SINADYA NI Archer na palipasin ang unang bahagi ng gabi. Kinausap niya ang mga bantay sa bahay upang huwag silang magduda. Inobserbahan ang bawat sulok ng kanilang dinaraanan sa bawat paglakad ng oras. Wala akong inihanda na gamit o ano man. Ang sarili ko lang ang dadalhin ko sa pagtakas namin sa lugar na ito. Umaasa na sa paglayo namin sa sumpa ay magiging masaya kami sa piling ng isa't isa. Sumilip ako sa itim na kalangitan, ang maliwanag na sinag ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa gitna ng kakahuyang nakapalibot sa aming tirahan. Ang pagsipol ni Archer ang hinihintay ko. Hudyat na maari na akong lumabas ng kwarto. Sa tahimik ng gabi, narinig ko ang boses ni Archer na tila ba kausap ang isa sa mga bantay. Bahagya akong nagtago sa gilid ng bintana nang makita ko ang dalawang ta

