Agad akong yumuko nang makita ko Alec. Hindi man ako sigurado sa ginawa ko sa kanya pero parang nararamdaman kong may mali nga akong nagawa. Magandang pagkakataon na rin siguro ito para matanong ko siya ng personal. Kinabahan ako nang pumasok siya sa loob. Nanatiling nakabukas ang pinto kung saan siya pumasok. Pakiramdam ko ay hindi na siya komportable sa akin hindi katulad dati. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Bahagya kong itinaas ang mukha ko pero nananatiling wala sa kanya ang tingin ko. "Maayos naman. Naguguluhan lang ako sa mga nangyari. Wala kasi akong matandaan." "Pwede ba akong lumapit sa `yo?" Nag alilangan ako. Paano kung saktan niya ako? Kung sinaktan ko nga siya at muntikan pang mapatay, may sapat siyang dahilan para balikan ako. "Huwag kang mag alala. Gusto ko lang pakiram

