“Come on!” Nakangiting nakahawak ito sa kanyang mga kamay habang karga nito sa kabila si baby Austin. Larawan ng isang masayang pamilya. “Good morning ma’am, Good morning sir!” Lahat ng kanilang madadaanan ay bumabati sa kanila at may kasama pang kantyaw. “Ang ganda naman ng misis mo sir Hunter!” Puri ng isang babae sa kanya. “Oo nga, parang artista noh?” Sabad naman ng isa. “Napaka simple lang niya pero lutang na lutang ang ganda niya!” Singit pa ng isang bakla at hinampas pa ang katabi nito. Napaka simple lang naman ng suot niya na bestidang itim na above the knee, sleeveless iyon kaya nagmamayabang ang mapuputi niyang braso at hapit na hapit sa kanyang maliit na baywang. Tinernuhan na lang din niya iyon ng flat black sandal. Nag polbo lang siya at hindi na nag abalang magl

