SIMULA NANG malaman ko ang panig ni Magnolia, nag-iba ang tingin ko kay Datu Ramir. Napakaraming tanong ang nabubuo sa isip ko. Hindi ko na alam kung sino at ano ba talaga ang paniniwalaan. Ang mahirap pa, maging ang tiwala ko kay Archer ay unti-unting nagbago. Sa tuwing makakasama ko sila sa iisang lugar ay hindi ko maiwasang makaramdam ng bugso ng galit sa aking dibdib. Alam kong napapansin ni Archer ang pagbabago sa ugali ko. Ilang beses niya akong sinubukang kausapin. Madalas niya akong tingnan sa mga mata at sumesenyas na umalis kami o mag-usap, gayon din naman ako. Gusto ko rin naman siyang makausap. Hindi rin ako kampante sa galit na nararamdaman ko dahil alam kong nadadamay lang siya rito. Ngunit sa tuwing susubukan kong magsalita, dumarating si Datu Ramir dahilan upang tumigil ak

