CHAPTER 8

1318 Words
“Okay ka na ba dito?” Tanong sa kanya ni Hunter. Pagkababa sa kanyang mga gamit. Inihatid siya nito sa dati niyang room. “Oo, salamat.” Sagot niya. Marahan niyang ibinaba ang baby sa malambot na kama. Napakasarap parin ng tulog nito at hindi man lang talaga nagising. “Kapag may problema, tawagin mo lang ako diyan sa kabila.” Sabi pa nito. Wow ha! Parang makakatulong naman ito sa pag-aalaga kay baby Austin, noong makita nga niya ito noong unang punta niya dito aburido ito noon at hindi maipinta ang itsura habang karga ang baby. “Oo.” Naisagot na lang niya. Tinanguan naman siya nito bago lumabas sa kanyang silid. Oh eh bakit tila maamong tupa na naman ito ngayong nasa pamamahay na siya nito? Napatingin siya sa pamangkin at hindi na naman niya maipaliwanag ang nararamdaman. Siya yung masyadong nasasaktan sa mga nangyari. “Pangako nak, aalagaan at mamahalin ka namin ng buong buo.” Aniya, pinahid niya ang luha mula sa kanyang mga mata saka hinagkan ang pamangkin. Tumabi siya dito at napapikit. Hindi niya namalayan na iginupo na din pala siya ng antok. Nagising siya dahil sa marahang pagtapik sa kaniyang balikat. “Wake up na, kakain na tayo.” Pipikit pikit pa siyang napabalikwas ng bangon. Madilim na ang buong paligid. Napatingin siya sa orasan, alas nwebe na pala ng gabi. “Ang sarap parin ng tulog niya.” Sabi pa nito at napatingin siya kay baby Austin na sarap na sarap parin sa pagtulog. “Oo nga eh.” Aniya, saka siya tuluyang bumangon at inayos ang kanyang sarili. “Sir nakahanda na po ang mesa.” Sabi ni Yaya Fatima at pumasok na ito sa loob ng kanilang silid. “Come on, kakain na tayo.” Yaya sa kanya ni Hunter kaya napasunod na lang siya dito. “Ikaw na muna ang bahala kay baby ha?” Sabi niya kay Yaya. “Yes ma’am.” Nakangiting sagot naman nito. Sumalubong sa kanya ang masarap na amoy ng tinolang manok. Sakto sa malamig na panahon. Ipinaghila siya ni Hunter ng upuan at tumabi ito sa kanya. Ipinagsandok pa siya nito ng kanin at ulam. Napatingin siya dito. Ano na naman kayang nakain nito at tila nasa mood na naman ito ngayon. “Let’s eat!” Nakangiting yaya nito sa kaniya. “Thank you.” Nasabi na lang niya at nagsimula na nga silang kumain. “Ikaw na lang muna ang bahala kay baby bukas ha? Papasok ako sa office.” Sabi ni Hunter, patapos na sila noon sa pagkain. “O-oo.” Sagot niya. “Kung may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin ha? Saka nandito naman sina manang kung may problema.” Sabi pa nito. Napatingin siya dito. “Oo, salamat.” Aniya, saka na siya tumayo at akmang ililigpit na niya ang kanilang mga pinagkainan ng awatin siya ni Hunter. “Hayaan mo na diyan, sina manang na diyan mamaya.” Sabi nito. “Hindi na, okay lang. kaya ko naman eh.” Sabi niya, saka siya nagpunta ng lababo upang hugasan ang kanilang mga pinagkainan. Wala na rin nagawa ang binata, hindi kasi siya sanay na may nagsisilbi sa kanya. Pinanood na lang siya ni Hunter habang naghuhugas. “Iba ka din noh.” Sabi nito habang nakatayo sa gilid at nakahalukipkip habang pinapanood siya. Napalingon siya sa binata. “Sanay kasi ako sa hirap, hindi ako sanay na may nagsisilbi sa akin.” Sagot niya. “Ganun ba.” “Oo.” Aniya, tapos na siya noon sa paghuhugas at pinupunasan niya ang mga kamay. “Mauna na ako, baka mamaya magising na si baby.” Pagpapaalam niya, tinanguan na lang siya ng binata at tumalikod na siya. Naabutan niyang tulog parin si baby Austin kaya nagpaalam siya kay Yaya na mag shower na muna siya at tignan muna saglit si baby. “Really pinsan? Nasa bahay mo na si Celeen?” Nakangiting tanong sa kanya ni Dandrev, Nasa office niya ito ngayon at nakaupo sa harap ng kanyang table habang abala siya sa pagpirma sa mga files na sandamakmak dahil halos isang linggo siyang hindi pumasok. “Yeah.” Sagot niya. “Anong set-up?” Tanong nito na ikinatigil niya sa pagpirma. “Set-up?” Ulit niya. “Oo, anong meron? I mean– paano? Magkatabi kayo sa isang room kasama si baby Austin?” Nakakalokong tanong nito. “What? No!” Nagsasalubong ang kilay na sabi niya. “Sure?” “Yeah, at bakit naman namin gagawin iyon?” “Then why not?” “Loko! alam ko na iniisip mo.” Nakatawang sabi niya saka hinampas ito sa balikat. “Outch!” Reklamo naman nito. “Bakit hindi ka ba nagagandahan kay Celeen?” Tanong pa nito. Napataas kilay naman siya. Gago siya kung hindi niya aaminin na maganda si Celeen kahit sabihin na napaka simple lang nito ay marami itong sasapawan na mga modelo. Matangkad ito na binagayan ng maliit na baywang. May mga singkitin na mga mata at matangos na ilong. Idagdag pa ang maputi nitong kutis. Sino naman ang mag aakala na isa lang siyang hamak na probinsyana ngayon? “Oh di kana agad nakaimik diyan ngayon!” Tumatawang kantiyaw sa kaniya ng pinsan. Sa lahat ng kaniyang mga pinsan ito ang pinakamalapit sa kanya. “Aminin mo na kasi na nagagandahan ka sa kanya.” Dagdag na sabi pa nito. “Fine, okay maganda siya!” Sa wakas ay sagot niya. “Type mo?” “What? No!” Agad na reklamo niya. Wala na sa isip niya ang mga babae. Hinding-hindi na siya muling maaakit sa kahit kaninong babae kahit kailan. “Baka kainin mo yang sinasabi mo ha!” “Never!” Nagsasalubong ang kilay na sagot niya. “Eh di kung ayaw mo kay Celeen, ako na lang manliligaw sa kanya.” Biglang sabi ng pinsan. “Seryoso ka?” Tinitigan niya ito ng mabuti. Kilala niya si Dandrev na matinik pagdating sa mga babae. “Oo naman! hindi mo naman siguro ako pagbabawalan na ligawan ko si Celeen diba pinsan?” “Feeling ko siya na talaga.” Dagdag na sabi pa nito. “Loko, huwag mo ngang dinadamay si Celeen diyan sa mga kalokohan mo. Nasa pamamahay ko siya kaya responsibilidad ko parin siya.” Hindi niya alam kung paano lumabas iyon sa kanyang bibig. “So, hindi ko siya pwedeng ligawan?” Napa dekwatro pa ang pinsan. “Hindi pwede!” “Bakit hindi pwede?” “Kasi responsibilidad ko siya.” Nagsasalubong ang kilay na sagot niya. “Hindi ko siya sasaktan!.” “Kilala na kita, please lang huwag si Celeen pinsan.” Tumigil siya sa pagpirma sa mga files dahil nakakaramdam na siya ng inis sa pinsan. “Kung ayaw mo sa akin, eh di ikaw na lang manligaw sa kanya.” “Hindi ko kailangan ang babae sa buhay ko.” Inis na sabi niya. “Pwes kung hindi mo kailangan ang babae sa buhay mo, ako kailangan ko.” Sagot naman ni Dandrev. “Alam mo, mabuti pa umuwi ka na. Hindi mo ba nakikita, busy pa ako.” “Nagseselos ka?” “Damn!” Binato niya ng tissue ang pinsan pero nasalag naman ito at nagkatawanan sila. “Oh siya, uuwi na ako. Basta pinsan, kapag naligaw ako sa mansion niyo, alam mo na ha.” Nakatawang sabi pa nito at sinabayan na niya ito ng tayo. “Gago!” “Atleast guwapo!” Anito, saka siya kinindatan at lumabas na ito sa kanyang opisina. Napailing na lang siya dahil sa pinagsasabi ng pinsan. What if nga ligawan talaga nito si Celeen? Wala namang masama, binata si Dandrev at dalaga pa naman si Celeen. Walang masama kung magka kagustuhan ang dalawa diba? Sino ba siya upang pigilan niya ang mga ito kung sakali diba? Naipilig na lang niya ang ulo. Bahala na nga sila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD