SIMULA
"Ma, saan tayo pupunta?" tanong 'ko. "Huh? Didn't I tell you last month?"
"Na..?"
"Anong araw ngayon, Juakin?" tanong ni mama saakin. "Uh.." I looked at the clock where today's date can also be seen.
August 28, 2050.
"August twenty-eight?" tumango si mama. "Ang sabi ng lolo diba? ngayon tayo pupunta sa Nueva Ecija dahil magkikita-kita sila lolo at lola?" tumango ako.
How did I forget that?
Nagayos nalang ako ng sarili 'ko tsaka sumabay keyla mama sumakay sa Van. Seven palang ng umaga, wala akong ginawa buong biyahe kung hindi ang matulog at mag cellphone.
I'm hyper boy, but there is something strange in my mood now. Para akong tinatamad, 'yung parang ang lungkot ng araw. Siguro namatay ako sa past life 'ko ngayong araw. Pero hindi ito ang unang beses na nakakaramdam ako ng ganito. Ano 'yun? Maraming beses ako namatay sa past life 'ko?
Tss, tinatamad lang siguro talaga ako.
"We're here, kuya hawakan mo si Juanorill ha? C'mon." tumango ako kay mama. "'Wag kang makulit Norill kung ayaw mong isako kita."
"Ang bad masiyado kuya, sana multuhin ka ng mga ghost here sa lumang bahay ni Lolo Julius." I rolled my eyes. "Ghost ghost, matagal na akong na ghost."
"Tsk, pero you know what kuya. Lolo Julius mansion is scary." Umiling ako. "For me it's not scary, It's more like vintage." tumango nalang siya. "Yeah, kinda."
Pumasok kami sa mansion. Hindi 'ko maiwasan magandahan sa mansion kahit luma na ito. Malaki ang gate na pinasukan namin.
This is my first time here, hindi naman kasi ako sumasama kila mama kapag bumibisita sila dito. Pero parang naka punta na ako dito, hmm.
Nakita 'ko ang magkakapatid, ang mga lolo at lola namin. Si Lolo Julius, Lolo Josiah at Lola Juliana.
Nakangiti nila kaming sinalubong, yinakap nila mama at tita sila Lolo at Lola. It's so happy to see your mother hugging their mother. "Mga apo.." yinakap nila kami at yinakap 'ko rin sila pabalik. Feeling close nanaman 'yung mga pinsan 'kong bida-bida
"Ang tagal nating hindi nagkita ma, kamusta kayo nila uncle?" tanong ni mama kay Lola. "Maayos naman kami nila kuya, Jocelyn. Kayo ba?"
"Ayos naman ma, stress lang sa mga trabaho. Si Jona may business na"
"Anak 'ko 'yan" sabi naman ni Lolo Julius kaya nagtawanan sila. "Hay nako pa, tss." nagkuwentuhan sila. "Ang bilis ng panahon talaga.." sabi ni lolo Josiah
"Kaya nga, ang laki na ng mga apo 'ko..." napatingin sila lolo at lola saakin. "Si Juakin na ba 'yan?" tumango si mama at inilapit ako kela lolo at lola.
"Pangalan at Mukha, parehong pareho..." sabi ni lolo Josiah. "Tama ka, Kuya." Pinunasan ni Lola ang luha na pumatak sa pisngi niya nang makita niya ako. "Hindi 'ko maiwasan mamiss siya"
Maybe their brother who died is what they are referring to. The name is also Juakin, but the spelling is different. I haven't reached our grandfather and I haven't seen a picture of him yet. they said we have the same face and name ... hmm.
"Pasensya na, halina kayo. Pumasok kayo sa mansion." pumasok kami sa mansion. Hindi ito gaano kalaki pero hindi ito gaano ka liit. "Dito kayo nakatira noon, La?" tanong ni Norill.
"Hmm, hindi. Ang orihinal naming tirahan ay sa Maynila.." napatango kami. "Ano po itong Mansion na 'to?"
"Binili ito ng kapatid naman na si kuya Juaquin, noon.. hindi namin alam bakit niya binili ito. Noong araw na binili niya ito, kahit nakakatakot o lumang luma na ito ay walang alinlangan siya naglabas ng pera para sa mansion na ito. Akala mo naka konekta ang puso niya dito dahil hindi niya na minsan iniwanan ito.. inalagaan niya pa. Pero nang mamatay si kuya ay hindi na ito naalagaan." Sayang, hindi na namin naabutan si lolo Juaquin.
"Is Lolo Juaquin kind?"
"Oo naman Norill, sobra. Namatay kasi siya agad, sayang nga at hindi niyo siya naabutan." Sabi ni Lolo Julius.
Kumain kami sa dinning area ng mansion na ito at nakita 'kong nagsindi ng kandila kasama ang isang litrato na halos hindi na makita ang mukha. "Ngayon ang death anniversary ni Kuya Juaquin..." naluluhang sabi ni Lola habang nakatingin sa litrato ng isang lalaki na di 'ko maaninag ang mukha.
Nagkuwento ng nagkuwento si lola about sa lolo namin na namatay. He died one week before I was born. Literal na sayang at hindi 'ko manlang siya naabutan talaga, ayon sa kuwento ni lola parang si Lolo Juaquin na ang pinaka mabait na tao sa buong mundo.
They seemed very close to each other when Grandpa Juaquin was still alive. Tahimik lang sila Lolo Julius at Josiah pero alam 'kong nasasaktan din siguro sila at miss na ang kapatid nila.
Magiging katulad din kaya nila kami in the future? Sino kaya unang mamamatay saamin ni Norill? Joke lang. Ten palang si Norill iniisip 'ko na agad sinong unang mamamatay saamin.
Ayon kela Lolo, tumandang walang asawa si lolo Juaquin. Parang na stuck daw si lolo sa isang tao na hindi nila kilala. Hanggang pagtulog sinasabi daw niya ang pangalan ng tao na 'yun.
'Yung lang, hindi na nila maalala 'yung tao na 'yun.
Ano kaya nangyari kay Lolo Juaquin noh? Ang sabi lang kasi ni lolo ay isang araw hindi na gumising si lolo Juaquin. Doon siya namatay, namatay siya habang natutulog. Kinabukasan pagkatapos ng birthday niya.
Nagpaalam ako kela lolo at lola pati kela mama na maglilibot lang muna ako. Busy ang mga pinsan 'ko sa mga kuwento nila lolo at lola sa past nila. Naboring ako kaya pumunta ako sa taas at nagmasid-masid sa paligid.
Lumang luma ang bahay, nakakatakot pero dahil marami itong bintana dahilan ng pagsinag ng araw sa loob ng bahay ay hindi masiyado ito nakakatakot. Sabi ni lola 1890's pa daw ito.
Ilan na kaya namatay dito, oh s**t nakakatakot ayoko isipin niyan. Baka libo-libong multo nanaman ang maisip 'ko
Habang naglalakad lakad ako ay napahinto ako sa isang kuwarto na bukas. Ayoko sana mange-alam sa bahay nila lolo pero na curious ako. Parang may tumutulak saakin na pasukin 'ko ang kuwarto na 'yun.
Pagpasok 'ko doon ay may kakaibang pakiramdam akong naramdaman. Parang binalot ako ng lungkot na may takot. Hindi 'ko alam, ano 'to? Even though I was nervous, I still entered a small room that looked like a storeroom.
Una akong napatingin sa mga gamit na nasa lapag. Mga bag, damit, libro at marami pang iba. Kakaiba itong nararamdaman ako, parang nalulungkot ako. Nang makita 'ko ang pangalang Juaquin sa isang jacket ay nalaman 'kong ang mga gamit na ito ay sa Lolo Juaquin 'ko.
Kinikilabutan ako pero mas umaapaw ang lungkot sa katawan 'ko. May picture frame akong nakita at picture ito ng isang lalaki na kahawig 'ko. Kamukha 'ko ang picture na 'to. Sabi ni lolo Julius, kamukha 'ko daw si lolo Juaquin. So this is him?
We're look alike but he's more handsome. Mukha palang niya lama mong mabait na. Habang pinagmamasdan 'ko ang lolo 'ko ay nakakaramdam ako ng lungkot.
Teka, bakit ba ako nalulungkot? Namimiss 'ko ba si lolo? Eh hindi 'ko nga siya naabutan eh. Ano ba 'to. Napatingin ako sa mga gamit niya.
Tuwing hinahawakan 'ko ito pakiramdam 'ko kinukuryente ako, wala akong karapatan na hawakan ang gamit ng hindi akin pero parang puwede 'ko ito hawakan anytime. Parang akin ang mga gamit na ito.
Sa kalagitnaan ng pagtitingin 'ko sa gamit ng lolo 'ko ay napunta ang tingin 'ko sa isa pang picture frame na may picture ng dalawang lalaki. Kahawig 'ko ang isa, probably lolo Juaquin.
Ang isa namang lalaki ay...
Oh, s**t.
Nabitawan 'ko ang hawak 'kong kuwintas at tinitigan ang lumang litrato ng dalawang lalaki sa isang bahay kubo. 'yung lalaking katabi ni lolo...
Nanginginig ako na kinuha ang picture na 'yun at tinanggal sa picture frame para maslalo 'kong makita ang dalawang tao na 'yun.
Parang sasabog ang puso 'ko kakatitig sa lalaking katabi ni Lolo Juaquin. "S-sino ka?" tanong 'ko sa litrato. Hindi 'ko alam bakit 'ko 'yun sinabi.
Kusa nalang tumula ang luha 'ko kakatitig sa litrato ng lolo 'ko kasama ang isnag lalaking hindi 'ko kilala 'kung sino peor pakiramdam 'ko may connection saakin.
Mukha silang masaya pareho sa litrato na 'to. Tinalikod 'ko ang litrato at nakita na may nakasulat dito.
"Let's meet again, let's look at butterflies again. Let's forget that, you're a man and I'm just a line without a hook"
Hindi 'ko na napigilan ang luha 'ko. Umiyak nalang ako sa hindi 'ko alam na dahilan. Bakit parang sinasabi saakin ang sulat na 'yun? Bakit parang nasasaktan ako? Dahil ba sa death anniversary ngayon ni lolo? H-hindi..
Hindi ako iyakin pero kusa nalang ako umiyak nang makita 'ko ang litrato ng lolo 'ko kasama ang isa pang lalaki.
Tinignan 'ko ang ibang gamit ni lolo at napunta ang kamay 'ko sa isang notebook. Napaupo ako sa sahig at binasa ito kahit alam 'kong mali.
Basically, parang diary lang ito. Kinukuwento ni lolo ang buhay niya. He's college student's here, he has girlfriend but then he broke up with her.
Nasa part na ako nang sinabi ni Lolo ang reason. Maikli lang ito.
"Why did I broke up with her? It's simple. I fell inlove with a man. Handsome, brave, kind and loving man. I loved him so much that I couldn't find anyone else. I miss him, I want to see him again. I want to hug and kiss him again. But I know that's impossible. Why did I love the right person but in the wrong time? Why at the time when we are not allowed to be together? I wish I can go back to the old days as I did. But when that happens, I don't want to go back in the future."
May mga nababasa ako na ang hirap intindihin, may pagka weird pala ang lolo 'ko pero hindi 'ko talaga maintindihan ang mga pinag sasabi niya sa notebook niya. "Bakit parang sinasabi niya na 'yung minamahal niya ay nasa sinaunang panahon? Ano 'yun? Nag time travel ba siya?"
Nagsasalita na ako mag-isa dahil dito. May nabasa ako sa notebook ni lolo na nagpatigil saakin. Para akong nanigas... what the hell.
"I did time travel, and I loved someone in ancient times. But unfortunately ... we are not for each other."
Parang binibiyak ang ulo 'ko. Parang may mga scene akong nakikita sa isip 'ko na halos sumabog ang ulo 'ko. Napasigaw ako sa sakit..
2021... I remember what happened in 2021 and 1899... but why?
W-why...?