Hinintay naming bumalik si Garran na umabot na ng isang linggo sa paghahanap sa bulaklak ng Hafu. Halos si Ezro lahat ng nagaasikaso sa pangangailangan ko. Siya ang namimitas ng mga gulay at prutas habang ako naman ang mangingisda. Hindi na ako bumababa ng templo para mamili dahil sa ayokong iwan si Ezro nang mag-isa. Baka may mangyari na naman. Si Ezro ang magluluto at magpapainom ng tubig kina Alec at Ingkong Pablo. Mabuti nga at kahit pa paano ay nagagawa nilang makainom ng tubig pero nananatili pa ring nakapikit ang kanilang mga mata at labis na nanghihina. Matapos ang isang linggo ay bumalik si Garran. Sa itsura palang niya ay nalaman ko na na wala siyang nahanap na bulalak ng Hafu. Dinatnan niya kami sa silid ni Alec habang pinupunasan ni Ezro si Ingkong gamit ang dahon na una na n

