Chapter 6

934 Words
Chapter 6 Sweden’s POV Wala pang isang linggo na nagtrtrabaho ako sa company ng Vivan pero feeling ko pagod na pagod na ako. Naalala ko kahapon 7:00 PM ako umuwi dahil itong boss ko hindi ako pinauwi hanggat hindi natapos ang mga meetings. Parang hindi nga ako secretary, parang guard dahil lagi akong nasa labas taga bantay ba? Nasa elevator ako ngayon papunta sa office ng magaling kong boss. Sa katunayan kailangan ko ng trabaho kaya takot akong hindi sundin yung mga rules ni MR. CEO mahirap na kapag natanggal ka ng dahil lang doon. 7:00 wala pa si Boss. Mukhang pinagloloko lang naman ata ako ni Boss e. Sa sobrang gulat ko muntik na akong mapasigaw! Akalain mo ba namang pabigla-biglang tumunog. “I said COME. BEFORE. I. COME” what?? Teka? “Sir, good morning. Anong oras po kayo nandito?” syempre ngitian mo nakikita niya kaya ako sa loob. “6:00 AM MS. CASTILLO” ang aga?! “Sorry po sir traffic po kasi e” “Come to my office” Pag ang boss talaga nag-utos go lang ang ate niyo. Mas maganda yung marami kang ginagawa para daw makalimutan yung mga nararamdaman. “Sit” utos niya sa’kin. Naniniwala ka nang para akong aso? HAHAHAHA zsyempre joke lang ganda-ganda ko no. “You break my one rule Ms. Castillo” “Sir traffic po, baka ditto po kasi kayo nakatira sir kaya sobrang aga niyo?” syempre nakangit pa rin ako para mawala ang badvibes. “Hindi ako nakatira dito Ms. Castillo” huminga siya ng malalim. Doon ko lang nakita na maganda ang mga mata nito. “Anyway, kindly buy me a a dozen of chocolates and a bouquet.” “para kanino po? Bakit hindi na lang po kayo ang bumili para naman po may halong effort at sweetness?” yun lang ang lumabas sa bibig ko. “Hindi ko hilig” yun lang?? hindi hilig?? “Sir, kung mag-eefort ka todo-todo na. Hindi yung ako pa ang bibili para sa girlfriend mo po boss. Kung wala kang hilig try mo po para sa mahal mo. Mas importante parin po ang efforts kaysa sa material na bagay sir.” “Then? If I don’t show any efforts?What will gonna happen?” “Syempre sir ang mga babae praning ‘yan kapag hindi ka nageeffort iniisip nilang hindi mo siya mahal. Mapupunta ‘yan sa break up sir, lalo na kung pinaparamdam mo talaga ng sobra.” “What if nakipag-break ako?” tanong ulit ni Sir. “Nasa iyo na kung magbrebreak kayo sir. Pero kung makikipagbreak ka lang ng walang karason-rason ikaw ang kawawa. Kahit makipagbreak sir doon ka man lang umeffort para naman damang-dama talaga yung tagos sa puso na sir para naman malaman niya na hindi na pwede.” “So, bibili ka ba o sesante na para tagos na tagos at damang-dama mo pa?” Ang galing mong magpaikot boss! Napakagaling talaga. “Opo boss, heto na po aalis na po ako” *Mall So ngayon pumunta ako ditto sa mall, mall kung saan lagi naming pinupuntahan ni Zedrick. Sa katunayan nga sakanila itong mall na ito. Ang daming alaala nitong mall na ito siya ang saksi sa pagmamahalan naming ni Zedrick. Pumunta ako sa favorite Chocolate Store na lagi naming pinipuntahan ni Zedrick. Maraming iba’t-ibang chocolates ditto like Vosges Haut-Chocolat, Valrhonna at marami pa pero ang pinakagusto ko yung Teuscher which is made from Switzerland. “Ma’am Zen! Wow matagal-tagal na po kitang hindi nakita rito ma’am! Kamusta po?si Sir Zedrick po?” “Hehe Sorry jenny hindi ko siya kasama e, nasa ibang bansa na siya” pilit ang ngiti ko alamko masakit talaga sa puso kase ang babaw yung dahilang kung bakit siya nakipaghiwalay. “Sayang naman po ma’am namimis ko na po yung gwapo niyng mukha.” Pilit akong ngumiti sa kanya wala akong masagot baka umiyak pa ako mahirap na. “HEhehe. Jenny 1 box of Teuscher please.” “Paborito niyo po talaga ito ma’am ano?Bibigyan na lang po kita ng dalawang box ma’am kase po suki ka namin” napangiti na lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos kong bumili ng ng chocolates pumunta na rin ako sa Flower Shop. “Ma’am Zen! Anong meron?” Oo nga pala hindi ko alam kung kanino bai to para bas a date or what? “Mang Arthur hindi ko po alam e, pasensiya na po” “HAHAHAHA” grabe tinawanan lang ako? “Bakit hindi na lang yung paborito mong bulaklak?” pwede naman pero baka hindi magustuhan sa pagbibigyan. Kuntento ako sa chocolate no kase nga masarap yun. Pero sa bouquet ako dehado. “Pwede rin po. Pero…..sige po yun na lang” “Ma’am heto yung card pakisulat na lang po” ito ng apala yung shop na lagi naming pinupuntahan ni mama. Lalong lalo na kapag dinadalaw namin si Dad kaya kilala ako rito. *Office Inilapag ko na lang yung mga pinamili ko sa table ko , alam na bawal pumasok sa loob kapag walang sinabi. Kaya heto ulit ako balik sa dati hayss. **After how many hours Muhang nangangayayat itong batok ko grabe! “Ms. Castillo?” nagulat na lang ako na nasa harapan ko na siya. “Sir?” “You may go.” Yun lang at kinuha na niya ang mga pinamili ko. Time check 6:35. Haysss! What I’ve learned for today is TIME IS GOLD.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD