Sa pagbalik namin sa kinaroroonan ng iba ay nagkakasiyahan na ang mga nilalang. Dahil ang mga kalahi nilang nasa kabilang dulo ng gubat ay nakatawid na at sa wakas ay nakita na ang kani kanilang mga pamilya. Nakita ko maligalig ang matanda na may hinahanap sa mga kalahi niyang kadarating palang. Nang umaliwalas ang mukha niya. Gumuhit ang malawak na ngiti. Hindi nagatagal ay may isa pang kalahi nila ang tumakbo papalapit sa kanya. Mahigpit na yakap ang sinalubong nila sa isa't isa kalakip ang mga luha ng ligaya. Sa sobrang saya ng mga maliliit na nilalang ay unti unting tumubo ang mga maliliit na halaman sa kani kanilang mga paanan. Lumawak nang lumawak ang sakop nito hanggang sa tuluyang makarating sa gubat. Nakakamanghang makita na ang mga maliliit na nilalang ay kayang kayang baguh

