Chapter 30 Luhan’s POV NAIINIS AKO. Nang-gagalaiti ako, nasa harap ko ngayon si Dano ang lalakeng nagtago at siyang kumuha kay Candice, upang dalhin sa mundong ito. Bakit nga ba hindi ko kaagad nalaman na maaari siyang maging Prinsesa ng Candelaria? Una palang nakita ko na, na sa tuwing umiiyak ito nagiging perlas ang luha nito. Isang sensyalesa na may dugong maharlika ito. Halos ipukpok ko na ang ulo ko sa sobrang pagiging tanga ko. Ngayon lang ako nag ganito sa tanang buhay ko. And I don’t want to lose her. Kelangan ko siyang puntahan, kelangan ko siyang sundan, at kahit anong mangyari ililigtas ko siya. “Nahihibang ka na ba?” singhal sa akin ni Dano. “Papaano mo maililigtas si Candice gayong, nasa kamay siya ni Yugo. Kilala mo si Yugo, kilalang kilala mo siya. Alam ko kung paano

