"Hindi na ako papayag sa kahit na anong pangako. Gugustuhin mo pa bang hingin ang tulong ko?" Hindi man ako sigurado sa gusto ni Ar'arus ay pumayag ako. Hindi na pwedeng maghintay ang mag ina. Nauubusan na ako ng oras. "Kailangan ko ang tulong mo. Payag ako sa kahit na ano." Ngumisi si Ar'arus at hindi nagtagal ay lumipad ito papasok sa katawan ko. Nag init ang buong kalamnan ko. Nararamdaman ko sa bawat ugat ko ang lakas na dumadaloy na nagmumula sa kanya. Alam ko na ngayon kung ano ang gusto niya. Gusto niyang mananahan sa katawan ko. Naramdaman kong nagliliyab ang katawan ko. Lumalabas ang asul na liyab sa mga mata ko at kitang kita ko iyon. Unti unti ay nararamdaman ko ang lakas niyang dumidiin sa puso ko. Sa sobrang sakit ay napasigaw ako at mula sa bibig ko ay lumabas rin ang asul

