"Where do you think you're going?" maang na pagtatanong nito sa akin. Hinarap ko na ito at nakitang nakapamulsa lang siyang nakatitig sa akin, his wearing a business suit that really fits his masculine body— business man talaga ang datingan ng lalaking ito. Umirap ako sa hangin, kasabay nang marahas kong pagbuntong hininga. "Alam mo naman na siguro kung anong buhay ang mayroon ako, hindi ba? Daddy wants me to marry another man— for f**k's sake, Evan! Binebenta nito ang sarili niyang anak. I can't take it anymore!" sigaw ko, kalaunan nang mahinto sa ere ang bibig ko nang matantong napalakas ang pagsigaw ko. Napahilamos ako sa mukha at mabilis ding nag-iwas ng tingin nang mapansing purong paninitig lang ang ginagawa sa akin ni Evan. Hindi man lang nagbago ang expression nito sa mukha at

