Chapter 3

2468 Words
Chapter 3 Luhan’s POV             Naghahanap lang ako ng katulong. Oo yun kasi yung inutos ko kay Dashniel. At pinapunta niya ako sa lugar na ito. May isang babae raw kasi na fit na fit sa hinahanap ko. Maganda. Sexy. At higit sa lahat single. Pero hindi ko naman alam na ganito ang makikita ko. Maganda siya. Hmmm Sexy din siya, mukhang Single naman siya. Pero bakit kinakawawa siya ng amo niya? Kung utos-utos siya ay parang hindi lang katulong ang turing sa kanya, kundi isang hayop. Bakit ganito ang mga tao? Ang sasama ng mga ugali niya. Para din pala silang mga Estocia. Pero, hindi naman lahat ng mga taga-Estocia masasama. Si Tyra isang Escotia, pero hindi siya masamang Engkantada.             May ilang araw ko pang binantayan at pabalik-balik ako sa lugar na ito. Hanggang sa makakuha ako ng tiyempo. Papaalis ang buong pamilya ng masamang babaeng ito. Gagawa na sana ako ng appointment sa kanya at gusto ko na sanang bilhin nalang yung babae sa kanya, para hindi na maghirap. Pero? Bakit parang may naramdaman akong kakaibang nangyayari? Narinig ko. Oo narinig ko, may kakayahan kasi akong makarinig ng mga tinig kahit na malayo ito.             Narinig ko. Kausap ng Tita ng babaeng iyon, ang isang abogado. May mga pinirmahan sila. At kaagad na umalis itong Abogado. At doon na nagpiyesta ang buong pamilya ng halimaw na iyon. Kung makatawa wagas. Akala mo wala nang bukas. Gusto ko na siyang gamitan ng mahika ko. Para tumahimik dahil nakakarindi ang tinig niya.             Papatayin nila. Papatayin nila ang babaeng iyon. Ano naman ang pakialam ko? Anong pake ko kung patayin nila yung babaeng iyon? Eh hindi ko naman siya kaano-ano. At bakit ko kelangan siyang iligtas? Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? May kung anong bagay na tumutulak sa akin upang, gamitin ko ang kakayahan ko, upang iligtas siya. Oo! Mabait kasi talaga ako. Ewan ko kung bakit ang bilis-bilis kong magtiwala. Ang bilis-bilis kong makita yung kabaitan ng tao man o Engkanto. Noong nakaalis na sila, doon ko lang nakita na maraming mga Guardiyang nakabantay. At doon ko nakita, yung babae na nagtatago sa isang malaking halamanan. At noong naamoy ito ng aso ay kaagad itong inambahan. Pinahinto ko yung oras. Pero ang pinagtataka ko? Bakit hindi naapektuhan ng ginawa kong mahika yung, babaeng iyon? Anong meron sa kanya? Kakaiba siya. Tanging ang pamilyang galing lang sa Candelaria ang nakakagawa ng bagay na iyon. Hindi kaya siya na yung?             Kelangan kong malaman.             Sampung segundo lang ang itatagal ng mahika kong iyon. Pero sa aking pagbibilang. Kaagad itong tumayo at hinila ang kamay ko at patakbo niya akong nilabas sa mala-presong bahay na iyon. ☼ ☼ ☼             “Dashniel!” sigaw ko pa noong tinatawag ko si Dashniel. Kaagad naman itong lumapit, gaya ng inaasahan ko. Kahit na siguro nasa malayo ito, o may ginagawang importanteng bagay. Kapag tinawag ko kaagad ang pangalan nito ay mabilis pa sa alas kwarto ay nandito na ito.             “Anong maipaglilingkod ko sa inyo Master Luhan?” tanong nito sa akin habang inilabas nito sa kanyang maliit na kamay yung Book of life.             “May nababasa ba diyan sa Book of life, tungkol sa Prinsesa Georgia?” tanong ko kay Dashniel. Kaagad niyang binuksan ang Book of life. Ito ang libro na kung saan makikita mo ang buhay ng isang tao, present, past at ang magiging future nito. Yung mga bagay na nangyayari sa isang Engkantado, nandito na. hindi mo lang mababasa dito ang tungkol sa buhay mo. Kelangan kung magtatanong ka, hindi tungkol sa iyo, kundi sa ibang Engkantado. Dahil kung pipilitin mong basahin ang kapalarang mo. Wala kang makikitang nakasulat dito. Kundi blankong papel lamang. Kung bakit ganun? May ibang dahilan. Na tanging mga Taga silbi lamang ang nakakaalam.             “Opo master.” Panimula pa ni Dashniel.             “Base po sa kanyang present life. Nasa maayos na siyang buhay ngayon.” Nakalimutan ko. Kakaunti o kakarampot lamang ang mga impormasyong nandito. dito malalaman kung buhay pa ba siya, base mawawala lang ang kanyang pangalan sa librong ito once na namatay na siya. Pero dahil sa hindi pa siya patay. Nandito parin siya at buhay parin siya.             “Future?” tanong ko sa kanya.             “Ikakasal siya sa isang Engkantado!” masayang sabi ni Dashniel. Hindi naman yun ang nais kong marinig.             “Tsk! Umalis ka na nga, kumain na ba at nakapagpahinga na ba si Candice?” tanong ko sa kanya.             “Uy! Master! Mukhang nakakaamoy ako ng ibang…”             “Shut up! Dashniel, hindi ko hiningi ang opinyon mo. Tinatanong kita kung, nagawa mo na ba yung mga ipinag-utos ko sa iyo para sa kanya?” inis kong sabi sa kanya.             “Ang init ng ulo. Opo Master! Nagawa ko na po. Daig pa nun si Yeusen sa sobrang takaw kumain eh” asar pang sabi ni Dashniel. First time niya lang atang makakain ng ganung kadaming pagkain.             “Umalis ka na. dahil, mukhang may gustong kumausap sa akin” saka agarang umalis si Dashniel.             “Kung kanina ka pa nandiyan. Lumabas ka na Yeusen!” saka biglang lumabas si Yeusen sa aking likuran.             “Ang Bangis talaga ng pang-amoy niyo Master. Hmmm, pwedeng magtanong?” tanong nito sa akin saka umupo sa couch. Samantala ako? Nagbabasa ng libro at hindi ko siya tinitignan.             “Ano yun?” iritable kong sagot sa kanya.             “Nainlove na po ba kayo?” saka biglang bumilis yung t***k ng puso ko.             “Walang kwentang tanong.” Sagot ko sa kanya.             “Eh? Joke lang po yun. Haha, eto na talaga ang tanong? Mahahanap pa kaya natin yung Etir?”             Halos 16 years na siyang nawawala. At simula noong nawala iyon. Nawala na rin ng pag-asa ang buong Candelaria. Nawalan na nang kapayapaan ang buong Candelaria. Punong-puno na naawayan ang dating mapayapang Mundo namin. Simula noong nakawin ng isang taong bihag namin yung Mahiwagang Kandila na siyang nagsisilbing ilaw at pinaka-importanteng bagay sa amin bilang Engkantado. Kasama ang Prinsesa Georgia. Kung paano ito nakuha? At nawala? Hanggang ngayon ay iniimbestigahan parin nila. ☼ ☼ ☼             Pinuntahan ko si Candice kwarto nito. Siyempre hindi na ako kumatok. Kaagadko na nang binuksan yung kwarto. Naiirita ako. Naiinis ako. Parang nahihilo ako sa kulay ng kwarto niya. Pero kasi ito yung nakita ko eh. Eto yung nabasa ko sa pangarap niyang kwarto.             Alam ko. Alam ko ang nakaraan niya. Base sa mga nabasa ko sa isip niya. Base sa nabasa ko sa nakaraan niya. Mayaman siya. Lahat ng mga bagay na meron ang isang prinsesa, ay nasa kanya na. may ari ng isa sa pinaka-malaking pagawaan ng Kandila. Walang ibang kapatid, siya lang at ang mahal na mahal niyang Ama na nagngangalang, Yuan ang kasama nito sa buhay. Pero, kaagad itong namatay dahil sa isang malubhang sakit.             Nakatitig parin ako sa kanya ng mga oras na ito. Ang amo ng mukha niya. Maganda siya, gaya ng sinabe ko noong una ko palang siyang nakita. Yung pisngi niyang mapula-pula. Yung labi niyang kulay rosas. Yung maliliit na pilik mata niya. Ilong niyang matangos. At maliit niyang tenga. Bakit ako nakatitig sa mukha niya?             Hanggang sa bigla siyang nagsalita.             “Dad! Wag ka nang mag-alala. Okay na ako ngayon.” Sabi pa niya, sabay may mga butil ng luha akong nakitang tumulo galing sa kanyang mga mata. At biglang bumilis yung t***k ng puso ko sa nakita ko. Hindi pwede! Hindi pwede itong nakikita ko.             Naging perlas yung luha ni Candice. Hindi pwede?! Siya na kaya? Siya na kaya yung matagal ko nang hinahanap? Siya na siya si Prinsesa Georgia? Ang nawawalang prinsesa ng Candelaria?             “Dad! Miss na miss ko na po kayo. Sana nakikita niyo ako kung gaaano ako ka saya ngayon. Happy birthday nga po pala sa akin.” Saka muling nahulog yung mga butil ng luha ni Candice at muli naging Perlas ito pagkatapos.             Naalimpungatan siya. At nakita niya akong nasa harapan niya, kinagulat niya ito siyempre. Pero hindi ako nagpatinag sa nakita ko kanina.             Kaagad siyang napatayo at tinakpan yung sarili niya ng kumot. Pinunasan pa niya ang mukha niya at iniwas na tumingin sa aking mga mata. Siguro na sabi na ni Dashniel sa kanya yung tungkol sa bagay na iyon.             “Ano pong ginagawa niyo dito?” tanong nitong halatang natatakot.             “Wag kang matakot sa akin. Hindi kita kakainin.” Paliwanag ko pa sa kanya. Saka ako umupo, sa couch na kahit naiirita ako dahil kulay pink ito. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. Pina, lipad ko yung suklay at inabot ito sa kanya. Na siyang kinagulat naman nito. Nagdadalawang isip pa siyang kunin ito pero noong nilingon ko siya, kaagad niya itong kinuha at ginamit niya sa kanyang buhok.             “Maaari ba akong magtanong Candice?” mahina lang yung tono ng boses ko. Pero mukhang para sa kanya. Seryoso ako! O nakakatakot na ako. Normal lang talaga siguro ito, kasi unang beses palang naming magkita at magkausap ng ganito.             “Ano yun Master?”  kumunot ang noo ko.             “You can call me Luhan, ayaw ko kasing tawagin ako ng Master ng hindi naman mga Engkantado.”             “Ah? Ganun ba? Sige anong tanong mo Luhan.” Saka siya ngumiti. Anong problema ng babaeng ito? Bakit siya ngumingiti? Kaagad kong winaglit ng ngiti niyang iyon. Para siyang walang problemang dinaramdam.             “kahit nag magsinungaling ka. Nababasa ko ang iniisip mo. Kahit ngayong mga oras na ito, alam ko ang tumatakbo diyan sa utak mo Candice!” straight ko pang sabi sa kanya. Inayos niya ang sarili niya. Yung pag-upo niya sa kama inayos niya. Hindi na rin siya ngumiti sa akin. Naging seryoso ang mukha niya. Nakakatawa talaga siya.             “Isa ka bang Engkantado?” tanong ko sa kanya. Bumilis yung t***k ng puso niya. Parang lumundag. Pero iba yung nararamdaman ko. Parang gulat. Siyempre normal lang, pero pagkatapos, naging normal na ulit yung pagdaloy ng dugo sa kanyang buong katawan.             “Hindi po, bakit niyo na itanong?”             “Pwede mo bang ipaliwanag kung bakit naging Perlas itong mga luha mo?” saka ako tumingin sa mga perlas na ngayon ay hawak-hawak na niya.             “Hindi ko po talaga alam. Pero noon pa man, ganito na talaga ako. Kapag sobrang lungkot ko, lumalabas itong mga ito. Nagiging perlas yung mga luha ko, hindi ko maipaliwanag, at noong sinabe ko ito kay Daddy. Matagal na pala niyang alam ito. Noong una palang niya akong makita, at umiyak ako may mga butil daw ng luha ko na naging maliliit na perlas. Nakakatuwa nga raw ako noon eh. Ang cute-cute ko raw…” pagkukwento pa niya.             “Wag kang lumihis sa mga kinikwento mo. Hindi ako interesado sa ibang bagay, sagutin mo lang yung mga bagay na kelangan kong malaman!” kumunot ang noo ko sa mga ibang sinabe niya. Hindi naman ako interesado kung cute siya. Dahil cute naman talaga siya. Tsk! Bakit ko ba sinasabe itong mga walang kwentang salitang ito? Hays!             “Sorry po!” saka siya ngumiti.             “Yun nga, alam na pala ni Daddy noon pa man. Pero, hindi ko talaga alam kung bakit nagiging ganito ang mga luha ko.”             “Alam din ba ito ng Tita Kiya mo?”             “Hindi po. Hindi po ako umiiyak sa harapan nila. Kung iiyak po ako malalaman nila na nakakagawa ng perlas yung mga luha sa mata ko. Baka gawin pa nila akong negosyo. Haha” nakuha pa niyang tumawa sa ganun sitwasyo niya sa kanyang kamag-anak?             “Yun lang!” saka na aktong tatayo. Hindi siya nagsisinungaling. Nakikita ko yung mga sinasabe niya sa isip niya. Tama lahat ng sinabe niya. Papaalis na sana ako noong tinawag ni Candice ang pangalan ko.             “Luhan!” huminto ako at hinarap ko siya. Kaagad niyang tinakpan ang mga mata niya.             “Ano yun?” tanong ko sa kanya sa normal na tono ng boses ko.             “Salamat ah? Nakalimutan ko kasing magpasalamat sa iyo kanina. Nakatulog na ako, hehe pero salamat talaga ah? Sa pagligtas sa akin, sa lahat ng ito. Sa kwarto kong ito, favorite ko talaga ang kulay pink…”             “Oo na. tama na! ang ingay mo. Pwede ba? Bawas-bawasan mo yung ingay ng bunganga mo? Para kang hindi babae kung kumilos. Umayon ka sa edad mo okay?”             “Eh? 16 years old palang naman ako ah? Bakit ikaw ilang taon ka na? siguro sobrang tanda mo na no? tapos ginamit mo lang yung kapangyarihan mo para, gawin kang gwapong binata?”             “Tsk! Alam kong gwapo ako Candice, you don’t need to remind me” mayabang ko pang sabi sa kanya.             “At isa pa, 16 years old lang din ako. Okay na?” saka ko binuksan yung pintuan at lumabas na nang kwarto niya. Nakakarindi talaga siya. ☼ ☼ ☼             Tinawag ko si Dashniel. Ipinahanda yung mga bagay na initos ko sa kanya. Wala sila Yeusen at Tyra. Si Tyra kasi, isang Model sa isang, TV network. Samantala, si Yeusen ay isang Professor sa isang sikat na unibersidad dito sa maynila. Kahit na may mga importante silang ginagawa, hindi parin nila nakakalimutan yung misyo namin dito sa mundong ibabaw. Ang hanapin ang nawawalang Prinsesa at ang mahiwagang Etir.             “Anong meron?” tanong ni Tyra at kaagad na susunggab sana ng pagkain sa hapagkainan. Pero tinignan ko siya ng masama kaya kaagad niyang inihinto ang balak nito.             “Sorry!” saka nalang siya umupo. Sunod namang dumating si Yeusen at gaya ni Tyra ay susunggab sana ito, pero tinignan ko lang siya ng masama ay huminto din ito.             “Sinong may Birthday?” tanong pa ni Yeusen. Tumingin si Dashniel sa akin. Sumunod namang tumingin si Tyra, pero hindi ako sumagot sa kanila. Hanggang sa magsalita si Candice sa aking likuran.             “Ano pong meron? Wow ang sarap naman nito!” kaagad niyang nilamutak yung mga pagkain sa harapan. Umaapaw ang inis sa mukha ni Tyra ng minutong iyon. At halos hindi naman mapigilan si Yeusen sa kakatawa ng minutong din iyon. Pinipigilan naman ni Dashniel ang tumawa. At tulala naman si Candice.             “Bakit ka tumatawa Yeusen? Anong meron? May lason ba itong kinakain ko?” pagtataka pa ni Candice sa inaasal ni Yeusen sa kanya.             “Wala. Ang cute-cute mo lang kasi eh. Sige, pwede ko bang tikman ito Master?” saka inakbayan ni Yeusen si Candice at kumuha narin ng pagkain. Nagwalkout naman itong si Tyra. Alam kong nainis siya sa inasal ni Candice at sa walang paikealam ko sa ginawa nito.             “Ano ba kasing meron ngayon Luhan?” tanong ulit ni Candice sa akin. Hindi ko na talaga kaya ang magsinungaling. Kaya sinabe ko na ang katotohanan, kung bakit kami nagdidiriwang ngayong gabi.             “Happy birthday! Candice!”             Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Candice, wala akong ibang nababasa sa kanyang mga mata kundi ang kasiyahan. Punong puno ng kasiyahan ang puso niya ng mga oras nito. Ang saya-saya niya sa loob-loob niya. Pero nabasa ko rin na may parte dito na malungkot siya. Siguro dahil sa ikaw 16 anim niyang kaarawang wala ang mahal niyang Ama.             “Birthday mo? Sinabe ko na nga ba eh. Happy birthday Candice. Humiling ka ng kahit anong gusto mo. Ibibigay yan ni Master Luhan.” Tawa ng tawa si Yeusen, pero noong hinila ko ang upuan at nadapa ito noong uupo sana ito at ngumisi ako. Ang kulit-kulit mo, pasaway ka!             “Ah? Ang wish ko lang sana ay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD