"Isang linggo?" Laking gulat ng dalawa kong kasama nang sabihin ko sa kanila na isang linggo na kaming nanirahan sa bayan ng mga ahas. "Baka nga hindi na talaga tayo nakalabas roon kung hindi ko narinig si Aviana sa isip ko. Mabuti nalang at narinig ko ang boses niya. Binalaan niya akong huwag inumin ang alak." "Ibig bang sabihin alam niyang hinahanap natin siya? Alam niyang nandito tayo?" Pagtataka ni Ivon. "Maaari. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit ka niya binalaan kung ayaw niyang hanapin mo siya?" sabi ni Garran. "Iyan din ang iniisip ko." "Malaki ang posibilidad na gusto niyang mahanap mo siya o maaari ring ayaw ka lang niyang makulong sa lugar na iyon." Maaring tama ang mga sinabi ni Ivon. At si Aviana lang ang makakasagot sa oras na makaharap ko na siya. "Nararamdaman niyo

