Tahimik ang lahat na kumakain sa hapag kainin. Hindi ko magawang tignan sila. Kahit pa pinatawad na ako ni Alec ay hindi ko pa rin maramdaman ang tulad ng dati. Siguro nga au hindi ko na maibabalik iyon. Sa hapag kainan na iyon may pwesto si Ingkong Pablo. Wala pa ring umuupo sa pwesto niya. Ang hirap lunukin ng pagkain ay parang ang kasalanan ko na bumubuwal sa lalamunan ko. Ibinaba ni Archer ang hawak niyang kutsara. Kumanlasing iyon at tinignan siya ng lahat. "Kamusta ang naging lakad mo, Garran?" Hindi ko man mapunto kung ano pero may nagbago kay Archer. Iba na siya kung magsalita ngayon. Pinapakinggan na ang dating tahimik at takot na si Archer. "Hindi ako hinarap ni Pinunong Goro pero nakausap ko si Binibining Damia. Inurong na nila lahat ng plano alang alang sa pagdadalang tao

