Kabanata 1

3094 Words
01. Year 2021... "Kain tayo kuya" sabi ni Juliana. "Ikaw nalang, may ginagawa ako." Sumilip ang nakababatang kapatid ni Juaquin na si Juliana sa ginagawa nito. "Stress much?" "Hmm." "Dali na kasi, kain na tayo. Mag ga-gabi na. Pano mo magagawa 'yang sinusulat mo kung walang laman tiyan mo?" Tumabi si Juliana kay Juaquin. "Anong connect nang tiyan sa utak, Juli?" Juliana pouted. "Tss, bahala ka. Gugutumin ka diyan." "Kailangan 'ko tapusin 'to, sila kuya nalang yayain mo o hindi kaya sila Josiah" "Ayan kasi, pasaway pa. Tambak tuloy gawain mo" umalis na si Juliana sa kuwarto ni Juaquin. Limang oras na ginagawa ni Juaquin ang mga ipapasa nitong assignment sa lunes. Masiyado itong marami kaya hindi na halos siya kumakain o umiihi. Hindi niya narin napapansin ang mga tawag at mensahe sa kaniya ng girlfriend niya. "Ugh, hayop na 'yan" bulong nito nang magkamali ito sa kaniyang sinusulat. Kinuha niya ang cellphone nito at tinignan kung gaano karami ang messages ng girlfriend niya. "Tss." Hindi niya ito pinansin. I don't want distraction. Sabi nito sa kaniyang isip. Nakatanggap naman siya ng mensahe sa kaniyang prof about sa reporting nito sa lunes. Kailangan nito bumili ng materials na gagamitin, He's studying for Architecture. Napasabunot nalamang siya dahil sa sunod sunod na gawain, isang linggo na 'tong stress at hindi na halos makausap sa sobrang focus. Alas-siyete ng gabi natapos ni Juaquin ang gawain nito at tumayo para pumunta sa NBS para bumili ng mga materials na kakailanganin niya. "Kuya, pahiram ako ng motor" sabi nito sa panganay nitong kapatid, si Julius. "Saan ka pupunta?" "Sa NBS, bibili lang ng mga kailangan 'ko sa Monday." "'Ge, ingatan mo 'yan." Tumango si Juaquin. At pumunta na ng NBS para bumili ng kakailanganin nito. Masiyado itong marami kaya tatlong paper bag ang dala nito. "Ah, s**t" bulong nito nang may nakabangga itong matandang babae. Nahulog ang mga gamit ni Juaquin kaya agad niya itong pinulot at linagay sa gilid para tulungan ang matanda na hirap kuhain ang mga prutas na pinamili. "Ayos lang po kayo?" "Oo iho, pasensya na ha? Malabo ng ang paningin 'ko. Hindi kita nakita" tumango lang si Juaquin. "Ayos lang po" Tinulungan niya tumayo ang matanda "Mag iingat po kayo" ngumiti ang matanda dito. "Salamat" Nang maka alis ang matanda ay kinuha na ni Juaquin ang mga pinamili nito at pumunta sa kaniyang motor nang may sumigaw sa kaniya. "QUIN!!" Paglingon nito ay sampal ang naramdaman nito. "Aw! Anong problema mo, Allyssa?" "I've been calling you several times! Are you ignoring me?!" "Ano?" Hinila ni Juaquin si Ally sa lugar kung saan hindi matao. "Bitawan mo ako!" "Why do you have to slap me infront of many people?" "At bakit hindi? You're embarrassed?" "Tumigil ka nga!" Allyssa chukled. "What's happening to you huh? You're ignoring me since last week." "I'm not ignoring you, busy ako." "Busy saan? Sa lintek na pag aaral na 'yan?" Inis na tanong ni Allyssa. Highschool palang si Ally kaya hindi niya pa naiintindihan kung gaano ka hirap ang pagaaral sa college na halos mabaliw kana sa kakaisip at hindi na pansinin ang mga bagay bagay. "Siyempre, pag-aaral 'yun. Ally, mahalaga 'to anong gusto mo pabayaan 'ko para lang mag laan ng oras sayo?" "Hindi ba pwedeng sabay, Quin?" "Isa lang ako, Ally. Ang hirap hirap mag aral tapos may mga kapatid ka pa na iintindihin gusto mo isabay kita?" Sinamaan ng tingin ni Allyssa si Juaquin. "As if I'm distraction? Who am I, Quin? Girlfriend mo!" Kumunot ang noo ni Juaquin. "Ano- wala akong sinasabing distraction ka!" "You didn't say it, you made me feel it" "Ally, c'mon. Give me time for my study, graduating na ako. Intindihin mo naman na mas kailangan 'ko ng oras sa pagaaral 'ko keysa sayo-" Nagulat si Juaquin nang kunin ni Allyssa ang mga pinamili nito at tinapon sa lapag. "Dahil sa pag aaral na 'yan wala kanang oras sakin! I'm you're girlfriend for a reason! You're time should be always mine-" "Hindi lahat ng oras 'ko dapat sayo, be understanding naman! Open your mind!" "I'm open minded! You're just too much, hindi 'to ang unang beses." Inapakan ni Ally ang mga pinamili ni Juaquin sa sobrang inis dito. "Ally, I need that! Stop-" sinampal siya ni Allyssa. "Wala kang kuwenta maging boyfriend!" Gustong sigawan ni Quin si Allyssa, gusto niyang magpaliwanag pero nahihirapan siya dahil alam niyang ang hirap. Ang hirap mag explain sa taong hindi pa mature ang pag isiip. "You're always thinking about yourself!" "Ikaw, ikaw ang iniisip lang ang sarili. Hindi ako, hindi ako Ally" "AGH!" Nagwala si Ally at hindi alam ni Quin ang gagawin, ang hirap makipag sabayan kay Allyssa. Kung hindi lang kita mahal, iniwan na kita. Maraming nagsasabi kay Juaquin na iwanan na si Allyssa dahil sa nakakainis nitong ugali. Magkaibang magkaiba si Ally at Juaquin. Masiyado pang bata ang pag iisip ni Ally, napaka selosa at gusto niya lahat ng oras mo nasa kaniya. Hindi pa marunong umintindi si Allysa, kung anong gusto niya yun ang mangyayari. In other way, hindi sila magka-match ni Juaquin. Pero dahil sa pagmamahal ni Juaquin kay Ally, hindi niya ito maiwanan kahit minsa'y napapagod na'to kay Allyssa. "Don't you ever talk to me again, fix your self first!" Sigaw nito tsaka iniwanan si Juaquin na hindi alam ang gagawin sa mga pinamili na tinapon ni Allyssa. "Lintek talaga, agh." Inayos niya nalang ang mga gamit at linagay sa likod ng motor tsaka umalis na. Ngayon, dala-dalawa ang iniisip niya. Ang mga gawain niya sa school at si Allyssa. "Nakakapagod." Bulong nito sa sarili. Napadaan ito sa lumang simbahan malapit sa palengke. Hindi pa linggo ngayon kaya wala masiyadong tao sa simbahan. Napag-pasiyahan ni Juaquin na pumunta muna sa simabahan bago umuwi. Nakatayo lamang siya sa hardin ng simbahan, naka-tingin sa malaking krus na nasa loob ng simbahan. 'Lord, napapagod na ako. Napapagod na ako sa mga gawain 'ko sa eskuwelahan at sa bahay.. napapagod pa ako intindihin si Allyssa. Mahal 'ko naman siya, sobra. Siya ang tinuring 'kong mundo at sandalan nang mamatay si mama. Sobra 'ko siyang minahal at iningatan, inintindi 'ko siya. Pero nakakaramdam ako ng pagkakamali sa sarili 'ko, napapagod na ako sa kaniya. Hindi 'ko sinasabing nagsasawa na ako pero nakakapagod na Lord, parang hindi 'ko na siya kaya. Parang napagod na ako kakaintindi sa kaniya. Mahal 'ko parin naman na siya, pero parang nagbabago na siya. Hindi 'ko alam Lord. Minsan parang gusto 'ko nalang hilingin na sana 'yung mga babae ngayon ay katulad ng mga babae noong sinaunang panahon. 'Yung mga matured na mag isip kahit bata palang, understanding at mababait. Mabait naman si Ally pero iba parin kapag mabait kana, understanding ka pa. I just need someone like that, I know Ally can be like that but I think she's too young. Kung pwede lang Lord, makapunta ako sa sinaunang panahon tapos hahanap ako ng binibini doon tapos dadalhin 'ko siya sa future. O hindi kaya mag time travel nalang ako tapos pumunta ako sa nakaraan, pwede ring hindi na ako bumalik. Joke lang, ayoko nakakatakot baka hindi na talaga ako makabalik sa future. Kahit one day lang ako sa sinaunang panahon. Para maranasan 'ko naman mahalin ng isang binibini na mabait at understanding.' Pagkatapos ng pagdadasal ni Juaquin ay pumunta na siya sa labas ng simbahan para pumunta sa motor nang makita niya ang matandang babae na nakabangga niya lamang kanina. Nakakunot siyang nakatingin sa babaeng iyon pero dahil sa dami ng tao na dumadaan ay hindi niya na ito na kita. Na parang naglaho ito na parang bula. "Huh?" ISANG BUWAN pagkatapos ng away ni Allyssa at Juaquin ay mas lalong na busy si Juaquin sa kaniyang mga gawain. Mas lalong hindi nakapag usap ang dati lang ay halos magkadikit na mag girlfriend at boyfriend. Graduating student si Juaquin kaya naman ay napaka busy niya na. Akala niya ay ayos lang ito, pero hindi pala. Naalala niyang may girlfriend pala siyang hirap umintindi. Hindi sa hinusgahan niya ang sarili niyang girlfriend pero 'yun naman talaga ang katotohanan. "Kuya kailan ka matatapos?" Tanong ni Juliana. "Hindi na ata" hindi nakatingin na sabi ni Juaquin. "Tss, mamaya mag sisimba tayo." "Simba? Gabi na. Lasing ka ba?" "Eh? Kuya? Ikaw ata ang lasing, simbang gabi mamaya. Kaya kahit gaano ka busy ka man, mag sisimba tayo." Umupo si Juliana sa tabi ng kuya nito. "Tsaka na, tsaka maraming tao doon panigurado. Ang init init doon, next time na ako." "Mas mainit sa impyerno kuya, kaya dalian mo na. Kain muna tayo bago pumuntang simbahan" napatango nalang si Juaquin sa kapatid tsaka itinuloy ang gawain. Concentrate na concentrate ito na halos ayaw magpa-istorbo. Pagkatapos ng isang oras ay ang kapatid naman nitong lalaki ang kaniyang narinig. "Hoy" "Oh?" "Lakas maka 'oh' busy na busy, kailan ba deadline niyan" tanong ni Josiah. "Thursday" "Ano ba'yan, Quin. Tagal pa pala napaka mo talaga, mag ayos kana aalis na tayo." Sabi nito, umiling si Juaquin. "Ayoko, kailangan tapos 'ko na 'to" "Napaka OA mo 'tol, seryoso. Masiyado kang seryoso diyan eh matagal pa pala deadline. Ang haba ng oras mo bukas, nakalimutan mo na ata na nag eexist ang salitang 'Pahinga'" sabi ng kapatid. "I need to finish this Asap, marami pa akong gagawin." "Diyos'ko. Halika na kasi, mag ayos kana kung ayaw mong hilain pa kita" umiling iling si Juaquin. "Dali na oy! Para pagkatapos kain tayo sa restaurant" Napangiti si Juaquin tsaka tumingin sa kapatid. "Sahod ni Kuya?" Ngumiti rin si Josiah. "Hindi, ako.." Tumawa si Juaquin tsaka binato ng unan si Josiah. "Hayop ka! Hindi ka nag sasabi na sumahod kana!" Tumayo ito at sinarado ang ginagawa sa laptop. "Paano mo malalaman busy na busy ka!" Nagtawanan silang kapatid. "Pero seryoso sahod mo?" Tinaas ni Josiah ang dalawang kilay niya. "Mang lilibre ka?" "Oo nga! Kaya nga aalis tayo." Sinuntok ni Juaquin ang braso ni Josiah. "Angas mo 'tol, naks. Hintayin niyo ako" Tuwang tuwa na naligo si Juaquin at nagbihis ng simpleng black ripped jeans at loose polo shirt. Dala nito ang bag na may lamang cellphone, wallet, susi ng bahay at kuwarto nito, tape, sandok, cooking oil, efficascent oil, tinidor, notebook, earphone, dog leash at marami pang iba. "Amp- ano 'yan Juaquin?" Takang tanong ni Julius, panganay nilang kapatid. "What?" "Simbang gabi pupuntahan natin, hindi camping. Siraulo, ibalik mo 'yan meron ka pang brief na dala" "Eh bakit ba kuya? Boyscout ako kailangan prepared ako sa lahat. Lahat naman 'to may kuwenta" Kumunot ng noo silang lahat. "Anong silbi ng Dog Leash? Wala naman tayong aso na isasama." "Ah basta, minsan lang mang libre si Siah baka kung saan tayo dalhin niyan. Okay nang handa ako" Napailing ang magkakapatid sa mga pinagdada-dala ni Juaquin. Sumakay sila sa kotse ni Julius papunta sa simbahan, simbahan kung saan pumunta si Juaquin. Nag park si Julius sa bakanteng lupa at pumunta na sa harap ng Simbahan. Hindi pa masiyadong marami ang mga tao kaya nakapasok pa sila sa loob ng simbahan, mamaya kasi baka nasa labas nalang sila. Ramdam na ramdam ni Juaquin ang init. 'Nasa simbahan ako pero pakiramdam 'ko nasa impyerno ako' Bulong nito sa isip habang nagpapaypay gamit ang dala nitong pamaypay. Kaunti lang kasi ang electric fan sa simbahan at wala masyadong hangin. "Medyo mainit, medyo lang naman" bulong ni Juaquin. "'Wag kang mag reklamo, mas mainit sa impyerno" bulong rin ni Julius. "Hindi ba kayo naiinitan?" Tanong ni Juaquin. "Naiinitan, pero di naman kami nag rereklamo gaya ng sayo." "Hindi naman ako nag rereklamo" Dahil sa sobrang init sa loob ng simbahan ay napagdesisyunan ni Juaquin na pumunta sa wishing well ng simbahan kung saan may hangin.. "Thank God" bulong nito. Nagkaroon narin ng hangin sa wakas. Habang dinadama ang lamig ng gabi ay napunta ang tingin ni Quin sa isang babae na nakatayo rin hindi kalayuan sa kaniya. May kasama itong isa pang lalaki at naka akbay ito sa sa kaniya. "Ally?" Agad itong pumunta kay Allyssa kahit pa ang daming tao ay nakipag siksikan ito. "Allyssa?" "Quin?" "What the hell?" Bulong ni Juaquin. "You're here, Quin?" "Who.. who's that, Ally?" Tukoy nito sa katabi nitong naka akbay sa kaniya. "What do you care? Aren't you busy with your papers?" Parang nanigas si Juaquin. "Did you... just cheat on me?" "No." "Then who is he?" "Sinamahan niya lang ako! Kasi sinabi 'ko na sayo noon na gusto 'kong pumunta sa simbang gabi kaso busy ka diba? Kaya iba nalang ang dinala 'ko dito. Because I know you're damn busy with your study!" Kinagat ni Juaquin ang labi nito at hindi makapaniwalang umiling. "Wala kanang inintindi, puro nalag pag aaral pag aaral, libro libro, laptop lintek na pag aaral 'yan!" "You're too much, Ally." "Ikaw 'yun, Quin. Ikaw 'yun! I just thought of something, he.." tukoy niya sa katabi nitong lalaki. "Is better than you" "Busy ako sa pag aaral 'ko, Ally. Alam mong saglit nalang matatapos narin 'yun. Mahirap ba intindihin 'yun?!" "Mahirap din ba intindihin na kailangan 'ko ng oras mo? Ako na girlfriend mo?!" "Paano kita maiintindihan kung ako mismo hindi mo iniintindi?! You're not understanding just like what I expected you to be." "A-ako pa?! Ako pa, Juaquin?! Ako pa?! Alam mo, alam mong ayoko ng hindi ako pinapansin, na hindi ako binibigyan ng atensyon dahil para saakin bangungot 'yun!" Allyssa doesn't have family, her family ignore her and only give a attention to her younger sister. She's like a air to her family. Dahil doon, muntik na siyang madukot dahil walang pakialam ang pamilya niya sa kaniya. That time, nagkakilaka si Quin at Allyssa. Juaquin saved Allyssa. Sa bawat oras na hindi pinapansin ni Quin si Ally ay pakiramdam ni Ally ay nasa panganib siya. May mangyayari sa kaniya, she's overthinking or maybe paranoid? Takot siyang mawalan ng atensyon. But no one understands her, only Quin. Pero ngayon, pakiramdam niya.. Pati si Quin hindi narin siya maintindihan. "You're too much.. I hate you" umalis si Allyssa at iniwan si Quin na nakatulala sa kawalan. Hindi niya alam kung siya ba talaga ang may mali, siya ba talaga ang hindi na maka intindi. Thirty minutes na siyang nakatayo at tulala parin sa sa gilid at iniisip si Ally. Ang dami niya ng piniproblema ngayon, hindi niya na naisip na hinahanap pala siya ng mga kapatid niya. "Bakit kailangan mangyari 'to sakin? I want us to be strong, to be together.." napapunas siya ng luha niya. "Gusto 'ko lang sabihin, alam niyo ba na ang araw ngayon ay ang araw na puwede kang humiling ng kahit ano? At maari itong magkatotoo.." salita ng pari. "Ngayon, humiling kayo ng isang bagay habang naka pikit." "Maniwala kayo, magkakatotoo ito." Dahil sa lungkot at sakit na naramdaman ni Juaquin ay napa pikit ito at walang pagdadalawang isip na humiling. "Gusto 'kong pumunta sa ibang panahon, panahon na may mga kababaihan na makakaintindi sa akin. Hindi katulad ni Ally.." Pagbukas ng mga mata ni Juaquin ay hindi niya na maaninag ang ibang tao na nasa paligid niya, ang tingin niya ay deretsong nakatingin sa babaeng nakita niya last month. Ang matandang babae. Sa isang pikit lamang ay nawala ang tao sa paligid na parang bula. Namatay ang mga ilaw, tanging sinag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa labas ng simbahan ngayon. Nakatitig parin siya sa matandang babae na papalapit sa kaniya. "S-sino ka? Anong ginawa mo?" Kabadong tanong ni Juaquin. "Sa panahon na hiniling mo, may tao ring humiling na katulad ng hiniling mo. Parehong hiling, parehong mukha, parehong pangalan sa hindi magkaparehong panahon." Napatigil si Juaquin at napa atras. "Ang araw na ito ay araw ng mga hiling.." tumigil ang matanda sa harap ni Juaquin. "Sabihin mo, ano ang iyong hiniling?" Kinakabahan si Juaquin at hindi maitanggi na natatakot, pero kusang bumuka ang bibig nito at binanggit ang mo mga salita na hiniling nito kanina. "Gusto 'kong pumunta sa ibang panahon, panahon na may mga kababaihan na makakaintindi sa akin. Hindi katulad ni Ally.." Ngumiti ang matandang babae na ikinanginig ni Juaquin. Sa hindi alam na dahilan, kusang napatingin si Juaquin sa likod nito at nakita ang hindi niya inaasahan. Isang malaking orasan, ito ang pinaka malaking orasan sa Manila. Nagsimulang umikot ng mabilis ang orasan dahilan ng pag lakas ng hangin. Isang luha ang pumatak sa pisngi ni Juaquin bago mapunta ang sinag ng buwan sa mismong bilog na orasan at lumiwanag ito. Napalingon si Juaquin sa likod niya para sana tignan ang matandang babae pero ang oras na iyon ay ang oras na tumigil sa pagikot ang orasan. Iba ang nakita ni Juaquin, hindi ang simbahan na malaki.. Madamong lugar na may maliit na simbahan sa gitna, ang mga tao ay naka baro't saya at barong. "N-nasaan ako?" "KAPITAN! MAY TAO!" "Ano?" "Isang ginoo!" Napatingin si Juaquin sa mga lalaking papalapit sa kaniya. Ang mga suot nito ay maka luma. "Batang lalaki, sino ka, sana ka nanggaling at anong pakay mo sa campo ng mga heneral?!" "A-ano?! Anong sinasabi niyo?! Nag sisimba lang ako!" Nagtinginan ang mga lalaki. "Simba? Walang galang na ginoo pero ang simbahan ay naaroon, ang lupa na tinatapakan mo ngayon ay campo na ng mga heneral. Sabihin mo kung sino ka" Kumunot ang noo ni Juaquin, kung kanina ay umiiyak siya ngayon ay takang taka na siya. "Ha? Anong-" Napatigil siya nang ma realize niyang wala siya sa hardin o labas ng simbahan na pinuntahan niya. Ang Simbahan ay hindi kalayuan sa kaniya, maliit ito. Asan ako? "Ngayon sabihin mo saamin kung sino ka, bakit ganiyan ang iyong kasuotan? Bakit ka nandito?" "Saglit lang, bago niyo ako tanungin na kung sino ako... Ano muna kayo? Bakit mukha kayong sasabak sa gera? And what? Camp of generals? As far as I know I went to a Church not Camp of generals" Nagtinginan muli ang mga lalaki. "Kapitan, anong lenguwahe 'yun?" "Narinig 'ko na ito, ingles." "Ingles? Kapitan baka Amerikano 'yan! Kalaban!" Napa-atras ang mga kalalakihan. "Ngunit walang armas!" "Sabihin mo kay Heneral Fuentes na may kalaban sa labas ng Campo, may kakaibang suot at nag sasalita ng ingles. Sabihin mo Amerikano" "A-ano?! Hindi ako Amerikano! Anong Heneral Heneral?! Holy s**t ano bang nangyayari?! Asaan ako? Anong klaseng illuminati 'to?!" Nagulat nakang si Juaquin nang dakmain siya ng mga lalaki at hilain papasok sa isang hindi kalakihang parang bahay. "Bitawan niyo ako! Ano 'to k********g?! Bitaw!!" Sigaw ng sigaw si Juaquin habang hinila ito ng mga kalalakihan. Pero napatigil ito sa pag sigaw nang may nakita itong kalendaryo. Julio 1899 "1899?.." parang nanigas sa kinatatayuan si Juaquin. "Nasaan ako?" "Nasa, nasa nakaraan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD