Paglabas namin ng gubat ay naghihintay ang mga maliliit na nilalang na nauna na naming nakita. Napag alaman namin na nagkahiwa hiwalay ang grupo nila at matagal ng hindi nagkikita dahil hindi sila makatawid sa gubat. Nilinis at ginamot nila ang mga sugat namin at naghanda pa sila ng mga halamang gamot na maiinom namin para maghilom ang mga natamo naming sugat. "Epektibo rin ito sa bali sa pakpak mo. Kailangan lang ng ilang oras bago tuluyang gumaling," sabi ng matandang nilalang na sa palagay ko ay pinuno nila. "Salamat." Umiling ang matanda. "Salamat sa inyo dahil mabubuo na rin ang mga pamilyang nagkawatak watak sa mga kalahi ko. Sa dami ng sumubok makapasok at paslangin ang halimaw ay kayo lang ang nagtagumpay. Maliit na kabayaran lang itong ginagawa namin para sa inyo. Pero nangan

