kalalakihan sa likod ni Heneral. Naiirita na ito sa tali nito sa kamay dahil humihigpit na ito.
"Magsi-tahimik kayo!" sigaw ng lalaking tinutukoy ni Juaquin kanina na si Lapu lapu. "Ang ingay, Heneral. Bitayin na natin."
"Sinong nagpadala sayo dito? Anong ginagawa mo sa campo namin? Espiya ka ba?"
"Walang nagpadala sakin dito, tsaka paulit ulit? Nag sisimba nga lang ako! At hindi ako espiya kaya pakawalan niyo na ako please lang." diyos'ko. "Wala kana bang ibang idadahilan bukod diyan?"
"I'm telling the truth, bakit ako mag dadahilan?"
"Hindi kapani-paniwala ang mga paliwanag mo, ginoo." sabi ng Heneral. "Kasi ayaw niyo maniwala, nag sasabi ako ng totoo kaya paalisin niyo na ako"
'Kung baliw lang ako, inisip 'ko ng nag time travel talaga ako sa sinaunang panahon.'
Ang sabi ni Juaquin sa isip.
"Kung nagsisimba ka lang, bakit nasa labas ka ng campo namin? Eh ang layo ng simbahan sa amin. Sinong sinasamba mo dito? Ako?" sabi ng isa pang lalaki na parang Heneral rin ang suot.
"Napaka pangit mo para sambahin" muling nagtawanan ang mga lalaki. "Bitayin niyo 'yan, walang galang Heneral! Sinabihan ako ng pangit, hindi niya ba alam na paborito ako ng presidente-"
"Tumahimig ka, Vargas" sabi ng isa pang lalaki. "Ginoo, sino ka nga ba talaga?"
"Anong pakay mo dito?" sabi ng isa pang lalaki. Sa dami ng tanonog nila, ni isa walang sinagot si Juaquin.
"Baka kasi hindi na tayo naiintindihan? Diba Amerikano 'yan?" sabi ng isa. "Oo nga, Colonel. Ortega, hindi ba nakakaintindi ka ng ingles? Kausapin mo nga ang Amerikano na 'yan."
"A-ah, the sun is good" nakatingin ang lahat sa sundalo na si Ortega. "Oh anong ibigsabihin non?"
"Ang ganda ng araw" binatukan ng isang sundalo si Ortega. "Wala kang kuwenta, estúpido"
"Ikaw Amerikano kapag hindi ka pa nagsalita pupugutan ka namin ng ulo-"
"Sinong pupugutan ng ulo?" napatingin ang lahat kahit si Juaquin sa lalaki na kakarating lang. Ang suot niya ay parang suot ng mga heneral ngunit mas magara. "P-presidente.." sabi ng Colonel.
"Magandang gabi.." bati ng presidente. Napatingin ito kay Juaquin.
'Presidente? 'Wag niyong sabihing nasa 1899 talaga ako? Nasa sinaunang panahon?' gulong g**o si Juaquin sa mga nakikita niya. "Juaquin? Anong ginagawa mo rito?"
"Kilala mo ang ginoo na 'yan, Presidente?" tanong ng isa pang lalaki. "Teniente, Si Juaquin Marcelo y Hernandez.. Aking pangalawang anak."
Si Juaquin Marcelo y Hernandez.. Aking pangalawang anak.
'ANO?! KAILAN PA NAGING GANUN ANG PANGALAN 'KO?! PANGALAWANG ANAK?! KAILAN PA AKO NAGKAROON NG TATAY- TEKA ANO?! NASAAN BA AKO!? ANONG NANGYAYARI? LORD HELP!'
"A-anak niyo ho pala? Pasensya na, presidente. Si Juan lang ang kilala naming anak niyo." sabi ng isa pang lalaki. "Ayos lang, Colonel. Hindi 'ko rin ibig ipakilala ang aking anak dahil magiging mapanganib ito sa kanila. Ngunit dahil narito naman na si Juaquin.." inakbayan ng Presidente si Juaquin. "Kilalanin niyo narin siya."
"Oh diba sabi 'ko sainyo hindi ako kalaban mas lalong hindi ako Amerikano! Mabait ako kaya pakawalan niyo ako."
"Pakawalan niyo siya" sabi ng Presidente.
'Kung presidente ang tatay 'ko, ibig sabihin makapangyarihan siya? Pero paano nangyari 'yun? Time Travel? Eh?'
"Ganun ba senyor presidente? magandang gabi sayo ginoong Juaquin kinagagalak 'kong makita ka-"
"Kinagagalak eh hinila mo kaya ako tapos tinali! Tignan mo ang higpit." pag iinarte ni Juaquin
"¿En serio?"
"Akala po namin kalaban ang iyong anak, pasensya na."
"Sus, Tinitignan mo nga ako ng masama kanina"
'Hindi naman siguro masama kung i-enjoy 'ko pagiging anak ng presidente kahit sa panaginip diba? Saglit lang naman 'to mamaya gigising na ako'
"Ako? Pasensya." maikling sabi ng Heneral.
'Ayun lang? 'Yun lang sasabihin niya? Wow'
"Hijo, Si Heneral Luthero Fuentes iyan. Magiting na heneral ng Nueva Icija. Normal lang sa kaniya ang mga tinginan na yan, wala ka dapat ika-takot."
'Hindi naman ako natatatakot'
"Bakit nga ba kasi nandito ka anak? Hindi ba kasama mo ang iyong Ina sa simbahan?" may Ina ako?
Biglang naka ramdam ng tuwa si Juaquin nang marinig na may Ina ito sa panahon na 'to. "'Yun nga ang s-sinasabi 'ko sa kanila, A-ama.. N-nawala lang ako."
"Bueno, bumalik kana roon. Hinahanap kana panigurado ni Donya Felicidad.." Felicidad ang pangalan ng nanay 'ko?
"K-kaya nga po, babalik na po ako doon" tumango ang presidente. "Ngunit baka mawala ka nanaman. Heneral, puede acompañar a mi hijo a la iglesia?" gulat na napatingin si Heneral Fuentes sa Presidente Hernandez.
"A-ano ho, Presidente?"
"Ayokong maligaw muli ang aking anak, kaya gusto 'kong samahan mo siya sa Simbahan." kunot noong napatingin si Juaquin sa Presidente na Ama niya raw. "Ha?"
"Sige na, humayo na kayo. Heneral Javier, May pag-uusapan tayo" tumango si Heneral Nicholas Javier.
Nagsimula na maglakad si Heneral Fuentes. "Hindi ka ba... susunod?" tanong nito kay Juaquin.
Sa totoo lang, hindi gusto ni Juaquin ang Fuentes na 'yun. 'Pangit ng aura niya'
Sumunod si Juaquin sa Heneral hanggang sa maka-labas na ito, muli niyang nakita ang kalendaryo kaya lalo siyang napa isip. "H-heneral... Anong.. Anong araw at taon ngayon?"
Hindi siya tinignan ng Heneral na nangunguna sa paglalakad. "Julio uno, dieciocho noventa y nueve"
'Buti nalang naghalo halo na ang lenguwahe ng spanish at tagalog kaya naintindihan 'ko. Julio, ibig sabihin July? Uno... one. July one! dieciocho noventa y nueve... Eighteen.. eighteen ninety nine. Kung ganun... July 1, 1899 ngayon?!'
"Diyos 'ko, Nababaliw na ba ako?" bulong nito sa sarili. "Juaquin!!"
Napatigil sa paglalakad si Juaquin nang may tumawag sa kaniya at nakita ang hindi naman masiyado katandaan na babae. Naka suot ito ng mahabang baro't saya at may bimpo sa kamay.
Tumatakbo ito papunta kay Juaquin. "M-mama..?"
"Juaquin!Dios mío! Saan ka ba nag tungo, Mi hijo? Bigla kang nawala sa aking paningin sa gitna ng misa. At- Heneral Luthero Fuentes?"
Nag bow ang Heneral at nagmano sa babae na si Felicidad- ang Ina raw ni Juaquin sa panahon na ito. "Magandang gabi, Doña Felicidad. Hinatid 'ko lamang si Ginoong Juaquin dahil siya'y naligaw kanina. Ako ho ay inutusan ng Mahal na Presidente" tumango ang Doña Felicidad.
"Marami salamat kung ganoon" Ngumiti si Doña Felicidad. "Mauuna na po ako."
"Sí, Maraming salamat" Nang maka alis ang Heneral ay tinignan ni Doña Felicidad ang anak nitong ngayon ay lumuluha na. " Mi hijo? Bakit ka tumatangis? Ha? Halika.." yinakap ni Doña Felicidad ang kaniyang anak.
Hindi napigilan ni Juaquin na yakapin ang babaeng si Doña Felicidad na kamukhang kamukha ng nanay nitong si Juava.
"M-ma.." lalong hinigpitan ni Juaquin ang yakap kay Felicidad "N-namiss po kita.."
Kahit hindi maintindihan ni Doña Felicidad ang sinasabi ng anak ay yinakap niya parin ito. "Anong problema, Anak? Bakit ka tumatangis?"
"W-wala naman po, akala 'ko lang hindi 'ko na kayo muling makikita" Simula nang mamatay ang Ina ni Juaquin ay inakala niyang hindi na niya muli ito makikita. Kaya sobra ang saya nito nang makita ang Ina kahit alam niyang hindi ito ang totoo niyang Ina.
"Nawala lang kita saglit ay umiiyak kana? Huwag mong sabihing bumabalik ka sa pagkabata?" biro ng ina at muling yinakap ang anak.
"Ba-bakit ganiyan ang suot mo, ma-" napatigil siya nang maalalang nasa panaginip siya. Nasa 1899 siya. "Anong suot? Anong ibig mong sabihin?"
"W-wala ma- Ina, wala."
"Ikaw nga ang dapat 'kong tanungin tungkol diyan sa kausuotan mo.. ano ba iyan? Saan 'yan galing? at.. ano 'yan?" turo nito sa bag ni Juaquin. "Ah wala po 'yan, Ina.. Renegalo lang. Pati itong damit, nabasa po kasi ako kanina." Tumango si Doña Felicidad
"O-siya, halika na pumasok na tayo." Tumango si Juaquin at sinundan ang Ina. Marami siyang nakikitang mga babae na naka baro't saya at mga lalaki na naka barong.
Kita niya ang pagiging mahinhin ng mga babae, para silang maria clara. "Ang ga-ganda nila.." bulong ni Juaquin. Pasimple namang napangiti si Doña Felicidad.
Pinagmasdan niya ang simbahan na pinasok nila, para itong simbahan na pinuntahan nila magkakapatid pero medyo maliit ito at makaluma ang kagamitan.
Pero para talaga itong simbahan na pinuntahan nila. Nasaan nga ba talaga si Juaquin? Sino si Juaquin Marcelo y Hernandez? Sino ang ama niya na presidente raw? Sino ang Ina niya kamukhang kamukha ng nanay nito?
Anong nangyrai sa kaniya sa gitna ng misa kanina?
Nagising si Juaquin sa realidad nang may marinig siyang malakas na bell, sa pagtingin sa paligid ay nakita niya muli ang matandang babae na nakita niya sa Simbahan. "Anak, halika lumuhod tayo-"
"Saglit lang, mama" taang taka si Doña Felicidad nang makitang tumakbo ang anak patungo sa matandang babae. Hindi niya napigilan o nahabol ang anak sa sobrang bilis nito.
Hinabol nang hinabol ni Juaquin ang matandang babae na 'yun, tumatakbo rin ang Matandang babae na parang ayaw magpa kausap pero kusa silang tumigil dalawa nang nasa harap na nila ang malaking orasan na nakita ni Juaquin.
"Lola, bago ako mapunta sa kakaibang mundo na 'to ikaw ang huling nakita 'ko.. anong ginawa mo? A-ano ka? S-sino ka?" tanong nito. Tumingin ang matanda sa kaniya. "Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?"
"H-hindi po. Naguguluhan ako, nasaan ako? Bakit parang napunta ako sa kakaibang mundo?" tanong ni Juaquin. "Saan ang huling lugar na pinuntahan mo?"
"Sa simbahan, nakita rin kita doon."
"Nandito ka parin sa simbahan.." gulong g**o si Juaquin "A-ano po? Anong ibig niyong sabihin?"
"Nandito ka parin sa simbahan, same place but different time.." ipinakita niya ang orasan kay Juaquin. "Nasa sinaunang panahon ka, 1899.." naguguluhan parin si Juaquin.
"P-po? Paanong.. sinasabi niyo po bang nag time travel ako?" tumango ang matanda. "Haha! Joker ka po ba? May talent po kayo sa comedy-" napatigil ito nang makita ang matanda na seryoso.
"Nalilito po ako, Anong... paki explain po bago pa ako mabaliw."
"Ano ang huli 'kong sinabi bago ka mapunta sa panahon na ito?" inisip ni Juaquin ang huling sinabi ng matandang babae bago ito mapunta sa panahon na ito.
"Sa panahon na hiniling mo, may tao ring humiling na katulad ng hiniling mo. Parehong hiling, parehong mukha, parehong pangalan sa hindi magkaparehong panahon."
Napa tigil si Juaquin. "Ngayon mo sabihin kung ano ang hiniling mo."
"Hiniling 'ko na sana mapunta ako sa ibang panahon na may kababaihan na makakaintindi saakin hindi katulad ni Ally.."
"Tinupad 'ko ang iyong hiling." natulala si Juaquin nang marealize niya ang lahat. "A-ano po ba kayo?"
"Sabihin nalang natin na... taga bigay ako ng mga hinihiling ng mga tao." natahimik si Juaquin.
"Makakabalik pa po ba ako?"
"Gusto mo na ba bumalik?" hindi alam ni Quin ang isasagot niya, gusto niyang manatili dito dahil nandito ang kaniyang Ina ngunit natatakot naman siya dito. "H-hindi 'ko po alam."
"Nakita mo ako noon hindi ba? Sa simbahan rin habang nag dadasal ka. Narinig 'ko ang hiling mo." inalala ni Juaquin ang mga hiniling niya nang araw na 'yun. Baka kung ano ang hiniling niya.
Kung pwede lang Lord, makapunta ako sa sinaunang panahon tapos hahanap ako ng binibini doon tapos dadalhin 'ko siya sa future.
O hindi kaya mag time travel nalang ako tapos pumunta ako sa nakaraan, pwede ring hindi na ako bumalik.
Joke lang, ayoko nakakatakot baka hindi na talaga ako makabalik sa future. Kahit one day lang ako sa sinaunang panahon. Para maranasan 'ko naman mahalin ng isang binibini na mabait at understanding.
"Ano pong meron doon?"
"Mararanasan mo ang mga bagay na hiniling mo, pero hindi gaya ng sinabi mong one day lang." lumaki ang mata ni Juaquin sa sinabi ng matanda. "Ano? Pero gusto 'ko na po bumalik sa future! Ayoko ma stuck dito."
"Ayaw mo ba makasama ang iyong Ina?"
"G-gusto.. pero, hindi 'ko kakayanin dito. 'Yung mga kapatid 'ko.. si Allyssa" hindi alam ni Juaquin ang gagawin niya, gusto niya dito dahil narito ang Ina niya pero ayaw niyang ma stuck dito halong takot at pangamba ang nararamdaman niya.
"Hindi ka kasi nakikinig sa sinasabi ng iba, mag-ingat ka sa mga hinihiling mo."
"Nadala lang po ako ng damdamin 'ko nun." umiling ang matandang babae. "Tapos na, Juaquin. Nahiling mo na. Ngayon, ikaw na si Juaquin Marcelo y Hernandez. Anak ni Doña Felicidad Marcela Villanueva y Mercado Hernandez at Presidente Vincento Romero Hernandez. Pangalawa sa magkakapatid na Hernandez."
Halos maiyak na si Juaquin. "Lola... ayoko dito, nakakatakot dito, ibalik niyo ako sa 2021.. ayoko dito.. please."
"Hindi na puwede, Juaquin. You need to accept the fact that you're Juaquin Marcelo y Hernandez now-"
"Teka ibig-sabihin ba nito nasa katawan ako ng ibang tao sa sinaunang panahon? Parang sapi sapi ganoon?" umiling ang matanda. "'Yan... ay iyong katawan, 'yan lang ang bagay na pag aari mo sa oras na 'to."
"Lola, ayoko po talaga dito kahit nandito ang nanay 'ko. Natatakot ako dito, diba puro digmaan dito tapos p*****n? Lola... a-ayoko.. ang saya saya ng buhay 'ko sa 2021 tapos mapupunta ako dito sa 1899?"
"Kaya nga diba may kasabihan na mag ingat ka sa mga hihilingin mo? Kaya kailangan mo mag survive dito."
"Sigurado po ba kayong hindi kayo nag bibiro? Baka naman nananaginip lang ako? Linilinlang niyo ako diba meron non mga fairy sa dreams tapos may mga masasama-"
"Hindi 'ko inaasahang ganito ka kaingay, Juaquin. Nakakahilo ka, hindi ako nagbibiro. Mukha ka bang nananaginip? Totoo ito. Totoong totoo. Nandito ka sa panahon na kalaban ng mga Pilipino ang mga Amerikano."
"Lola gusto 'ko na bumalik, paano ako makakabalik?"
"Misyon, isang misyon." Misyon? "Anong misyon?"
"Hindi ba't sinabi mong kailangan mo ng tao na makakaintindi sayo hindi katulad ng girlfriend mong si Ally? Kailangan mo mahanap ang tao na makakaintindi sayo gaya ng gusto mo, sa oras na mahanap mo siya ay kailangan mailigtas mo siya sa kamatayan. Gaya ng sabi mo, puro digmaan at p*****n dito. Kailangan niyang hindi mamatay."
'Ano?'
"Pero lola, sigurado akong maraming makaka intindi saakin dito.."
"Marami nga, pero iba ang pakiramdam kapag nasa tamang tao ka. Kaya kailangan mo mahanap ang tamang tao na iyong hiniling.."
"A-ang... ang hirap"
"Walang mahirap kung gugustuhin mo, kapag nahanap mo ang taong makakaintindi sayo hahayaan mo ba siyang mawala sayo? Siyempre ililigtas mo siya kahit nakataya pa man ang buhay mo. Kailangan niyong mag survive dalawa para makabalik ka sa future" 'Teka ang g**o'
"Tama ka, may point ka nga po. Pero kung mahahanap 'ko ang tao na 'yun, hindi ba ako masasaktan na iwan siya dito at bumalik sa future? Sabi niyo siya ang makakaintindi saakin... hahanap hanapin 'ko siya sigurado sa future."
Old lady shrug. "Hindi 'ko na alam sayo, ang sinabi mo lang naman ay taong makakaintindi sayo... hindi ang taong mamahalin mo" napaka kunot noo si Juaquin pero tumango ito nang maintindihan niya.
"Oo nga, pwede 'ko naman mahanap 'yun siguro sa kaibigan 'ko diba? sa kapatid? sa pinsan? sa magulang etc diba? Why I did not think of that?" tumango ang matandang babae. Tumawa si Juaquin.
"Ipinapaalala 'ko lang sayo, kailangan mo siya iligtas sa kamatayan."
"Paano 'ko po malalaman 'kung siya na nga po talaga ang misyon 'ko? Na siya na nga talaga ang kailangan 'ko iligtas?" tanong ni Quin. "Mararamdaman mo, Juaquin."
"Paano po kung magkamali ako? Paano kung hindi 'ko siya maligtas sa kamatayan? Pano kung hindi ako maka survive? Paano kung mamatay siya? Wala po ba kayong clue?"
"Walang nagkakamali sa nararamdaman, Juaquin at kapag hindi mo siya naligtas... dito kana habang buhay hanggang sa mamatay ka. At kung mamatay ka dito, edi mamamatay ka. Mamamatay kana rin sa hinaharap. That's why you need to survive." Bumuntong hininga si Juaquin. "At hindi ako diyos para malaman kung sino ang tao na hiniling mo, hindi 'ko nga alam kung babae o lalaki, bata o matanda eh. Hawak mo ang tadhana... "
"Gusto 'ko na umalis dito, pero pakiramdam 'ko matagal pa bago ako makabalik.. Wala na po bang mas mabilis na paraan para maka balik ako? Mag wish nalang kaya ulit ako?"
Umiling iling ang matanda na parang nang aasar. "Hindi puwede. Kailangan mo maranasan ang hiniling mo."
"Ugh... Lola please" umiiling lang ng umiiling ang matandang babae. "JUAQUIN! HIJO!" Tumingin si Quin sa Ina niyang papalapit sa kaniya. "Lola, puwede magtanong?"
"Nagtatanong kana" Quin sighed. "Bakit kamukha ng nanay 'ko ang nanay ng Juaquin Marcelo keme na 'yun?"
"Let's just say... this is her past life." Huh?! "Does it mean... past life 'ko rin ito?"
"Porket past life ng nanay mo, past life mo rin? Ano 'yun? Mother and son kayo forever?"
"So hindi?"
"Hindi... 'ko alam, pag igihan mo Juaquin. For now, bye-"
"Teka saan ka pupunta lola? Kailangan kita dito-"
"Hindi mo ako kailangan dito."
"Kailangan kita lola! I need a guide, I need someone to guide me, Wala akong kaalam alam sa sinaunang panahon, LOLA-" Bigla nalang naglaho ang matandang babae. "Hindi 'ko manlang nalaman pangalan niya, ugh! Paano na ako ngayon?!"
'Pinapasadyos 'ko nalang'
"Anak, Juaquin.. Bakit ka narito? Bakit ka biglang umalis? Sinong kausap mo dito?" Napa singhap si Juaquin. 'If only doña Felicidad knew that I was not the real Juaquin that her son'
'Pero, past life ni mama 'to that means she's still my mom- I'm still the Juaquin that her son. She's still my mother.'
"W-wala po ma- Ina. Pasensya na po, parang may kakilala lang po ako na dumaan, hindi pala." Tumango siya. "Osige, ayos lang. Nasa ilabas na ang iyong Ama, halikana at uuwi na tayo"
"Ina..." gustong tanungin ni Juaquin kung saan ang tirahan nila pero baka mapaisip si doña Felicidad kung bakit hindi alam ng sarili niyang anak ang tirahan nila. "Hmm?"
"Te quiero.." 'Yan lang ang salitang alam ni Juaquin sa spanish dahil ni minsan ay hindi niya pinag aralan ang spanish.
Napangiti si doña Felicidad. "Mahal rin kita, Anak 'ko."
'Ang tagal 'kong hindi narinig ang I love you mula sa mama 'ko.. I missed her so much'
"Halika na." 'Baka si Ina ang taong makaka-intindi saakin at ililigtas 'ko..'
Sabay si Juaquin at doña Felicidad sa paglakad palabas. Ikinukwento ni doña Felicidad ang nangyari sa misa kanina dahil wala si Juaquin at tango lang ng tango si Juaquin dahil pinagmamasdan niya ang mukha ng kaniyang ina na matagal niya nang hindi nakikita.
Sobrang saya ni Juaquin na makita muli ang kaniyang Ina kahit pa sa ibang panahon, kaso ang masakit lang ay aalis din si Juaquin sa oras na mahanap niya na ang taong hiniling niya. Gusto niya pang manatili dito pero alam niyang hindi niya kakayanin.
Mahirap ang pamumuhay sa sinaunang panahon, alam 'yun ni Juaquin. At natatakot siya dito, hindi niya alam ang tadhana niya sa panahon na ito. Kahit pa ay natatakot ay binalewala niya ito.
'I need to survive, find the person who can understand me and protect her.....or him?'
"Juaquin, Mi hijo. Kamusta ang misa?" salubong sa kaniya ng Presidente sa harap ng isang kalesa.
Hindi makapaniwala si Juaquin na ang tatay niya ay isang presidente ng Pilipinas, siguro ay sobrang yaman nila at ginagalang ng lahat. Hindi ito pinangarap ni Juaquin pero ibinigay ito. Grabe, hindi parin siya maka paniwala.
"Laging nawawala ang batang iyan, Mahal 'ko."
Tumawa ang mag-asawa."Oo nga, napag kamalan nga siyang kalaban ng mga sundalo kanina. Muntik pa siyang pugutan ng ulo ng mga Heneral." naki-tawa narin si Juaquin.
"Napaka pasaway na bata talaga."
"Hayaan mo na, unang beses palamang niya dito Tondo kaya hindi niya pa alam ang mga lugar dito. Mabuti nalang at hinatid siya ni Fuentes kanina" tumango si doña Felicidad. "Nagpasalamat nga ako sa Heneral kanina."
'Kung past life ito ni mama, past life rin kaya 'to ng tatay 'ko? Ganito ba mukha ng tatay 'ko? Pero kung past life ito ni mama pero hindi 'ko to past life hindi rin imposible na hindi tatay 'ko 'to'
Naka tingin lang si Juaquin sa mga magulang nito. Hindi niya alam na ganito pala kaganda ang pagsasamahan ng magulang ng orihinal na Juaquin.
"Bakit naka tingin ka sa kawalan? Namaligno ka ba?" tumawa ang presidente. "H-hindi po... Ama."
"O siya, halika na at malalim na ang gabi."
Sumakay sila sa kalesa at nagkuwentuhan ang mag asawa. Si Juaquin ay tahimik lang dahil wala naman siyang ma iku-kuwento tsaka masiyadong malalim mag tagalog ang mga magulang niya, minsan ay nag e-espanyol pa. Anong alam niya doon?
"Oo nga pala, Anak.. Nag i-ingles ka raw kanina kaya napagkamalan kang Amerikano, saan mo natutunan iyan? Wala akong naalalang nag aral ka ng ingles" tanong ng Ama.
'Pano 'to?'
"Ah.. ano po.. may nababasa lang ako sa libro tapos natututunan 'ko kaya 'yun po.." ipinag dadasal ni Quin na sana effective.
"Kaya naman pala, ang laking tulong ng mga librong binabasa mo sayo. Lalo kang tumatalino" sabi ng Ama nito at ngumiti nalang siya. "Minsan ay turuan mo nga ako, o ipabasa mo rin saakin ang mga binabasa mo" sabi ng Presidente.
"S-sige po, sa susunod" kabadong sabi ni Juaquin.
'Buti nalang mahilig mag basa 'yung original na Juaquin'
Nakita ni Juaquin kung gaano kaganda ang Tondo noong sinaunang panahon. Iba na kasi ito sa 2021. Ang ganda.
Hindi alam ni Quin na ganito pala kaganda ang tondo noon kahit madilim na. Ang sarap pa ng simoy ng hangin, walang polusyon.
"Ang ganda pala ng Tondo.." bulong nito at nagulat nang marinig siya ng Presidente. "Oo, hindi ba't napaka ganda at presko?"
Tumango si Juaquin. Hindi mapigilang mamangha ni Quin sa mga nakikita, hindi parin makapaniwala ang binata na nasa 1899 siya.
Ngayon ay nakikita, nahahawakan at nakakausap niya pa ang presidente ng Pilipinas at ang nanay nitong namayapa na.
'Hindi 'ko alam na totoo pala ang time travel'
Bumaba sila sa hindi kalakihan pero hindi rin kaliitan na bahay. Sakto lang.
Sinalubong sila ng mga sundalo at mga kababaihan na hanggang maka pasok sila ay sinundan sila. Nag hapunan na raw sila kanina sa simbahan kaya hindi na sila kumain pa.
"Tengo visitas, mi amor. Tú y Juaquín pueden descansar ahora." I have visitors, my love. You and Juaquin can rest now.
Tumango si doña Felicidad. "Magpapahinga na ako, Mag pahinga kana rin Juaquin." tumango rin si Juaquin kahit hindi niya alam kung saan siya magpapahinga. "Tutungo na ako saaking silid, tumungo ka narin sa iyong silid.. magpahinga kana ha? May pupuntahan pa tayo bukas." Sabi ng Ina tsaka hinalikan sa noo ang anak at umakyat na.
Silid? Hindi alam ni Juaquin ang silid niya. Gusto niyang magtanong pero baka mapaisip ang nanay niya. "Hahanapin 'ko nalang" bulong nito.
Umakyat siya sa unang palapag ng bahay at puro mga kababaihan lang ang naroon. "Ohh.." bulong nito.
'Hindi 'ko alam na ganito kaganda ang mga babae noong sinaunang panahon'
Ngumiti siya pero agad na sinampal ang sarili. 'May girlfriend ka, Juaquin 'wag kang ganiyan'
Dere-deretso lamang siyang naglalakad at nahihirapan hanapin ang kuwarto niya sa dami ng kuwarto ng bahay. Lahat ng mga babae ay nagbibigay galang kay Juaquin.
"Weird, akward... ih" bulong nito.
Napadpad si Juaquin sa isang hallway na wala na masiyadong tao. Litong lito ito kung saan ang kaniyang kuwarto.
"Bakit kasi ang daming kuwarto ng bahay na 'to? Wala manlang sign na 'President and wife room' 'Son room' ganun, ano ba 'yan. Aabutin ako ng magdamag nito kakahanap ng kuwarto 'ko—"
Dahil ka daldalan ay nabangga si Juaquin sa isang lalaki, kasing tangkad nito pero mas makisig ang pangangatawan.
"Aray" bulong nito. Napatingin ang lalaking naka bangga niya. "Sorry heneral, sorry" napakunot noo si Heneral Fuentes dahil sa sinabi ni Juaquin.
"Nabunggo ba kita?" tanong ng heneral. "Po? Ah hindi 'ko po alam."
Lalong naguluhan si Heneral Fuentes. "Ano? Ika'y aking tinatanong, nabunggo ba kita?" tanong muli ng binata dahil baka hindi lang siya narinig ni Juaquin.
"Hi-hindi 'ko po alam, baka po ako naka bunggo sayo" kunot noo lamang siyang naka tingin sa anak ng presidente. "Ayos ka lang?"
"Opo, hindi naman masiyado masakit pagka bangga-"
"Naka inom ka ba ng alak, ginoo? Anong sinasabi mo- ah- ayos ka lang ba talaga?" si Juaquin naman ngayon ang naguguluhan. "Ha?"
Nagkatinginan nalang silang dalawa dahil hindi nila maintindihan ang isa't isa. "I didn't get you Heneral.. ay-"
Gusto sabihin ni Heneral Luthero na hindi niya naiintindihan si Juaquin. "Hindi kita maunawan, maligno ka ba?"
'Uso ba ang salitang maligno sa sinaunang panahon? What the hell kung hindi namamaligno, sinasabihan akong maligno... the heck'
"Eh?"
"Pasensya na pero nagmamadali ako.." linagpasan nito si Juaquin at dali daling bumaba ng hagdan.
Nakatingin lang si Juaquin sa batang heneral. "Ang weird ha, siya ata maligno saamin eh"
Juaquin ay rolled his eyes. "Hmp."
Dere deretso lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa pinaka dulo ng hallway. "Saan ang kuwarto ng Juaquin Marcelo na'yon."
Nang may makita siyang isa pang lalaki ay pinuntahan niya ito. May pagka masungit ang mukha ng binata pero linapitan niya parin.
"Hey what's up, alam mo ba kung saan 'yung kuwarto ni— 'ko? Kuwarto 'ko?" Tanong ni Juaquin.
Gaya ni Heneral Fuentes ay naka kunot ang noo ng lalaki. "Ah- ano kasi... Nakalimutan 'ko lang alam mo na naman stress ako maraming gawain ganun—"
"Anong pinagsasabi mo Juaquin?"
"Oh, you know me pala! Sabi 'ko nga, alam mo ba nasaan kuwarto 'ko?"
"Kailan ka pa natuto magsalita ng lenguwahe ng mga dayuhan? At nasaan na ang iyong pag galang?"
"Ah... Opo" shush, nakalimutan 'kong nasa alien world pala ako este nasa sinaunang panahon.
"At ano iyang suot mo? Saang parte ng Pilipinas ka nang galing? At ano ang iyong itinanong? Saan ang iyong kuwarto? Ikaw ba'y nahihibang na?"
Napalunok si Juaquin sa tanong ng binata, kinakabahan siya dahil baka kung sino ito. Masiyadong masungit ang mukha, natatakot siya.
"Ah.. ano po kasi, w-wala—"
"Ikaw ba ay may sakit?" Hinawakan ng binata ang noo ni Juaquin. "Ha?! Wala po-"
"Ginoong Juan, pasensya ho sa abala ngunit kayo po ay ipinapatawag ni senyor presidente." singit ng isang dalaga. "Sige, saglit lamang.. sabihin mo kay ama" tumango ang babae tsaka umalis na.
"A-ama? sinong ama mo?"
"Sigurado ka bang wala kang sakit? ano ang iyong sinasabi?" tanong ng lalaking si Juan. "Wala po akong sakit pero.. sinong tatay mo? Ang senyor presidente? That means... kapatid kita?"
Gulong g**o ang lalaki kay Juaquin. "Juaquin? Ikaw ba'y nakikipag laro saakin? Ano nanaman ito?"
'Shet, may kapatid ako sa sinaunang panahon- teka nasabi na 'yan kanina eh. Pangalawa ako- ang original Juaquin sa magkakapatid na Hernandez... so that means may isa pa akong kapatid dito? The heck'
"Ano ang iyong iniisip? Sabi 'ko na nga ba'y nakikipag laro ka nanaman saakin, itigil mo na 'yan. Halika at samahan mo ako sa ibaba" sabi ng Juan na kapatid pala ni Juaquin- ang orihinal na Juaquin.
Si Juaquin naman ay gulong g**o parin sa nangyayari, hindi nito alam ang gagawin at nag papanic. Hindi niya maiwasang kabahan dahil nag iisa lamang siya sa 1899, wala siyang makaka usap dito about sa kalagayan niya... 'yung matandang nagdala sa kaniya ay wala naman dito.
"Ano? Halika na."
"T-teka saan?" tanong nito na obvious naman na sinabi na kanina. "Sa ibaba, sa pagsasalo nila ama."
Ngayon ay kabado nanaman ang binata "Ah...."
ITUTULOY...