Mabilis kong isinarado ang pintuan sa kwarto ko saka deretso ang naging tungo sa nakabukas na balkonahe. Humampas pa sa mukha ko ang malamig na hangin. Alas onse na ng gabi, madilim ang kalangitan at tanging street lights na lang ang nagsisilbing liwanag sa kalsada. Tanaw ko pa mula rito ang mababang parte ng Tagaytay City. Actually, it's been a month simula nang makalabas ako sa Hospital. And honestly, ang daming nagbago— I mean, lahat. Lahat ay nagbago sa isang iglap. Malakas akong napabuntong hininga. Kasabay nito ay ang pagkatok mula sa pintuan, nilingon ko iyon at nakitang unti-unti itong nagbubukas para sa taong papasok. Nagulat pa ako nang si Ate Celestine ang bumungad sa paningin ko. Noon kasi ay palaging si Blaze ang gumagawa no'n but then, everything have changed. Kumunot an

