Chapter 29 Candice’s POV Kitang-kita ko kung paano nakalutang at nababalutang si Ana sa tabi nang kaaway ni Luhan na si Yugo. May mga dragon na kawal si Yugo sa likuran nito, habang napatingin naman ako sa lalakeng nasa harapan, at handing makipaglaban para kay Ana si Luhan. Pursigido ang mukha nito. At kahit na, nasa seryosong phase niya ngayon ay kitang-kita parin ang kagwapuhan niya. Bakit ko nga ba naisingit ito? Waaaaah! I just badly miss him. Miss ko na yung pagmamaldito niya sa akin. Napatingin ako sa lalakeng katabi ko. It’s Dano, alam ko ang mga tumatakbo sa isip niya, hindi kami pupwedeng magtago sa loob ng kwartong ito. At alam ko rin na itatago niya lang ako dito, dahil kelangan niyang tumulong doon upang masupil na nila ang kalabang si Yugo. Naglabas muli nang isang malak

