"Careful, Via!" singhal sa akin ni Evan nang magkunwari akong nagpagewang-gewang. Malakas naman akong tumawa saka patalon na bumaba sa tulay habang mahigpit pa rin ang hawak nito sa kamay ko, na para bang ayaw akong pakawalan. Narito na kami ngayon sa seaport area at kakadaong lang ng yate, inabot marahil kami ng higit isang oras dahil si Evan mismo ang nagmani-obra ng yate pabalik dito sa dalampasigan. Pasado alas singko pa lang ng umaga kaya ramdam na ramdam ko sa balat ang pang-umagang lamig, lalo na ngayong nasa dalampasigan pa kami kaya mas lumamig ang hangin. Ang mga puno sa paligid ay dinig na dinig ko ang langitngit at bawat paghampas nito kasabay ng hangin. Sariwa at maaliwalas, tila ba sinasalubong ang pagdating namin ni Evan. "Don't do that again," aniya saka ako nilingon

