CHAPTER FORTY-ONE

1115 Words

Humarang sa harap ko si Garran nang matapos magsalita ang babae. Bahagyang tumawa ang babae. "Wala akong balak makipag away sa inyo. Nakakapagtaka lang na may nagmamay ari kay Ar'arus at isang mortal pa." Tumalikod ang babae saka dinala ang kanyang kabayo at itinali sa tapat ng isang malaking bahay. "Anong pakay ninyo rito?" tanong niya nang muling humarap sa amin. Muli ko siyang hinarap. "Kailangan kong makausap si Binibining Damia. Kailangan ko ang tulong ninyo." Ngumiti siya saka tumalikod. "Sumunod ka sa akin." Sumunod ako tulad ng sinabi niya ngunit napansin niyang nakasunod rin sa amin sina Garran at Ivon. Inirapan ang dalawa. "Hindi kayo kasama." "Hindi ako papayag na maiwan mag isa ang pinuno," sabi ni Garran. "A-ako rin." Parehong humarang ang dalawa sa harap ko. Pareho kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD