HINDI AKO makapaniwala sa mga salitang sinabi ni Archer. Ngayon alam ko na kung gaano talaga kasama si Datu Ramir. Sa nangyaring sa sitwasyon namin ngayon, mas pinaniniwalaan ko si Magnolia. Niyakap ko nang mahigpit ang lumuluhang si Archer. Hirap na hirap na siya sa sitwasyon at hindi na ako makakapayag na makaramdam pa siya ng kahit na anong sakit mula sa mga ninuno niya. Hindi na ako papayag na sasaktan siya nino man at lalong-lalo na ni Datu Ramir. "Hahayaan mo ba siya sa gusto niya?" tinanong ko pa rin siya upang makasigurado. Kilala ko si Archer, alam kong hinding-hindi niya ako sasaktan lalo pa't nasa sinapupunan ko ang anak namin. Umiling si Archer at banayad na hinawakan ang tiyan ko. "Hindi ko kayang gawin sa inyo 'yon. Mamamatay muna ako bago niya kayo mahawakan." Pinunasan

