“Really?” Tanong sa kanya ng kaibigan. Nandito na naman sila sa bar na madalas nilang puntahan. “Y-yeah..” Sagot niya, saka napa buntong-hininga. “So, anong plano mo?” “Wala akong plano para kay Val.” Sagot niya. “Paano kapag pinuntahan ka niya sa bahay niyo, tapos makita niya si Celeen?” Oo nga naman, hindi niya agad naisip yun at malaking gulo kapag nagkataon. Kilala niya ang dating nobya, wala itong pinipili na lugar kapag gusto nitong mag eskandalo. Palibhasa, nag-iisang anak kaya lahat ng gusto nasusunod. “Paano kapag saktan niya si Celeen kapag nalaman na siya ang girlfriend mo?” “Hindi naman ako makakapayag na gawin niya iyon kay Celeen.” Aniya, huwag lang magkakamaling saktan ito ni Valerie dahil baka pagsisihan niya ang gagawin nito. “Sasabihin mo ba kay Celeen ang

