Naghahanda na sina Garran at Ingkong Pablo para sa pag-uwi namin. Maging si Ezro ay inaayos na rin ang gamit niya. Sinabihan ko siya na magpaalam sa ibang taong-daga pero wala na raw sila nang puntahan niya. Umamalis na rin maging ang ibang mga nilalang dahil tapos na rin naman ang seremonya. Nasa labas na ako, sa tapat ng karawahe, hawak ko ang espadang ipinagkaloob ni Goro sa akin nang lapitan ako ni Ingkong Pablo. “Paano napunta sa `yo `yang espada ni Ar'arus?” May takot sa mga mata ni Ingkong Pablo. “Nakausap ko siya. Hiningi ko ang tulong niya.” Muli kong ibinalot ang espada saka ko iyon itinago sa tagiliran ko. “Naiintindihan mo ba iyang pinasok mo?” “Alam kong malaki ang kapalit sa hiling ko. Ano pa ba ang mawawala? Puno na rin naman ng problema ang buhay ko.” Sumakay ako sa ka

