CHAPTER 1
Bumaba siya mula sa taxi na siyang kanyang kinalululanan at napatingala siya sa mansion na nasa kanyang harapan ngayon. Napakarangya ng buong paligid na napapalibutan ng mga puno at halaman.
Lumapit siya sa gate at pinindot ang doorbell.
Hindi naman siya siguro naliligaw dahil ito ang ibinigay
na address ng kapatid ni Harry noong tawagan siya.
“Ang tagal naman grabe!”
Nagsasalubong ang kilay na sabi niya dahil tirik na tirik noon ang mahal na araw.
Akmang pipindutin pa sana niya ulit ang doorbell ng biglang bumukas ang gate at tumambad ang isang matangkad at guwapong lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata at hindi lingid sa kanya ang nakakunot nitong noo.
“Hey! who are you?”
Inis na tanong nito sa kanya at sa narinig napataas kilay din siya dito. Hindi kaya ito yung kapatid ng asawa ni Reena? Hindi pa niya kasi ito nakikita ng personal at malamang ito na nga dahil may hawig naman sila ng kaniyang bayaw na si Harry. Guwapo si Harry kaya nga baliw na baliw ang kanyang kapatid dito, guwapo din naman itong lalaking nasa harapan niya ngayon at aminado naman siya doon pero may pagka antipatiko lang yata.
Biglang umiyak ang tangan nitong baby na tila yata nagulat sa boses ng lalaking may karga dito.
Napatingin siya sa baby at bigla siyang nakaramdam ng awa dito.
Ito yung anak ng kaniyang kapatid.
“Hello baby..”
Nakangiting hinawakan niya ang munting mga kamay nito at marahang hinaplos iyon.
Tumigil naman ito sa pag-iyak.
Matamang nakatitig sa kaniya ang lalaking suplado.
“I said, who are you?” Ulit na tanong nito.
“Celeen.” Nakataas kilay na sagot niya.
“I-ikaw yung kapatid ni Reena?”
“Oo!”
Padaskol na sagot niya saka itinuon ang atensyon sa baby na noon ay nagsimula na namang umiyak. Muli niya itong hinawakan at iniumang ang kamay dito.
Tila may isip naman ang baby na hinawakan siya sa kamay kaya tuluyang kinuha niya ang baby mula sa lalaki at kinarga iyon.
“May problema ba?”
Mataray na tanong niya.
“W-wala! pumasok na tayo sa loob.”
Yaya nito sa kaniya at ito na ang bumuhat sa kanyang mga gamit at nagpatiuna na ito sa loob. Napapailing na lang na napasunod siya dito.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay lalo siyang namangha dahil sa lawak at linis nito. Ang mga kagamitan ay napaka gara at sa ibang bansa pa yata ipinasadyang ipagawa.
“Maupo ka muna, anong gusto mong inumin? Coffee, juice–.”
“H-hindi na, okay lang ako.”
Putol niya sa sinasabi ng lalaki.
“Okay!” Napakibit-balikat na lang ito.
“Bale sa 2nd floor yung room mo, katabi ng room ko para maalagaan natin si baby.”
Sabi nito na ikinalingon niya.
“Ha?”
“May problema ba?”
Nagsasalubong ang kilay na tanong nito sa kaniya.
“W-wala! wala.”
Sagot niya saka siya nag-iwas ng tingin.
“Okay!” Sabi nito saka siya tinalikuran at binitbit ang kaniyang mga gamit paakyat sa hagdan. Nasundan na lang niya ito ng tingin.
‘May pagka gentleman din naman pala ang kumag na ito.’
Nasabi na lang niya sa kaniyang sarili at itinuon na ang atensyon sa pamangkin.
Bigla siyang nakaramdam ng awa dito.
Paano na lang ito ngayon?
Sino na ang mag-aalaga dito? Sino na ang mag aalaga sa kaniya? Pwede naman siya, pero paano na ang kaniyang trabaho? Paano niya ito bubuhayin gayong may bunso pa siya na pinag aaral ng kolehiyo. Sino na ang tatayong mga magulang nito?
Apat na buwan pa lang ito at napakabata pa nito para mawalan ng mga magulang.
Hindi niya napigilan ang pangingilid ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon.
“Hey! are you okay?” Hindi pa niya namalayan ang ginawang paglapit ng lalaki. Agad na pinunasan niya ang luhaang mukha bago humarap dito.
“O-oo.”
Garalgal na sagot niya.
“Baka gusto mo munang magpahinga, ako na muna magbabantay kay baby.”
Sabi nito at marahang lumapit ito sa kaniya. Oh eh bakit naging mabait naman yata ito bigla?
“H-hindi na, okay lang ako.”
Aniya, saka siya umupo sa sofa.
“Mamaya pupunta ako sa chapel kung saan nakaburol sina Reena at Harry, gusto mo bang sumabay na o magpapahinga ka muna.”
Tanong nito sa kaniya.
“Paano si baby?”
“Darating na mamaya si nanay Magda, sila na muna ang titingin kay baby habang hinihintay natin yung magiging yaya ni baby Austin.”
“Ganun ba.”
“Yeah.”
Anito at biglang tumunog ang cellphone nito at kinuha nito iyon mula sa bulsa.
“Yes Devon?”
Sagot nito.
“Yeah, pakiayos na lang lahat at pakidala na lang dito sa bahay lahat ng pipirmahan ko.”
Napatingin siya dito at saktong nagtama ang kanilang mga mata, nahihiyang nag-iwas siya ng tingin.
Malamang sekretarya nito ang kausap.
“Yeah, thank you.”
Iyon lang at nawala na ang kausap nito sa kabilang linya.
“Ang sarap na ng tulog ni baby Austin, sabayan mo na siya.”
Pagkuwa’y sabi nito.
“O-”
“Come on.”
Hindi na siya nakatanggi ng hawakan siya nito sa siko at inalalayan siya sa pagtayo saka sila umakyat sa pangalawang palapag kung saan naroon ang magiging kuwarto niya pansamantala.
“Ako na muna ang magbabantay kay baby para makapag pahinga ka ng maayos.”
“N-nope, ako na. Kaya ko naman eh.”
“Are you sure?”
“Oo-oo naman!”
“Ikaw ang bahala, kapag may kailangan ka nandyan lang ako sa kabilang room ha?”
“Oo, salamat.”
Tumango na lang ito bilang sagot saka siya nito tinalikuran.
Napasinghap pa siya ng mawala ito sa kaniyang harapan.
Napakasuplado lang nito sa kaniya kanina tapos biglang bumait. Anong meron? Tila may saltik yata ang kapatid ni Harry, o baka naman walang nobya tapos tumandang binata na. Imposible naman kaya iyon, sa tantiya niya nasa 35 na ito saka hindi naman halata sa mukha. Saka alaga naman yata ito sa katawan. Macho din eh!
‘Ano ba!’ inis na sinaway niya ang sarili saka inilibot niya ang tingin sa paligid. Napakalawak at napakalinis ng buong silid.
Parang kalahati na yata ng bahay nila ito sa probinsya ah.
Iba talaga kapag mayaman.
Marahan niyang inilapag ang baby sa malambot na kama. Napatitig siya sa mala anghel nitong mukha at hindi na naman niya napigilan ang pangingilid ng luha.
Masakit mawalan ng mahal sa buhay lao at kapatid pero mas doble yung sakit na nararamdaman niya ngayon para sa baby.
Paano na lang ito paglaki?
Anong sasabihin niya kapag tinanong nito kung nasaan ang mga magulang nito. Hindi pa man nangyayari ay nakakaramdam na siya ng sakit para sa pamangkin.
Napahikbi siya at ang hikbing iyon ay napalitan ng palahaw.
Ayaw niyang ipakita sa kahit na sino na nasasaktan at nahihirapan siya sa pagkawala ng kapatid idagdag pa ang sanggol na naulila nito.
Nagtagal ng ilang minuto ang tagpong iyon. Inayos niya ang sarili at ng kumalma ay tumabi na siya sa baby na mahimbing ng natutulog.
‘Magiging maayos din ang lahat nak.’
Aminado naman siya na hindi ito pababayaan ng mga Mondragon dahil mayaman ang mga ito.
Paano pagkatapos ng libing at babalik na siya ng probinsya?
Paano na si baby Austin?
Siguradong mamimiss niya ito ng sobra.
Pero ang tanong kaya na ba niyang iwan ang pamangkin?
Maaalagaan kaya nila ito ng maayos?
Paano kung iuwi na lang niya si baby sa probinsya?
Papayag kaya ang pamilya ni Harry lalo na ang kuya nito?
Paano niya maaalagaan ang baby kung may trabaho naman siya at pinapagaral pa niya sa kolehiyo ang kanilang bunso.
Paano? Paano kaya?
Hanggang sa hindi niya namalayan ang sarili at iginupo na siya ng antok.
Nagising siya dahil sa isang mahinang katok mula sa labas. Pupungas pungas siyang napabangon at tinignan kung sino ang nasa labas. Madilim na noon ang paligid. Ganun siya katagal natulog?
"Naistorbo ba kita?" Agad na tanong ni Hunter sa kaniya. Napatalikod siya at binigyan ng daan ang lalaki upang makapasok sa loob. Dumiretso agad ito sa tabi ng baby. Mahimbing parin itong natutulog. Kinuha naman niya ang pagkakataon na iyon upang pumunta sa banyo at ayusin ang kaniyang sarili dahil sigurado siyang magulo ang kaniyang buhok at haggard ang itsura.
Nakakahiya naman kay Hunter na fresh na fresh animo'y katatapos lang maligo dahil naamoy pa niya kanina ang sabong ginamit nito, pati na ang pabango nito na lalaking lalaki.
"Pupunta muna ako sa burol, titignan ko lang kung ano ang kailangan nila doon." Pagpapaalam nito sa kanya.
"Ganun ba."
"Yeah, uuwi din ako mamaya, susunduin kita. Nandito na rin sina Nanay Magda at ang iba nilang kasama, may mag aalaga na muna kay baby." Sabi pa nito.
"Sige."
"Kung nagugutom ka na, bumaba ka na lang mamaya ha, nakaluto naman na sila.”
Dagdag na sabi pa nito at lumapit sa natutulog na baby saka marahan nitong hinalikan sa pisngi.
"Aalis na ako." Pagpapaalam na nito sa kaniya at sinabayan na niya ito ng tayo.
"Sige, mag iingat ka."
"Thank you."
Tipid itong ngumiti sa kaniya bago lumabas sa kuwartong iyon.
Nanghihinang napaupo siya. Bakit ba siya kinakabahan? Napakalakas naman yata masyado ang karisma ni Hunter.
'baliw!' natatawang kinurot niya ang sarili.
Natigil lang siya ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
"Hello ate." Boses iyon ni Blake sa kabilang linya ang bunso nilang kapatid.
"Blake, bakit?"
"Kumusta ka diyan ate, mabait ba yung kapatid ni kuya Harry sayo?"
Agad na tanong nito. Hindi kasi lingid sa kanilang kaalaman na base sa mga kuwento ni Harry noon sa kanila ay may pagka suplado ito pero mabait din naman daw.
"Okay naman siya." Sagot niya.
"Sigurado ka ate ah? Naku! baka kapag sinupladuhan ka ng lalaking yang bubugbugin ko siya pagluwas ko diyan!" Sabi pa nito.
"Baliw ka talaga! Oh ano kailan ka ba bibiyahe dito. Sa linggo na ang libing."
"Naku ate, hahabol ako. May exam pa kasi ako ng thursday eh!"
"Ganun ba, oh siya sige mag review ka na diyan at asikasuhin ko muna si baby Austin, gising na din." Pagpapaalam niya sa kapatid.
"Sige ate, kiss mo na lang ako sa guwapong pamangkin ko ha, like tito Blake niya." Tumatawang sabi nito.
"Oh siya sige na, babye na! Mag aral kang mabuti diyan, i love you."
"I love you too ate." Iyon lang at siya na ang kusang pumutol ng tawag dahil gising na ang kanilang baby.
Habang pinapalitan niya ang diaper ng baby ay biglang may kumatok sa labas ng kanilang silid.
"Iha, gising ka na ba?" Boses iyon ng isang matanda at sigurado siyang isa iyon sa katiwala dito sa bahay ni Hunter.
"Opo, pasok na lang po kayo." Sagot niya.
Tumambad sa kaniyang harapan ang isang nakangiting babae na medyo may edad na din.
"Naistorbo ko ba kayo?" Tanong nito sa kaniya at umupo ito sa paanan ng kama habang pinapanood siya habang binibihisan niya ang sanggol.
"Hindi naman ho, gising na din kami ni baby kanina." Nakangiting sagot niya dito.
"Ganun ba iha, ikaw si Celeen diba, yung kapatid ni Reena." Tanong pa nito.
"Opo." Sagot niya. Lumungkot ang kaniyang boses ng maalala na naman ang kapatid.
"Aba'y napakaganda mo din talaga, maganda rin ang kapatid mo. Magkaiba nga lang kayo ng taglay na kagandahan." Hinawakan pa siya ng matanda sa kamay.
"Salamat ho."
Tipid siyang ngumiti dito.
"Naku hane, mabuti pay halika na at nang ikaw ay makakain na. Nakahanda na ang mesa. Nasa baba na si Rose at siya na muna ang bahala kay baby." Yaya sa kaniya ng matanda.
Kinarga niya ang pamangkin at napatayo na rin siya saka sumunod sa matanda.
Sumalubong sa kaniya ang masarap na amoy ng sinigang na baboy. Kumalam bigla ang kaniyang sikmura. Kinuha naman ng isa sa mga katiwala ang baby sa kaniya kaya humarap na siya sa hapag-kainan.
"Kain na ho tayo." Yaya niya sa mga nakita niyang katiwala. Nginitian lang siya ng mga ito at sinabing hindi pa daw sila nagugutom.
"Sabi nga pala ni Hunter, pagkatapos mong kumain gumayak ka na dahil susunduin ka niya." Sabi ni Nanay Magda sa kaniya.
"Ho?" Gulat na sabi niya.
Sinong Hunter? Tila naman nahulaan ng matanda ang kaniyang iniisip.
“Si Hunter, yung kapatid ni Harry. Yung kasama mo kanina.”
Sabi ng matanda.
“O-okay po.”
Napatangu-tango siya.
Hunter pala ang pangalan ng mokong na iyon.
“Hindi ba siya nagpakilala sayo? Lokong batang yun ah.”
Nakangiting sabi pa ni Nanay Magda.
"Bale katatawag lang niya kanina at kinukumusta kayo ni baby."
Sabi pa nito. Lihim naman na natuwa ang kaniyang puso sa narinig, pero bigla din niya itong sinaway.
‘maharot!’
Sigaw ng kaniyang isip.
Naitikom na lang niya ang bibig baka bigla kasi siyang kiligin at maglupasay sa sahig.