Chapter 31 3rd Pov Nakapagdesisyon na si Luhan. At kahit na alam nito na maraming magbabalak na bumalakid sa kanyang nais at isa na nga rito ay si Ana, pero hindi niya kayang tumagal pa ng isang araw, o maski isang oras na hindi pa naililigtas si Candice sa kamay ng demonyong Yugo na iyon. Alam kasi nito kung ano ang tumatakbo sa isip nitong hayop na ito at alam na nila kung ano ang balak nito. Bubuhayin na nga nila ang isa sa pinaka-masama at higit sa lahat ang siyang nagpanimula ng masasamang Gawain sa mundo ng Enkantasia. Kasama si Dano, umalis na sila patungo sa direksyon na kung saan maaaring itinago si Candice. Sa kastilyo ng mga taga Estocia. Ang kastilyo ng mga Ruegio. Habang tinatahak nila ang daan patungo sa Estocia, may mga halimaw na humarang sa kanila. Tinatawag itong Pur

