Hinintay ko munang makaalis ang kotse ni Evan, isang kaway pa ang iginawad ko sa papalayong sasakyan nito at nang mawala sa paningin ay doon lang ako tumalikod. Nakabukas na ang gate sa bahay namin, naghihintay na lang din ang isang guard sa pagpasok ko. Mahina akong napabuntong hininga bago nagpasyang pumasok. Mabagal ang mga yapak kong tinatahak ang daan patungo sa loob ng sala. Kagaya ng pangkaraniwang araw ay tahimik ang buong bahay, wala akong makitang tao maliban na lang kay Kuya. Naroon ito sa sala, nakadekwatro ang kaniyang mga paa habang ang atensyon ay naroon sa binabasang diyaryo. Mayroon pa siyang suot na salamin para sa mata. "Kuya!" sigaw ko bago kumaripas ng takbo palapit sa kinaroroonan niya. Nagulantang pa ito at halos mabitawan niya ang hawak na baso na may lamang ts

