Nakaupo sina Garran at Lora sa silid tanggapan kung saan nakaharap sila sa amin. Katabi ko si Aviana at Alec habang sina Aryana at Ezro ay naglalaro sa labas kasama si Ivan. Pumayag si Lora sa alok na kasal ni Garran. Masaya naman kami lahat, lalo na ako. Hindi lang dahil magiging malaya na kami pareho ni Lora sa koneksyon namin sa nakaraan kundi dahil nakikita ko na nagmamahalan naman talaga ang dalawa. "Mas mabuti kung mauna ang kasal ninyo tutal sa isang buwan pa naman ang kasal namin ni Archer. Pinapalakas ko pa naman ang mga paa ko." Masaya si Aviana nang ibalita ko ang nangyari. Isa rin siya sa nakahalata sa pagmamahalan ng dalawa. Tumingin si Garran ay Lora. "Payag ka ba na magpakasal tayo agad?" Namumula ang mga pisngi ni Lora. Nararamdaman ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso

