Good night lang? Wala man lang bang pa-unan o kumot diyan? Marahas akong napabuga sa hangin. My, God! Ano ba itong pinasok ko? Bakit naman si Evan pa ang kailangan kong pakisamahan ngayon? Samantalang daig pa nito si Elsa kung magyelo at manlamig. Wala na akong nagawa. Bagsak ang balikat kong tinungo ang sofa habang malalakas ang yabag ko, tipong ipinaparinig pa kay Evan na nagdadabog ako. Bwisit siya. Sa paglalim ng gabi ay makailang beses yata akong nagpagulung-gulong sa kinahihigaan para lang mahanap ang tamang pwesto. Malaki naman ito pero hindi lang talaga ako kumportable. "Oh, Jesus!" mariing sigaw ko at hinampas pa ang magkabilaang gilid sa sobrang yamot. Anong oras na at heto ako na parang tanga, pilit hinihele ang sarili sa pagbibilang ng puting tupa. Anak ng teteng, kaunti n

