Chapter 5
I was wearing a Blue off shoulder dress siya simple lang pero mukhang formal na ang dating nito with matching doll shoes okay na’to.
Tignan nga natin Lucifer kung mukha pa akong manang sa suot ko.
Ang aga ko ngayon grabe! 7 0’clock nandito na’ko ano ka ngayon boss late ka nanaman.
Chinecheck ko yung mga schedule ni boss grabe ang dami kung pinuntahan niya siguro kahapon yung iba baka hindi siya full load ngayon.
Patapos na ako sa presentation ni boss pero 8am na wala pa siya dito aba’t pinagtripan na yata ako e.
“my Schedule”,
“ay! Lucifer”
grabe ba’t kasi walang goodmorning schedule agada gad?
“wala man lang goodmorning, Sir?”
“I’m not your student, Castillo” seryoso niyang sagot.
E, pampagoodvibes lang naman pambihira boss.
“Whatever. Meeting with Mr. Rosales at 10 AM, Board meeting 1 PM, dinner meeting with mr. Lim at 6 PM, Appointment of Vivan Resort in Laguna, Vivan Airport Terminal #2 and last hiring for new Pilot in Vivan Airport terminal #3”
“Castillo, watch your words I’m still your boss. Or if you don’t behave that much I’ll fire you”
pagbabanta niya“You’re not the one who hired me, you’re just my boss, you don’t have the rights to fire me because you’re not the one who hired me” sagot ko sakanya at ngiting-ngiti pa ako.
Pero akala ko tapos na lumapit siya sa akin hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa half inch na ang pagitan ng mukha ko sa kanya.
I feel his warm breath shemms! At bumulong sa tenga ko “Try me Castillo, Have you ever seen an angel turns to Devil?” sa sinabi niyang yun ramdam ko ang init sa pisngi ko.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng pumasok na siya sa office niya.
“Angel daw e, devil na siya as in evil” paulit-ulit kong sinasabi sa sarili.
Habang hinihintay ang oras para sa meeting ni boss kay Mr. Rosales naisipang kong imessage ang buhayko.
Ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam ito na yung kinakatakutan ko sa lahat e.
“Babe how are you? I miss you”
“Babe? If you read this message kindly call me? I do really miss you”
Hinihintay ko siyang mag-online pero wala akong nahintay malapit ng mag lunch at yun na rin ang time para sa meeting nina Mr. Rosales at CEO.
Pero nakakadismaya lang na yung inspirasyon ko walang paramdam. Parang gumuguho ang mundo ko.
“Good morning miss,I’m Edenson Rosales CEO of RV Group of Enterprises”
Nagulat na lang ako ng may nagsalita. Akala ko sa Rosales na ito matanda na pero parang bakit tila napapaligiran ako ng anghel ngayon?
Siguro pinapasabi ni Zedrick na gabayan ako ng mga anghel para sakanya. Hala! Hindi patay si Zed!!
“ahm, good morning Sir, I’m Sweden Mr. CEO’s secretary follow me sir”
When we entered the room nakita kong nasa long table na si boss.
Wow! Talagang on time siya. Akalain mong magi-stay sana ako doon pero pinalabas ako. Akala ko secretary?
Akala ko yun dapat ang gawin? Sabagay yun yung rule niya e, naalala ko pa mahirap nang mawalan ng trabaho.
Habang hinihinty sila na matapos ang meeting syempre f*******: muna nagbabakasakaling nakaonline ang mahal ko.
Na-excite ako ng may message siya at online! Omygosh my life, ang buhay ko!!
“Hi Zen, sorry for not answering your messages for this past few days. I’m sorry babe, but I need to do this. This is for you my love kung bakit ko gagawin ito, you know that I am the heir of Hidawine and my mom is so powerful she will do everything to protect me and to touch you, to hurt you and you’ll know that I wouldn’t let anyone hurt you. This is the last message that you can receive coming from me my Zen. We’re done now, thank you for the 2 years of love and happiness Zen. Someday you will find a man who is better than me. Yung willing at kaya kang ipaglaban sa lahat ng bagay at alam kong hindi ako yon. You deserve someone better. I’m sorry, Zen.”
Ano?? tekA! Bakit parang biglaan naman yata?? Bakit agad-agad?
Bakit ganoon?
Bakit ang dami kong tanong?
Sino naman kasi yung matinong tao na ‘yan ang rason.
Alam niyang kaya niya akong ipaglaban nakaya naming ng tatlong buwan tapos break sa chat???
Makatarungan ba yung sa chat lang?? Paano ko siya rereply’an blinock niya ako!! Ang dami kong tanong!!
Alam mo yung masakit ditto?? Yung plano na ang lahat, yung siya na ang mapapangasawa mo, kung kalian at saan kayo ikakasal ilan ang anak!
Pero sana hindi na lang nagplano kung hindi naman niya itutuloy!
Sana nagpaniwala na lang ako na bawal yung mga planado dahil hindi daw matutuloy. Kaya yan mukhang nagkatotoo nga.
Ang sakit lang na break up sa chat! Napaka imature naman, sana umeffort man lang kahit makikipagbreak na.
Yung tipong may flowers tapos may cake ang naksaulat ‘I’m Breaking Up with You’ ganon dapat para naman tagos na tagos talaga.
O di kaya kantahan na lang ako ng break up songs tapos sasabihin niyang ‘Goodbye’ O, diba?
Atleast katanggap-tanggap yun may effort pa e yung sa chat walang ka effort-effort.
Pauli-ulit kong binasa ang message niya paulit-ulit kong sinesearch ang pangalan niya sa fcebook pero block na.
Siya pa yung makapal ang mukhang makipagbreak tapos mambloblock! Ang bading mo Zedrick!
Pagkatapos ng ilang oras nakita kong palabas na sina Mr. Rosales at Mr. Santiago.
Ang seryoso nilang naglalakad parang wala lang ako ditto parang walang tao.
Hayss! Ibinagsak ko na lang ang pag-upo ko at titig na titig ako sa cellphoneko nagbabakasakaling tumawag pa ito.
Narinig kong tumunog ang phone ko dali-dali ko itong tinignan nagbabakasakaling si Zedrick baka bawiin niya diba?
Malay mo. Bakit ba mahal ko e.
Fr. BosskongDemonnyo
Nadismaya akong iba ang nagtext. Bakit si boss pa siguradong may iiutos nanaman ito.
“Go eat your lunch”
Hayss! Wala akong gana!
Pati ba naman sa oras ng pagkain siya pa rin ang masusunod.
1 PM nasa labas ako ng conference room hinihintay ko yung mga board members.
Siguradong nakabusangot ngayon si Boss ayaw niya ng late kasi lagi siyang on-time.
“Miss Castillo, just stay here. Don’t bother to go inside.”
Nakita ko siyang nakatayo sa malaking pintuan.
Ang naaalala ko kumpleto na sila, nakita ko si Mr. Rosales na kumakaway sa likuran ni Boss nginitian ko na lang siya para hindi mapahiya.
“Mr. Rosales is a womanizer don’t assume that he likes you” tumalikod siya at biglang sinarado ang pintuan ng pagkalaks-lakas.
Masama na ngayon yung maging friendly? So, issue?
Makikipagkaibigan, issue? Sabagay nasa Pilipinas tayo LAHAT ISSUE!