Hindi ako makapaniwala na isang tao rin si Silene ngunit paano siya napunta sa puder ng isang mahigpit na pinuno? Paano siya napunta sa pangangalaga ng isang nilalang? Gusto ko man itanong lahat sa kanya ay hindi ako makakuha ng tiyempo. Abala na sya sa planong inihahanda para sugurin si Goro. Magandang pagkakataon na rin ito para makasama kami at makaakyat sa bundok. "Pinuno, anong nangyari?" Sinalubong ako no Garran na pawis na pawis mula sa pag tatrabaho. "Susugod na ba tayo? Narinig kong nag uusap ang mga taong palaka kanina," sabi ni Ivon na hinihingal pa. "Nakausap ko na si Binibining Damia. Tama, naghahanda na sila para sa isang laban. Maghanda na rin kayo dahil sasama tayo." Sumunod sa utos ko ang dalawa na naghanap ng paraan para maihanda ang mga sarili. Maraming nakahandang

