Chapter 18

1565 Words

Gulat na napatitig ako kay Evan, hindi pa rin makapaniwalang pinagmamasdan sa kung paano siya tumawa. Nagmistulan pang musika iyon sa pandinig ko. Jesus! Achievement unlocked! "Tu—tumatawa ka na, Evan," tila baliw kong sambit saka pa itinuro ang mukha niya. Sa sinabi at ginawa ko ay awtomatikong tumigil ito sa pagtawa, bumalik ulit ang seryoso niyang mukha na parang sa isang iglap ay ganoon kadali magbago ang emosyon niya. Kumunot ang noo ko at maang na lamang na napatitig dito, mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. Mayamaya pa nang mapansin ko ang pamumula ng kaniyang tainga. Kasabay nito ay ang pamumula rin ng magkabilaan nitong pisngi, nakagat niya ang pang-ibabang labi bago tumingin sa gawi ko habang malalamlam ang mga matang napatitig sa akin. Napalunok ito sa sariling laway

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD