Katatapos lang niya magbihis ng katukin siya ng isa sa mga kasambahay.
“Nandiyan na po si Sir Hunter, hinihintay na po kayo sa baba.”
Nakangiti at magalang na sabi nito sa kaniya.
“Sige susunod na ako, salamat.”
Iyon lang at iniwan na siya nito. Minsan pa niyang pinasadahan ang sarili sa salamin.
Nakasuot siya ng off shoulder at itim na bestida na tinernuhan lang din niya ng flat at itim na sandal. Nagpolbo lang siya, hindi na siya nag lipstick dahil kusa namang mapula ang manipis niyang labi.
Nang makontento sa itsura ay lumabas na siya ng kaniyang silid at bumaba ng hagdan.
Napatingin sa kaniya si Hunter habang pababa siya ng hagdan.
Nagtama ang kanilang mga mata at mariin itong nakatitig sa kaniya.
Nakita niya ang paniningkit ng mga mata nito. Para saan na naman iyon? Galit ba ito sa suot niya? Disente naman ah.
Hindi na niya kayang salubungin ang mga titig nito kaya nag-iwas siya ng tingin.
“Let’s go!”
Padarag na sabi nito sa kaniya at nagpatiuna na ito sa paglabas. Napailing na lang siya na napasunod dito.
Inalalayan din naman siya nito sa pagpasok sa loob ng sasakyan kahit papaano at ng makita siya nito na nakaupo na siya ng maayos ay nagsimula na nitong pinaandar ang makina ng sasakyan at umalis na sila ng bahay.
Habang daan wala silang imikan, walang gustong magsalita at nakakabingi ang katahimikang iyon.
Gusto niya sanang kausapin ang binata pero paano niya sisimulan at ano naman ang sasabihin niya diba?
Baka mamaya mapahiya lang siya.
“Hindi sana nangyari iyon kung nagpapigil sila ng araw na iyon.”
Seryosong sabi ni Hunter, napatingin siya sa binata na nakatutok ang mga mata sa daan.
“Ha?”
“Nagpaalam si Harry na pupunta sila ng Baguio, inaaya nga niya ako ng araw na iyon kaso sa sobrang busy ko sa office, may time pa ba ako para mamasyal lang.”
Kwento nito at napabuntung hininga ng malalim.
Napatingin siya sa binata.
“Kahit pasaway yung kapatid ko na iyon, mahal na mahal niya ang kaniyang pamilya.”
Dagdag na sabi pa nito.
Tama naman ito dahil nakita niya noon kung paano alagaan ni Harry ang kaniyang kapatid at ang kanilang anak.
Wala siyang masabi kay Harry kasundo nila ito ni Blake.
“Nakakalungkot lang dahil napakaaga naman yata ng kanilang pagkawala.”
Sabi nito at nakita niya ang paglambong nga mga nito.
Naiiyak ba ito?
Sino namang hindi diba?
Kahit siya nga, iisipin palang niya na wala na ang kapatid sumisikip na ang kaniyang dibdib at gusto na niyang maglupasay sa iyak.
“Nasasaktan din ako para kay baby Austin. Paano na lang siya, napakababy pa niya para mawalan ng mga magulang.”
Garalgal na sabi niya at hindi niya napigilan ang pangingilid ng mga luha.
“Nandito naman tayo, aalagaan natin si baby.”
Sabi ni Hunter.
Seryoso? Aalagaan nilang dalawa na parang mag-asawa ganun ba ang ibig nitong sabihin?
“Ibibigay natin lahat ang pangangailangan ni baby, at mamahalin natin siya ng sobra.”
Sabi pa nito, napatango na lang siya bilang pagsang-ayon sa sinasabi nito.
Hanggang humimpil sila sa harap ng isang exclusive chapel, naunang bumaba si Hunter at ipinagbukas siya ng pinto at saka siya inalalayang makalabas sa sasakyan.
“Come on.”
Inalalayan pa siya nito sa siko papasok sa loob ng chapel at parang nakaramdam siya ng panghihina ng makita ang dalawang magarang kabaong at sa dulo nito nakapaskil ang larawan ng mag-asawa. Nakangiti, buhay na buhay at punung-puno ng pagmamahalan. Parang hindi pa niya kayang tingnan ang kapatid na wala ng buhay.
Nagsimulang mamuo ang luha mula sa kaniyang mga mata.
Napapitlag siya ng marahan siyang hawakan ni Hunter sa kamay at ginagap iyon. Napatingin siya sa binata at bahagya itong ngumiti.
“Everything will be alright, kaya natin ito.”
Sabi nito, kaya marahan din siyang ngumiti saka sila pumasok sa loob.
Maraming tao ang naroon at ang iba ay napapatingin sa kanila dahil sa magkahawak nilang kamay.
Marahil iniisip ng mga ito na girlfriend siya ni Hunter.
“Hunter–.”
Piksi niya pero lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at ang loko pinagsalikop pa talaga?
Hanggang sa makarating sila sa harap ng dalawang kabaong.
Pumikit muna siya bago tinignan ang kapatid.
Napakaganda nito sa suot na tila natutulog lamang.
Bumalik sa kaniya lahat ang masasayang alaala ng kapatid.
Napakabait ni Reena sa kanila ni Blake. Mula noong maulila sila sa mga magulang ay pinagtulungan nila ng kapatid na pag-aralin ang mga sarili at sa awa ng Diyos sa dami ng hirap na kanilang pinagdaanan ay nakatapos sila ni Reena ng kolehiyo at agad na nakahanap ng magandang trabaho.
Lumuwas sa manila ang kapatid kahit ayaw niya itong payagan noon dahilan nito mas maganda at maraming opportunity daw sa manila kaysa sa probinsya.
Ayaw nitong mabulok sa probinsya at dito na nga niya nakilala si Harry.
Bata pa noon si Blake kaya siya na ang nag-alaga sa kapatid at sa probinsya na nga siya pumirmi bilang isang teller sa bangko.
Naging maayos naman ang lahat at minsan sa isang buwan sila dalawin noon ng kapatid.
Hindi na niya napigilan ang mapahikbi sa mga oras na iyon habang pinagmamasdan ang kapatid na nasa loob ng kabaong.
Panay ang agos ng kaniyang mga luha na hindi maampat ampat.
Nagulat pa siya ng biglang may humawak sa kanyang balikat
at marahang hinagod iyon saka siya pinasandal sa balikat nito.
Napaangat pa siya ng tingin at tumambad ang walang emosyon na si Hunter.
Pinasandal siya sa dibdib nito at doon siya malayang umiyak.
Inilabas niya lahat ang bigat na kaniyang nararamdaman.
Gusto sana niyang maglupasay ng iyak kaso bigla siyang nahiya dahil hindi isang simpleng burol lamang ang nasa harapan niya ngayon kundi isang napaka disente at eleganteng burol na talaga namang ginastusan.
“Magiging okay din ang lahat.”
Sabi sa kaniya ni Hunter habang hinahagod siya sa likod.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak, bigla tuloy siyang nahimasmasan ng mapagtanto ang itsura nila ni Hunter.
Nakayakap siya sa binata na akala mo’y totoong magkasintahan.
“P-pasensiya ka na, hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko.”
Nahihiyang sabi niya habang pinapahid niya ang luhaang mukha.
“It’s okay.”
Sagot naman nito.
Nang ayain siya nitong umupo ay napasunod na lang siya sa binata.
Nahihiyang nagbaba siya ng tingin dahil sigurado siyang pinagtitinginan sila ng mga tao doon. Nakakahiya talaga!
“Anong plan mo?” Pagkuwa’y tanong sa kaniya ng binata.
Napatingin siya dito.
“Plan?”
Ulit niya sa sinabi nito.
“Yeah, kay Baby Austin.”
Sagot nito.
Anong tungkol sa bata?
Hindi niya ma gets kung ano ang sinasabi nito.
“Magkasama nating aalagaan si baby.”
Sabi nito at napanganga siya sa narinig.
Anong magkasama? Paano?
Titira sila sa iisang bubong ganun?
“Hindi ka na babalik ng probinsya, dito ka na maninirahan sa manila at magkasama nating aalagaan si baby.”
Seryosong sabi nito, saka napabuntung-hininga.
“M-may–.”
“Ayaw mo?”
Putol nito sa kaniyang sasabihin.
“Hindi naman sa ayaw, kaso–
“Then what? May boyfriend ka sa probinsya na hindi mo maiwan?”
Nagsasalubong ang kilay na tanong nito.
Teka lang ha! Masyado naman yatang mabilis ang binata sa sinasabi nito.
“May trabaho ako sa probinsya, hindi ko naman basta maiiwan ng ganun kadali.
Malumanay na sagot niya.
Kung wala lang sila siguro sa burol ng mag-asawa baka nasigawan na niya ito ng wala sa oras.
“Mag resign ka na, ako na ang bahalang magpapasahod sayo.”
“Ano?”
Napanganga siya sa sinabi nito.
“Magkano ba ang sahod mo? Dodoblehin ko! 100k a month okay ka na?”
Namilog ang kaniyang mga mata sa narinig.
100k a month?Seryoso? Ni wala pa nga sa kalahati ang sahod niya sa banko.
“Hindi dahil sa ayaw kong alagaan si baby Austin–.”
“Anak rin siya ng kapatid mo, remember?”
At ginawa pa talagang alibi ang kaniyang yumaong kapatid.
May magagawa pa ba siya? Makakatanggi pa kaya siya?
Naiinis na tumayo siya at iniwan ang binata saka siya lumabas.
Kailangan niya ng sariwang hangin dahil naninikip ang kaniyang dibdib.
Naiinis talaga siya kay Hunter!
Para naman kasing napakadali lahat dito.
Palibhasa mayaman, lahat ng gugustuhin nakukuha agad nito. Ayaw naman niyang magdesisyon ng padalus-dalos.
Nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa kaniyang sling bag at tinignan kung sino ang tumatawag.
Si James. Ang kaniyang matalik na kaibigan.
“Hello James..”
“Hi sweetheart, kumusta ka diyan? Ayos ka lang ba?”
Agad na tanong nito sa kaniya.
“O-oo, okay lang ako dito.”
Garalgal na sagot niya.
“Alam kong hindi ka okay, sabi ko naman sayo samahan na kita diyan eh, gusto mo bang sumunod ako diyan?”
Sabi pa ng kaibigan.
Kahit kailan maaasahan talaga ang kaibigan sa lahat ng oras.
“H-hindi na, ano ka ba. Okay lang ako dito.”
Aniya. Kasi kapag sinabi niyang hindi siya okay, pupuntahan talaga siya nito at walang makakapigil dito.
Gusto nga siya nito ihatid dito sa manila para masiguro na safe siyang makakarating sa siyudad pero siya na ang tumutol. May trabaho din kasi ang binata at ayaw niyang maistorbo din ito.
“Are you sure?”
Paninigurado pa nito.
“Oo naman.”
Pinasigla niya ang boses upang huwag na ito mag-alala sa kaniya at baka sumunod pa ito ng manila na wala sa oras.
“Fine, basta kapag hindi ka okay tawagan mo ako agad ha? Nandito lang ako sweetheart.”
Sabi pa ng kaibigan.
See? May mahihiling pa ba siya? Napaka swerte nya diba dahil may kaibigan siya na pwedeng takbuhan anumang oras.
“Oo, thank you talaga.”
“Oh siya sige na, tatawag ako ulit mamaya. Mag-iingat ka diyan lagi ha?”
“Oo, ikaw din.”
“Pag-uwi mo kakain tayo sa paborito nating kainan.”
“Seryoso?”
“Oo naman!”
“Wow! sure ha, asahan ko yan.”
“Syempre naman sweetheart, sige na, may gagawin lang ako saglit. I miss you!”
“I miss you too James.”
Sagot niya, at nawala na ito sa kabilang linya.
“Boyfriend mo?”
Nagulat pa siya ng may magsalita sa kaniyang likuran.
“H-Hunter?”
“Sinong kausap mo? Boyfriend mo?”
Ulit na tanong nito at mariing nakatitig sa kaniya.
“H-hindi.”
“Eh ano? Sino ba iyon?”
Nagsasalubong ang kilay na tanong parin nito.
Teka lang ha! Bakit ba anong problema nito at tila galit na naman yata sa kaniya.
“K-kaibigan ko..”
Sagot niya.
“Really huh? Tapos may pa ‘ i miss you’ pang nalalaman.”
Nakangising sabi pa nito.
“Ano naman ngayon sayo? Natural kaibigan ko yun!”
Inis na sabi niya.
“Okay!”
Sabi nito saka padarag siyang iniwan at bumalik ulit sa loob ng chapel.
“Kainis!”
Nakasimangot na sabi niya ng tuluyang mawala ang binata sa kaniyang harapan.
Masyadong pakialamero eh!
“Ate..”
Umiiyak na niyakap siya ng bunsong kapatid.
Ito na ang araw kung kailan ililibing ang mag-asawa.
Napakaraming tao sa sementeryo. Punung-puno ng mga bulaklak at puting lobo ang paligid.
Tahimik lang siya habang panay ang agos ng di maampat-ampat na mga luha.
Napatingin siya sa kaniyang gawi. Si Hunter, nakatayo at nakita niya ang ginawa nitong pagpunas sa mga mata.
Sa tabi naman nito ay ang yaya habang karga nito si baby Austin na noon ay natutulog.
Lalo siyang nahabag ng makita ang pamangkin.
Paano na lang ito ngayon?
Kaya nakabuo siya ng isang desisyo, magtutulungan sila ni Hunter na alagaan ang baby at ibibigay nila ang buong pagmamahal ng isang magulang dito.
Matapos ang libing at pinalipad na ang mga lobo ay unti-unti ng nagsiuwian ang mga taong nakilibing.
Ang iba ay lumapit sa kanila at nakipagkwentuhan saglit bago nagpaalam sa kanila.
Nauna na ring umuwi sina Blake sumabay na siya kina Nanay Magda, sila na lang ngayon ni Hunter ang naiwan dito sa sementeryo.
Walang nagsasalita.
Kapwa sila nakatingin sa kawalan.
“Paano na si Austin ngayon.”
Pagkuwa’y sabi nito.
Napatingin siya dito.
“Magkasama natin siyang aalagaan diba?”
“Hunter–.”
“Mag resign ka na sa trabaho mo, ako na ang bahala sa lahat.”
“Hindi naman sa ayaw kong alagaan si baby, nag-aaral pa kasi yung bunso namin sa kolehiyo.”
“Kaya nga ako na ang bahala sa lahat diba? Huwag mo na isipin yung pag-aaral ng kapatid mo dahil ako na ang bahala doon, kung gusto mo siyang isama dito sa manila at dito na rin magpatuloy ng pag-aaral okay lang.”
Napanganga siya sa sinabi ng binata.
Hindi naman ito mukhang nagbibiro dahil alam niya na wala ito sa kaniyang bokabularyo.
“Hindi naman kasi ganun kadali.”
“Kapag gusto maraming paraan, unless ayaw mo talaga dahil may maiiwan ka sa probinsya niyo.”
Nakakunot-noong sabi nito.
“Ano?”
“Come on, siya ba yung katawag mo noong isang araw?”
“Si James yun!”
Inis na napatayo siya mula sa pagkakaupo.
“See?”
“Kaibigan ko yun! saka pwede ba, ano bang pakialam mo ha!”
Nagsasalubong ang kilay na sabi niya.
“Kasi sigurado ako na siya yung pumipigil sayo ngayon kaya hindi ka pumapayag.”
“Bahala ka!”
Iniwan niya ang binata at napasunod naman ito sa kaniya.
“Celeen!”
Hinawakan siya nito sa siko pero tinabig niya ang kamay ni Hunter.
“Ano ba!”
Inis parin na sabi niya saka siya naglakad palayo sa binata.
Hindi pa man sila nagsisimulang mag-alaga ng bata para na silang mga aso at pusa.